You are on page 1of 20

Isang

Araw na
Matrabaho
Sabado ng umaga
noon. Maagang
nagising si Leonardo
at dumungaw sa
bintana.
Nakita niyang gising na
ang karamihan ng tao. Sa
kanilang munting bayan
ng Alcala,
pinakamatrabaho ang
araw ng Sabado.
May isang babaeng may
dalang isang basket ng
hinog na saging. Isa
namang lalaki ang may
bitbit na mga manok sa
magkabilang kamay.
May mga karitelang puno
ng mga paninda ng
kalakal na patungo sa
pamilihan. Maririnig
naman ang sigaw ng mga
batang nagbibili ng
diyaryo.
“ Naku, matrabaho ang
araw na ito!” ang nasabi
ni Leonardo.
1. Anong oras nangyari
ang kuwento?
A. tanghali
B. umaga
C. gabi
2. Saan nangyari ang
kuwento?
A. sa nayon
B. sa bayan
C. sa lungsod
4. Kailan ang araw ng
pamilihan doon?
A. Lunes
B. Miyerkules
C. Sabado
3. Anong araw nangyari
iyon?
A. Biyernes
B. Lunes
C. Sabado
4. Kailan ang araw ng
pamilihan doon?
A. Lunes
B. Miyerkules
C. Sabado
5. Ano ang dala ng babae?

A. hinog na mangga
B. hinog na saging
C. hinog na papaya
6. Sino ang may dala ng
manok?
A. ang babae
B. ang lalaki
C. Ang nagtitinda ng
diyaryo
7. Sino ang sumisigaw ng
kanilang itinitinda?
A. ang mga tao
B. ang mga lalaki
C. Ang mga nagtitinda ng
diyaryo.
8. Saan nakasakay ang
mga tindera?
A. dyip
B. kotse
C. karitela
9. Sino ang dumungaw sa
bintana?
A. Leonardo
B. Nanay
C. Tatay
10. Marami ba ang
ginagawa ng mga tao sa
labas?
A. oo
B. hindi
C. marahil
1. B
2. B
3. C
4. C
5. B
6. B
7. C
8. C
9. A
10. A

You might also like