You are on page 1of 8

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA


MARAWOY LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Masusing Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

I.LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapahayag ng
pagpapasalamat sa tamang paraan.
2. Napahahalagahan ang mga layunin ng pagpapasalamat.
3. Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pasasalamat sa pamamagitan ng
ibat-ibang gawain.

II.NILALAMAN
Paksa : ANGKOP NA KILOS NG PASASALAMAT
Sanggunian : Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul 36
Kagamitan : Laptop, Led TV, Kagamitang Biswal, Power point

III.PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

1.Panalangin

Bago tayo magsimula sa ating aralin


magsitayo ang lahat para sa isang
panalangin. (Ang mga mag-aaral ay yuyuko at
sisimulan ang panalangin)

2. Pagbati

Magandang araw sa inyong lahat!


Magandang araw din po Ma’am!

3. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago tayo magsimula ay nais ko munang


pulutin niyo ang mga kalat na inyong
makikita at isaayos ang hanay ng inyong
mga upuan. (pupulutin at aayusin ng mga bata ang
hanay ng kanilang upuan)

4. Pagtatala ng Liban

Sekretarya ng klase maaari mo bang


sabihin sa akin sino ang mga liban
ngayong araw?
(sasambitin ng sekretarya ang mga liban)

B. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating aralin ay


mayroon akong inihandang isang gawain.

Gawain 1: SALAMAT KAIBIGAN KO!


Panuto: Habang tumutugtog ang isang
awitin pumunta sa iyong kaibigan at
magpasalamat ka. Maaari mo itong gawin
sa pamamagitan ng pagsambit ng salitang
Salamat o kaya naman ay pagngiti o
pagyakap sa kanila.

Naunawaan niyo ba ang panuto?


Opo Ma’am.
Kung gayon, atin nang simulan.

(tutunog ang awitin)


(tatayo ang mga bata at lalapit sa
kanilang mga kabigan)
(natapos na ang awitin)

(babalik na ang mga bata sa upuan)


Batay sa ginawa nating gawain buuin abg
gulo gulong letra ng mga salita upang
malaman ang paksang tatalakayin.

KOPANG AN LOSIK GN MATSALASAPA


Angkop na Kilos ng Pasasalamat po
Ma’am.
Tama! Ang paksang ating pagtatalakayan
ay ang Angkop na Kilos ng Pasasalamat.

C.Aktibiti

Upang mas mapalawak pa natin ang


inyong kaalaman sa paksang tatalakayin
mayroon akong inihandang isang gawain.

PAGNILAYAN MO!

Panuto: Basahin ang tulang may


pamagat na “Pasasalamat” at sagutin ang
ilang katanungan.

PASASALAMAT
ni: MAY MARIE O. EVIOTA

Isang madamdamin na salita


ang alay ko sa’king kapwa,
Bukal sa aking kalooban
at mula sa pusong kaibuturan

Pasasalamat ko ay ipababatid
sa mga kabutihan ninyong hatid,
Sa tulong na ibinigay
at mga biyaya sa’king buhay

Sa mga kagandahang loob


na sa akin ay ipinagkaloob,
Ng walang pag aalintana
At kaylan ma’y di nagsasawa

(sabay sabay babasahin ang tula)


D. Analisis

Mga gabay na tanong:


1. Batay sa binasa ninyong tula, ano sa
tingin ninyo ang paksa nito?
Ma’am ako po.
Ang paksa ng tula ay tungkol sa
pagpapasalamat.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)

Mahusay! Ang tula ay pumapatungkol sa


pagpapasalamat.

2. Sa iyong karanasan paano mo


naipapakita ang pagpapasalamat?
Sa pagtanaw ko po dito ng utang na loob
at balang araw ay makakabawi ako.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)
Mahusay ang iyong kasagutan. Kapag
may mga taong tumulong sa atin, palagi
nating naiisip na makabawi sa mga
susunod na pagkakataon sa kanila.

3. Ano ang pakiramdam kapag


naipapakita mo ang pagtanaw ng utang
na loob at pagpapasalamat sa kapwa?
Bakit?
Masaya po sa pakiramdam dahil alam ko
sa sarili ko na naiparamdam ko sa kanila
na ang aking pagkalugod sa ginawang
tulong.
4. Ano pa kaya ang ibang paraan upang
maipakita natin ang pagiging
mapagpasalamat sa kapwa?
Ang pagtanaw po ng utang na loob sa
ginawa niyang tulong sakin.
Magaling! Ang pagtanaw ng utang na loob
ang isa sa mga pamamaraan upang
maipakita ang pagpapasalamat.

E. Abstraksyon

Ating tatalakayin ang mga kinakailangang


konsepto na makadaragdag sa inyong
kaalaman tungkol sa angkop na kilos ng
pagpapasalamat.

Sa paanong pamamaraan kaya


maisagawa ng isang indibidwal ang
angkop na kilos ng pagpapasalamat.
Basahin ang biswal.
(sabay sabay babasahin ng mga bata)
Naisasagawa ng isang indibidwal ang
angkop na kilos ng pagpapasalamat
kapag ito ay nagmumula sa kaibuturan
ng kanyang puso. Ito ay kailangang bukal
sa kanyang kalooban, may kagalakan at
kahandaan na magpaabot ng
pasasalamat.
Ang pagpapasalamat na nagmula sa
kaibuturan ng puso at bukal sa kalooban
ay mas lalong nagpapalalim sa kahulugan
ng pagpapasalamat.
Bukod sa mga natalakay nang mga
angkop ng kilos ng pagpapasalamat gaya
ng pagsasabi ng berbal na salamat,
paggawa ng liham o kaya naman ay
pagngiti at pagyakap, ano ano pa kaya
ang mga paraan upang maipadama natin
ang angkop na pagpapasalamat?
Basahin ito sa biswal.
(sabay sabay babasahin ng mga bata)
Pagbibigay ng simpleng regalo- Ang
pagbibigay ng maliliit o malaking bagay
na bukal sa iyong kalooban ay isang
simpleng kilos ng pagpapasalamat.
Ang pagbibigay ng regalo ay isa sa
pamamaraan upang maipakita ang
pagpapasalamat sa taong tumulong sayo.
Ito man ay maliit o malaki basta bukal sa
puso na pagbibigay ay isang kilos na ng
pagpapasalamat.

1. Sa pagbibigay ba ng regalo
kinakailangan na ito ay mamahalin at
branded? Hindi po Ma’am. Kahit simpleng regalo
lang po.

Mahusay! Sa pagbibigay ng regalo hindi


kinakailangan na ito ay mamahalin, basta
ito ay bukal sa loob at galing sa puso ay
maayos na iyon.
Basahin ang sumunod. (sabay sabay babasahin ng mga bata)
Pagawa ng kabutihan sa kapwa- Ang
pagbibigay o pagbabahagi ng biyayang
natanggap sa pamagitan ng community
services, o kaya ay mga paglilingap sa
mga nagangailangan.

Sa paggawa ng kabutihan sa kapwa,


maipapamalas natin ang
pagpapasalamat. Ang Pagbibigay o
pagbabahagi ng mga biyayang
natatanggap ay isang kilos upang
maipadama sa kapwa ang
pagpapasalamat.

2. Maari ba kayong magbigay ng iba pang


halimbawa paano niyo maipapakita ang
paggawa ng kabutihan sa kapwa?
Ma’am ako po.
Maipapakita ko po ang paggawa ng
mabuti sa kapwa sa pamamagitan po ng
pagtulong ko sa kanya sa ibang gawain
kung siya ay nahihirapan.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)
Magaling! Matutulungan niyo ang inyong
kapwa sa pamamagitan ng pagtulong sa
mga gawain kagaya ng mga aralin na
hindi nila maunawaan.
Basahin ang sumunod.
Magkaroon ng ritwal pasasalamat-
Maaari itong gawin sa pamamagitan ng
repleksiyon. Bawat araw kahit ilang saglit
ay isipin ang mga taong pinasasalamatan
mo pati na rin ang mga taong naitulong
sa iyo.
Ang pagkakaroon ng ritwal pasasalamat
ay isang kilos upang maipakita ang
pagpapasalamat. Maglaan ka ng kahit
kaunting saglit sa mga taong tumulong sa
iyo, isipin ang mga bagay na naitulong
nila at isama sila sa panalangin ng sa
gayon ay naipakita mo na ang angkop na
kilos ng pagpapasalamat.

3.Mayroon ka pa bang pagkakataon na


alalahanin at gunitain ang mga taong
tumulong sayo pati na rin ang kanilang
mga naitulong?
Opo Ma’am. Hindi ko po nakakalimutan
isipin ang mga bagay na natatanggap ko
sa araw araw.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)
Mahusay! Dapat nating alalahanin ang
mga bagay na naitulong satin at ito ay
maari na din maging angkop na kilos ng
pagpapasalamat.
Basahin ang sumunod.
Pangongolekta ng mga qoutations-
Maaaring magbigay ng mga quotations ng
pasasalamat, makatutulong ito upang
mabigyan ng magandang pakiramdam
ang taong pinasasalamatan.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)
Ang mga quoations ay maaari nating
gamitin upang ipadama sa mga taong
pinasasallamatan ang ating
pagpapasalamat. Maaari kang
mangolekta nito online at saka ibigay sa
taong pinasasalamatan.

4. Naranasan mo na bang kumolekta ng


quotation at ginawa mo ito bilang
pagpapasalamat sa iyong kapwa? Ano sa
palagay mo ang kaniyang naramdaman
habang binabasa ito?
Opo Ma’am kumukuha po ako ng mga
quotations sa internet at ito ang
ibinabahagi ko sa aking kapwa. Sa
palagay kopo sa pamamaraang ito ay
nakararamdam sila ng saya.
Maraming Salamat sa iyong mahusay na
kasagutan. Ang pagbibigay natin ng mga
quotations sa kapwa ay nakatutulong
upang maipaabot ang pasasalamat.

Tandaan na ang pagiging mapag


pasalamat ay tanda ng mabuting paki-
kipagkapwa. Sa panahon ng krisis at
matinding pangangailangan, maka
tutuwang isipin na may mga taong
handang tumulong sa kapwa. Kung
makatanggap ng tulong mula sa iba,
huwag kalimutang magpasalamat at
tumanaw ng utang na loob.

Ano- ano nga ulit ang mga angkop na


kilos ng pagpapasalamat?
(iisa-isahin ng mga bata)
 Pagbibigay ng simpleng regalo
 Paggawa ng kabutihan sa kapwa
 Pagkakaroon ng ritwal pasasalamat
 Pangongolekta ng mga qoutations

Mahusay! Sa palagay ko ay handa na


kayo para sa sunod na gawain.

F. Aplikasyon
Mayroon akong inihandang isang
pangkatang gawain.

Panuto: Gumawa presentasyon na


nagpapatungkol sa angkop na kilos ng
pagpapasalamat.

Pangkat 1: Dula-Dulaan
Pangkat 2: Islogan
Pangkat 3: Tula
Pangkat 4: Pagguhit

Naririto ang kraytirya sa pagmamarka ng


inyong gawain.

Kraytirya
Nilalaman 10
Presentasyon 10
Kabuuan 20 Puntos

Mayroon lamang kayong limang minuto


sa paghahanda at dalawang minuto para
ipresenta.

Maliwanag ba?
Opo Ma’am.

(sisimulan na ng mga bata ang


pangkatang gawain)
(makalipas ang limang minuto)

Natapos na ang ibinigay kong oras.


(mag pepresenta na ang mga bata ng
kanilang pangkatang gawain)
Mahusay! Ako ay pinahanga niyo sa
inyong angking abilidad. Bigyan niyo ang
inyong sarili ng berigud berigud clap.
123 clap, 123 stamp
Berigud, Berigud
IV. Pagpapahalaga

“Pasasalamat ay ugaliin,
mga biyaya ay linangin.”

Panuto: Ibigay ang sariling repleksyon sa


mensaheng nakapaloob sa kasabihan.

V. Pagtataya

Panuto: Isulat ang T kung tama at M


naman kung mali.

1.Ang pagpapasalamat ay isang


pagpapakita ng apresasiyon sa isang
indibiduwal na nakatanggap ng biyaya,
nasasalat man ito o hindi.
2.Sa pamamagitan ng pagpapasalamat, Susi saPagwawasto:
pinapakita nito ang pagkilala sa mabuting
nagawa o naibigay ng isang tao sa 1. T
kanilang buhay. 2. T
3.Ang pagpapasalamat ay walang 3. M
nakalaan o katumbas na kaligayahan. 4. T
4.Ang pagpapasalamat ay kinakailangang 5. M
bukal sa puso.
5.Ang kawalang pasasalamat ay
nararapat ugaliin.

Index of Mastery

5 x ____ = _____
4 x ____ = _____
3 x ____ = _____
2 x ____ = _____
1 x ____ = _____
0 x ____ = _____

____________

IM: ___________

VI.Takdang-Aralin
Kung may pagkakataon kang pasalamatan ang isang kaibigan na may
malaking naitulong sa iyo, Sino ito? Paano mo ipahahayag ang iyong pasasalamat sa
pamamagitan ng pag-text sa cellphone? Isulat ang sagot sa loob ng iginuhit na
cellphone.
Puntos 10 9 8
Gumamit ng mga Limitado ang mga Hindi gaanong
salitang angkop at salitang angkop at malinaw ang mga
nakapaglahad ng may ilang kilos pangungusap at
tiyak na mga kilos na lamang ukol sa salitang ginamit at
Pamantayan magpapakita ng pagpapasalamat ang hindi rin malinaw
pagpapasalamat. nailahad. ang paglalahad ng
mga tiyak na kilos na
nagpapakita ng
pagpapasalamat.

Sundin ang pamantayan para sa pagbuo:

Inihanda ni:

KYLLA ANN J. BURGOS


Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:

GERALDINE D. MATIAS
Gurong Tagapagsanay

Pinagtibay ni:

DIANA M. CAMACHO
Punongguro II

You might also like