You are on page 1of 1

Patak

bata pa lamang ako ay kailangan ko na agad mag trabaho para may pag ka kitaan at gamitin ito para may
pang bili ako ng mga gusto kong bilhin. Sa murang edad ay natuto akong mag trabaho, maagang namulat
sa reyalidad na buhay sa probinsya. Isa rin ata ito ng dahilan kung bakit hindi ako sin talino ng iba dahil
mas inuna ko ang mag isip kung paano mag kakapera. Hindi sa sinasabe ko na walang ginagawa ang
magulang ko ay nagkakamali kayo, sila ang naging inspirasyon ko na huwag sumuko sa buhay. Mas
pipiliin ko ang simpleng buhay na ito kesa sa buhay na hindi ko gusto. Maraming nag duda sa kakayahan
ko, ngunit hinayaan ko na lang ito dahil mas kilala ko ang sarili kong pag katao. Dahil sa bawat patak ng
pawis ko ay may tagumpay akong makakamit.

Sa pag tungtong ko ng mataas na baitang ay doon ko na naisip kung gaano ka hirap ang buhay. May mga
pag kakataong pumapasok ako na puro patak ng pawis ang aking damit dahil kakatapos lang mag
trabaho. Dito ko rin unang nalaman ang umibig at ang aking unang kasawian. Sa una lang pala talaga
masaya, yung tipong pakikiligin ka niya hanggang sa may mga patak na ng luha sa sa aking mga mata sa
sobrang saya. Masakit mang isipin pero oo, iniisip pa rin kita, hinding hindi ko makakalimutan ang mga
masasaya nating memorya. Kung paano ka ngumiti, tumawa kahit nga malungkot ka ay ang ganda pa rin
ng mga mata mo. Kaya noong sinabe mo sa akin na ayaw mo na? gumuho ang mundo ko, nawalan ng
gana kumain, pumasok sa paaralan araw-araw at mabuhay

. Sa puntong ito naisip ko na kailangang kong mag patuloy sa buhay kahit wala na siya sa piling ko. Hindi
naging madali pero dahil sa tulong ng mga kaibigan ko ay mabilis ko din siyang nakalimutan at heto ako
ngayon masaya na sa buhay at mayroon na ulit nag papatibok ng puso ko. Mahirap ang buhay pero
kailangan natin magpatuloy kung gusto natin may mangyaring maganda.

You might also like