You are on page 1of 41

Day 1

Balik-aral:
Tumawag ng isang bata sa
harapan at ipasabi ang
kanyang mga karapatang
tinatamasa.
Itanong sa kanila kong
paano nila ito
pasasalamatan?
Basahin ang Tula:
Pasasalamat “
ni: Bb: Estrella
Salamat sa iyong pagaalaga
Salamat sa iyong pagkalinga
Salamat sa iyong laging pag-
paparaya
Salamat at hindi kayo nag-
Sasawa.
Utang ko sa inyo ang aking
buhay
Kayo na lagi kong Karamay
Kaya kailan ma’y di ko
ramdam ang lumbay
Dahil kayo ay walang sawang
gumagabay
Kaya naman palagi ang aking
dasal
Na sana’y lagi kayo
patnubayan ng maykapal
Ama’t Ina tunay na kayo’y
aking mahal
Utang ko sa inyo ang aking
dangal at mabuting asal.
 
Tungkol saan ang tula?
Ano ano ang mga karapatan na nabanggit
sa tula?
Kanino siya nagpapasalamat?
Tama ba ang ginagawa niya?

 
Tandaan:
Dapat tayong magpasalamat para sa mga
karapatang ating tinatamasa. Maipakikita
natin ang ating pasasalamat kung tayo ay
sumusunod sa kanilang payo.
Pagpapalihan:
Paglalapat
Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang
papel.
 
1. Siya ay nag-aaral sa ikalawang baitang.
A. Karapatang mag-aral
B. Karapatang mabuhay
C. Karapatang magsulat
2. Nagsisimba din siya tuwing Linggo.
A. Karapatan sa sariling relihiyon
B. Karapatang mag-aral
C. Karapatang mahalin
3. Sumasali siya sa paligsahan ng pag-
awit.
A. Karapatang maging masaya
B. Karapatang paunlarin ang kakayahan
C. Karapatang maglaro
4. Dinadala sya ng kanyang nanay sa
doktor upang ipagamot.
A. Karapatang kumain
B. Karapatang matuto
C. Karapatang maging malusog
5. Masaya niyang ginagawa ang mga
gawaing bahay na ibinigay ng guro.
A. Karapatang makag-aral
B. Karapatang magdasal
C. Karapatang maging malusog.
Day 2
Balik-aral:
Itanong sa mga bata kong paano
sila nagpapasalamat sa mga
Karapatan kanilang Tinatamasa.
Pagpapaunlad
“Tula para sa Guro”
Ikaw din ang dahilan ng
aking pagkatuto
Ikaw din ang dahilan ng
Aking pagrespeto
Hinubog mo ako sa
paraan na alam mong
ipagmalaki mo
At ginabayan mo ako
upang maging
Isang mabuting tao
Oh.. guro hindi
maikumpara ang
iyong dedikasyon
Sa mga batang katulad
ko meron ding
ambisyon
Hangad ng magulang ko
balang araw may
propesyon
Upang makamtan ang
pangarap nyang
edukasyon
Sa sakripisyo mo ito’y
walang katumbas
Sa araw araw mong
pangaral ay wagas
Hindi kita makakalimutan
hangang sa wakas
Dahil ikaw ang pangala-
wang ina, na kailan
man hindi kukupas.
Anong Karapatan ang binanggit sat
ula?
Kanino siya nagpapasalamat sa
Karapatan kanyang tinatamasa?
Tandaan:
Mahalaga magpasalamat sa mga karapatang
iyong tinatamasa. Magpasalamat sa
magulang, kapatid at kasapi ng pamilya. At sa
iyong mga kaibigan. Higit sa lahat sa ating
oong Maykapal na may gawa ng lahat.
Pagpapalihan
Paglalapat
Sa inyong papel, sumulat ng isang kuwento na
tumutukoy sa mga karapatang iyong
tinatamasa. Isulat kung kanino mo ito dapat
ipagpasalamat, bakit mo ito dapat
ipagpasalamat at kung paano mo siya / sila
pasasalamatan.
Day 3
Balik-aral:
Tumawag ng isang bata at itanong kong ano
ang mga Karapatan kanyang tintamasa sa
ngayon at kong kanino niya dapat ito
ipagpasalamat ang kanyang karapatang
tinatamasa?
Suriin natin ang larawan.
Ano ang ginagawa
ng mga bata sa
larawan?
Ano ano ang
kanilang talento?
Suriin natin ang larawan.
Sino sa kanila ang
nagbigay nito?
Kanino dapat sila
magpapasalamat sa
talentong kanilang
tinatamasa?
Tandaan:
Dapat tayong magpasalamat para sa mga
karapatang ating tinatamasa.
Maipakikita natin ang ating pasasalamat
kung tayo ay sumusunod sa kanilang
payo.
 
Day 4
Balik-aral:

Itanong kong paano nila


pahahalagahan at
pasasalamatan ang kanilang
Karapatan.?
 
Basahin natin ang maikling kwento.
1..Tungkol saan ang kwento?
2. Saan pupunta si tatay Oca?
3. Ano ano mga Karapatan ang
tinatamasa ni Helen?
.
4 Kanino nagpasalamat si Helen sa mga
Karapatan kanyang tinatamasa?
5. Ano ang sinabi ni Helen sa kanyang
Nanay bilang pasasalamat?
Tandaan:
Dapat tayong magpasalamat para sa mga
karapatang ating tinatamasa. Maipakikita
natin ang ating pasasalamat kung tayo ay
sumusunod sa kanilang payo.

You might also like