You are on page 1of 3

Bien Bibas 10-Cassiopeia

AP-Module 4: Gawain 1
Maikling Kwento

Isang Hakbang

Ako nga pala si Leo pero pwede niyo rin


akong tawaging Lea. Oo Lea, bakla ako. Parte ako ng
LGBT community. Hindi ko pinangarap maging
abogado, hindi ko kailanman naisip na magiging
abogado ako. Ngunit sa mga naranasan ko sa buhay
napadpad ako sa landas na ito.

Taga Tondo ako, noong bata pa ako kasama


ko sa bahay ang aking butihing ina at lasinggerong
ama. Gaya ng iba, nagtitigas-tigasan din ako upang maiwasang mabugbog o kaya masabihan ng
salot sa lipunan. Tanggap ako ng aking ina. Inaayusan niya ako madalas kapag wala ang aking
ama. Isang araw sa hindi inaasahang pangyayari naabutan niya kami ng aking ina na parang
rumarampa. Sakit sa katawan ang natanggap naming pareho. Nakatago lang ako sa likod ng
aking ina. Sumigaw ang aking ama, "Mga wala kayong kwenta, ikaw bakla ka salot ka sa
lipunan!", turo niya pa sa akin. Wala akong magawa kundi magtago sa likod ng aking ina,
dinugsungan niya pa ito, "At ikaw namang babae ka, tandaan mo na ako ang masusunod sa
pamamahay na ito! Isaksak mo diyan sa isip mo na kagustuhan ko lamang ang masusunod!", at
dinuroduro niya pa ang aking ina. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Isang hakbang, paalis sa
likod ng aking ina. Itinulak ko ang masamang taong nasa harapan ko at sumigaw ako kasama
ang galit at poot na napuno sakin, "Tatanggapin ko pa na sigaw sigawan at saktan mo ako! Pero
wag naman po ang nanay ko. Oo babae siya pero hindi siya babae lang! Hindi porket asawa ka
niya susundin niya lahat ng gusto mo!". Pagkatapos noon, nilayasan kami ng aking ama.
Malaking ginhawa iyon sa amin, at doon ko naisipang mag-abogado .
Hindi nagtagal, nakatungtong ako ng kolehiyo
ngunit sa hirap ng buhay, napag-isipan kong
magtrabaho. Nasa harapan ako ng isang construction
site, nagdadalawang isip ngunit nagbabakasakali. Isang
hakbang, kasama ng pangamba, nilaksan ko ang aking
loob at natanggap naman ako, ngunit kailangan ko
paring magkunwari. Hindi man sapat ngunit kailangan.
Ginagawa din ng aking ina ang lahat upang mapag-aral
ako. Noong una nagulat ako sapagkat may babae
akong katrabaho. Madalas siyang tuksuhin ng mga kasama namin na kesyo babae daw siya
dapat nasa kusina at nagluluto. Hindi ko makakalimutan ang tugon niya. "Ano ba naman kayo,
pareparehas lang naman tayong tao dito, ibat iba lamang ang kasarian natin. Oo babae ako,
lalaki ka pero kung tutuusin tayo-tayo lang din naman ang nag-tatak sa utak natin na kapag
babae ka dapat ganyan, kapag lalaki ka dapat ganito, hindi na kayo natuto." Natahimik ang
lahat at napagtanto na, oo nga pare-pareho lamang tayong tao. At alam din ng babaeng iyon
na bakla ako, siya lamang ang nakakaalam ngunit hindi niya ako hinusgahan. At dahil doon
natuto akong tanggapin ang aking sarili at ipakita sa iba ang tunay na ako. Sinabihan niya pa ako
noon, "Hindi ka tatanggapin ng ibang tao kung hindi mo tatanggapin ang sarili mo ng buong-
buo."

At ngayon isa na akong ganap na abogado. Marami na akong kasong nahawakan. Ilan
dito ang pang-aabuso sa kababaihan, hindi pantay na pagtrato sa mga myembro ng LGBT at
meron ding mga kalalakihang naabuso at napagsasamantalahan. Tanggap ako ng aking mga
katrabaho. Dahil sa pagiging abogado ko, nakatagpo ako ng mga tao na nagpatunay sakin na
ang kasarian ay hindi dapat tinitingnan bilang lebel ng kakayahan o karapatan. At sa bawat
isang hakbang na ginawa ko, marami akong nakitang pagbabago. Tunay na masasabing
epektibo ang batas pagdating sa pagbibigay ng karapatan ng bawat kasarian, ngunit hindi ito
lubusang makakamit kung ang tao mismo ay hindi marunong rumespeto. Muli, ako nga pala si
Leo pero pwede niyo rin akong tawaging Lea.
Image Source: https://images.app.goo.gl/PmnzXnbsTL4XCSsC8
facebook.com

You might also like