You are on page 1of 2

Limang taon palang ako, Masaya at palaging naglalaro

Ngunit, minsa’y napagtatanto ko ang ibang batang aking nakakalaro.


Maghapon silang nakikipag takbuhan, buong araw ng kasiyahan.
Pero ako, nakakulong sa aming bahay. Mapilit kasi ang Nanay,
Na ang bata dapat daw ay nagpapahinga nang mabilis, walang angalan.
Kain tulog lang ang problema, pati rin POGs at text na nagkakada wala
Bata-bata gusto ko na tumanda.

Limang taon na ang lumipas, at sampu taon na ang aking gulang


Aktibo na ako sa pakikipaglaro, pakikipag takbuhan buong araw
Pero misa’y napagtanto ko, bakit ang mga kaibigan ko
Pinapayagan makipaglaro, sa mga lugar na malalayo
Pero ako, sa tapat lang ng bahay, napagkukuntsawan pa ng ibang tao.
Sige humayo ka at ika’y mawawala,
Meron pang-iba na nanakot, sige at baka mabiktima ka
Ng mga kidnaper at mga nagbebenta ng lamang loob, bahala ka.
Ito ang unang beses na sa aking ay ipina kilala
Ang paghuhugas, pagwawalis pagtulong kay “mama”
Mga maliliit na bagay na pinoproblema, pero di sapat
Para ako’y magpanik dahil nadyan pa sila papa
Bata-bata gusto ko na tumanda

Sampung taon na ang lumipas at ako’y labing lima na


Katutungtong ko lang sa siyam na baitang
Nakadadayo na sa malayo, at pinapayagan nang humayo mag-isa.
Ngunit ako’y napaisip noong ang aming guro’y nagpatanong
Anong balak ninyo sa inyong paglaki
Marami ang sumagot, lahat sila nagmamadali
Ngunit ako, hindi ko alam ang aking plano
Nag-isip ako ng matagal at naisip ko, na ay may hilig ako,
Hilig kong tumayo sa harapan ng maraming tao
Magsalita at magsalita ng kung ano-ano.
Parang gusto ko maging guro.
Ptaong-patong na ang aking mga problema
Meron pa akong mga Prayoridad na di ko nauuna
Mga problema di ko mailapit ka’y papa
Dahil sa Pride ko, yabang ang nanaig
Dale ang porma.
Ang nais kong ipakita ay kaya ko na
Kaya ko na ang buhatin ang sarili ko mag-isa
Mag-isa kong haharapin ang mga tambak kong mga problema
Di ko kelangan ng tulong ng iba.
Dahil pag-ako mag-isa
Nabibigyang hustisya ang gawa
Bata-bata gusto ko na tumanda.

Labing limang taon na ang lumipas, at naktungtong na akong Kolehiyo.


Ang paglalakbay ko ng buong Dalawampung taon ay hindi pa natatapos
Napakasarap isipin, at parang sa puso ko’y may humahaplos.
Ngayo’y nasa mataas na akong lebel ng antas ng pag-aaral
Makakamtan ko na ang pangarap kong aking binibigkas
Ngunit hindi naging madali ang naging paglalakabay,
Muntik na akong sumuko’t humiwalay
Sa pangarp kong Ito, di pala isang biro
Ang trabaho ng guro. Palaging nakatutok sa mga gawain
Walang halong biro

Wala na ang tulog na Laging pilit ni Nanay.


Wala narin ang mga Pagdayo sa ibang lugar dahil wala akong oras lumabay
Ang mga bagay na dati’y hindi kailangan intidihin,
Ngayo’y di pwede dahil ikaw ay ku-kuwentsunin.
Ang ambag mo sa lipuna’y ngayon ay importante na
Mga opinyon na noon bata ka ay hindi po pa kilala
Ang mga prayoridad na dapat ay inuuna,
Ang kalayaan at kamuwangan ng isang bata.
Ang mga responsibilidad na hindi pinoproblema
Ngayo’y wala na.
Ang pagigin matatag mag-isa ay, hindi ko na kaya
Ang tulong ng iba a kailangan ko talaga
Dahil ngayon, Hindi pwede sarili mo ang inuuna
Bata-bata wag ka muna tumanda

You might also like