You are on page 1of 1

Medrano, Rene Lynn L.

Student no. 213- 00191M


Masisisi mo ba ako?

Tila ordinaryong araw sa buhay ng isang batang katulad ko, hindi ko alam na ang
paggawa ng masama ay masama, hindi ko alam kung ano ang tamang gawin sa isang sitwasyon.
Masisisi mo ba ang isang batang katulad ko kung sasabihin ko sa iyo na nangupit ako?

Isang tanghali, ang isang walang muwang na batang katulad ko ay nagbabantay ng


tindahan ng aking lola, ay may lumapit sa aking isang matandang pulubing nanghihingi ng tubig.
Ang bata ay kumuha ng malamig na tubig upang mapainom ang uhaw na matanda at
maya-maya’y nanghingi na rin ng pera. Ako ay isang bata at ang halaga ng pera sa akin ay wala
lamang, alam ko lang ay kapag binigyan ko ng pera ang matanda ay makakakain ito at ito ay
mabuting gawain. Agaran kong binuksan ang pinto ng tindahan at kumuha ng dakot ng barya.
Inabot ko ito sa lola at agad itong umalis. Kalaunan, ang aking lola ay napansing kulang ang
benta niya sa tindahan. Agad kong sinabi ang aking ginawa at tila ba ako’y nagmamalaki pa
dahil ang buong akala ko ay tama ito. Gusto ko lang naman ay makatulong sa matandang
nauuhaw.

Ang buong akala ko ay tama ang ginagawa ko sapagkat nakatutok lamang ako sa aking
hangaring maganda. Totoo nga ang sinasabi nila na maraming napapahamak sa maling akala,
katulad ng aking karanasan, hindi natin mabibigyan ng katarungan ang isang mabuting gawa
kung ang pamamaraan natin ay mali. Tingnan natin ang ating sarili at maari natin itong gamitin
sa buhay, na kapag nakatutok tayo sa resulta ng bagay, ay hindi tayo magtatagumpay sapagkat
hindi natin nalalasap ang bawat hakbang papunta sa buhay, maaring madapa ka sa daan o maging
madali ang tatahakin mong landas ngunit tandaan mo na kapag nilasap mo ang bawat hakbang
papunta sa tagumpay ay mas mararamdaman mo ang tagumpay pagkatapos ng lumbay. Maari
kang matuto sa pagkakamali mo, basta ikaw ay bumango at ipakitang kakayanin mo, ito ay parte
ng proseso at magtiwala ka na hinuhubog ka lang nito. Hindi naman siguro masama ang hangarin
mo, gusto mo lamang naman gumawa ng mabuti o para sa sarili.Ngayon, masisisi mo ba ako
kung nangupit ako kung ang tanging nais ko lamang ay makipag kapwa tao?

You might also like