You are on page 1of 10

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA


MARAWOY LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Masusing Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

I.LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipamamalas ang pag-unawa ng mga konsepto ng pasasalamat at entitlement
mentality.
2. Naipaliliwanag ang mga angkop na kilos ng pagpapasalamat.
3. Naipapakita ang pagpapasalamat sa pamamagitan ng ibat- ibang gawain.

II.NILALAMAN
Paksa : ANG MAPAGPASALAMAT AT ENTITLEMENT MENTALITY
Sanggunian : Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul 35
Kagamitan : Laptop, Led TV, Kagamitang Biswal, Power point

III.PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

1.Panalangin

Bago tayo magsimula sa ating aralin


magsitayo ang lahat para sa isang
panalangin. (Ang mga mag-aaral ay yuyuko at
sisimulan ang panalangin)

2. Pagbati

Magandang araw sa inyong lahat!


Magandang araw din po Ma’am!

3. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago tayo magsimula ay nais ko munang


pulutin niyo ang mga kalat na inyong
makikita at isaayos ang hanay ng inyong
mga upuan. (pupulutin at aayusin ng mga bata ang
hanay ng kanilang upuan)

4. Pagtatala ng Liban

Sekretarya ng klase maaari mo bang


sabihin sa akin sino ang mga liban
ngayong araw? (sasambitin ng sekretarya ang mga liban)

B. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating aralin ay


mayroon akong inihandang isang gawain.

Gawain 1: KUMPLETUHIN MO AKO!

Panuto: Kumpletuhin ang mga


sumusunod na salita batay sa mga
larawan.

Naunawaan ninyo ba ang panuto?


Opo Ma’am
Kung gayon, atin nang simulan.

ENTITLEMENT
(nagtaas ng kamay ang mga bata)
Ano ang iyong sagot?
Kapwa po Ma’am.
Maaari ka bang pumunta dito sa unahan
at tingnan kung tama ang iyong
kasagutan?

Tama! Ito ay Kapwa. Ito tanggapin mo ang


iyong premyo.

Para sa ikalawang larawan, sino ang


gustong sumagot?
Ma’am ako po
Ikaw. Ano ang iyong sagot?
Entitlement po Ma’am.
Pumunta ka dito sa unahan at tingnan
kung tama ang iyong sagot.

Tumpak! Ang bilang dalawa ay


Entitlement. Ito ang iyong premyo.

Dumako naman tayo sa bilang tatlo.


Ma’am ako po
Ikaw. Ano ang iyong kasagutan?
Pasasalamat po Ma’am.
Pumunta ka dito sa unahan at tingnan
kung tama ang iyong sagot.
Mahusay! Ang sagot sa bilang tatlo ay
Pasasalamat. Ito ang iyong premyo.

Para sa bilang apat sino ang gustong


sumagot?
Ma’am Liham po.
Pumunta ka dito sa unahan at tingnan
kung tama ang iyong sagot.

Tama! Ang pang- apat ay liham.

Para sa huling bilang sino ang gustong


sumagot?
Ma’am ako po. Ito po ay pagngiti.
Pumunta ka dito sa unahan at tingnan
kung tama ang iyong sagot.

Magaling! Ang sagot ay pagngiti. Ito ang


iyong premyo.

Batay sa mga salita na ating nabuo, ano


sa palagay ninyo ang ating
pagtatalakayan ngayong araw?

(iisa isahin ng mga bata ang mga salitang


kanilang nabuo)
Ma’am batay po sa mga salita na aming
nabuo, sa tingin ko po ang ating
pagtatalakayan ngayong araw ay ang
Entitlement at Pagpapakita ng
Pasasalamat.
Tama! Ang ating paksang pagtatalakayan
ay ang mga Entitlement Mentality at
Pagpapakita ng Pasasalamat.

C.Aktibiti

Upang mas mapalawak pa natin ang


inyong kaalaman sa paksang tatalakayin
mayroon akong inihandang isang gawain.

TUKUYIN MO KUNG SAAN AKO


NABIBILANG!

Panuto: Suriin ang mga salita, tukuyin


kung saan ito nabibilang.

Pagpapasalamat Entitlement
Mentality
(susuriin ng mga bata ang mga salita at
ilalagay kung saan ito nabibilang)

D. Analisis

Batay sa natapos na gawain ano para sa


inyo ang pasasalamat?
Ma’am ako po.
Ang Pasasalamat po ay isang uri ng kilos
na kinakailangan nating ipakita o
iparamdam sa ating kapwa sa tuwina.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)

Mahusay!
Ang Pasasalamat ay isang kilos na dapat
nating ugaliin sa bawat tao na ating
nakakasalamuha lalo na sa mga taong
tumulong sa atin.

May pagkakataon na ba sa buhay mo na


hindi ka nakapag pasalamat sa taong
tumulong sayo? Ano sa tingin mo ang
naramdaman niya? Opo Ma’am, sa tingin ko po ay nalungkot
siya.

Maraming Salamat sa iyong kasagutan.


Tama, maaaring naging malungkot siya
noong hindi ka nagpasalamat dahil
maaaring maisip niya na hindi mo nakita
ang naging pagtulong niya sayo.

Sa paanong paraan kaya maaaring


makita ang entitlement mentality? Maaari
ka bang magbigay ng sitwasyon?
Ang entitlement mentality po ay
maipapakita kung ang isang indibidwal ay
hindi mapagpasalamat.

E. Abstraksyon

Dumako na tayo sa kahulugan


pagpapasalamat. Basahin ang biswal. (sabay sabay babasahin ng mga bata)
Ang pagpapasasalamat o gratitude sa
Ingles ay nagmula sa salitang Latin na
gratus. Tanda ng isang nilalang na
mapagpasalamat ang pagpapakita ng
magiliw at masiglang pakikitungo sa
taong tumulong dito. Ang pagpapakita ng
kahandaan sa pagpapamalas ng
pagpapahalaga sa nilalang na nagbigay
ng kagandahang loob ay
isang palantandaan ng pagtanaw ng
utang na loob.
Ang pagpapasalamat ay ang pagkilala at
pagtugon sa kabutihang loob na
ipinamalas ng kapwa sa panahon ng
pangangailangan.

Kung tayo ay marunong tumanggap tayo


rin ay dapat marunong magbigay. Ang
tinutukoy na “marunong magbigay” ay
hindi nangangahulugan lamang na
magbabalik ng katumbas na materyal sa
iyong tinanggap bagkus ay ang
pagpapasalamat.

Mayrooong mga pamamaraan kung paano


natin maipapakita ang pagpapasalamat.
Maaari ba kayong magbigay ng Naipapakita ko po ang pagpapasalamat
halimbawa? ko sa pamamagitan po ng pag sambit ng
salitang Salamat.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)

Magaling! Sa pagsasabi natin ng Salamat,


naipadarama natin sa kanila na tayo ay
naging masaya sa ginawa nilang tulong sa
atin.

Ano- ano pa kaya ang ibang paraan


upang maipadarama natin ang
pagpapasalamat?
Basahin ang biswal. (sabay sabay babasahin ng mga bata)
Liham - Sa pamamagitan ng liham
naipapakita mo ang iyong pagpapahalaga
sa kanyang ginawa.

Nakatanggap ka na ba ng liham
pasasalamat? Ano ang naramdaman mo Para sa akin po masarap sa pakiramdam
habang binabasa ito? na nakabasa ako ng liham pasasalamat.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)

May pagkakataon na ba na nakapagbigay


ka ng liham pasasalamat? Ano kaya ang
naramdaman ng pinasalamatan ninyo
noong nabasa niya? Naging masaya po Ma’am.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)

Tama! Sa pamamagitan ng liham tayo ay


nakakapag bigay ng kasiyahan sa iba at
naipaparamdam din natin ang ating
pasasalamat.
Basahin naman ang pangalawa. (sabay sabay babasahin ng mga bata)
Pagyakap o Pagngiti- Ito ay isa sa paraan
ng pagpapasalamat ngunit isa sa mga
pinakamakabuluhan. Sabi nga nila, ang
pagngiti ay nakahahawa at ito ay
nagdudulot ng kasiyahan sa puso.
Ganoon din ang pagyakap na nakagagaan
ng damdamin.
Tama na yakapin at ngitian natin ang
mga taong tumulong sa atin sa kabila ng
ibat ibang sitwasyon na ating
pinagdadaanan.

Nagawa mo na bang ngitian o yakapin


ang taong tumulong sayo? Alam niya
kaya na ito ay dahilan ng
pagpapasalamat mo sa kaniya? Opo Ma’am. Sa palagay ko ay
naramdaman niya ang pagpapasalamat
ko mula sa aking pagyakap at pagngiti.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)
Ngunit kung may mga taong
mapagpasalamat ay mayroon rin namang
kabaliktaran nito. Ito ay ang ingratitude o
mga taong nagtataglay ng entitlement
mentality.
Basahin ng sabay sabay ang nasa biswal.
(sabay sabay babasahin ng mga bata)
Ang kawalan ng pasasalamat o
ingratitude ay isang masamang ugali na
nakapagpapababa ng pagkatao.

May tatlong antas ng kawalan ng


pasasalamat. Basahin ang biswal. (sabay sabay babasahin ng mga bata)
 Hindi pagbalik ng kabutihang loob
sa kapwa sa kabutihang loob na
natamasa
 Paglilihim sa kabutihang naibigay
ng kapwa
 Pagkalimot o hindi pagkilala sa
tulong na natanggap

Sa tingin ninyo dapat bang taglayin ang


mga nabanggit? Bakit? Hindi po Ma’am dahil ito po ay mga
gawaing masama.

Mali na ito ay gawin dahil ang ating


Panginoong Diyos ay araw-araw
nagbibigay ng biyaya sa lahat ng nilalang.
Ang biyaya ay ang desisyon ng Diyos na
pagpalain tayo dahil sa Kaniyang lubos
na pag-ibig sa atin kaya huwag nating
kalimutan na magpapasalamat lagi.

Maliwanag ba? Opo Ma’am.

F. Aplikasyon
Mayroon akong inihandang isang
pangkatang gawain.

Panuto: Gumawa ng isang presentasyon


na nagpapakita ng kahalagahan ng
pagpapasalamat.
Pangkat 1: Tula Pangkat 3: Islogan
Pangkat 2: Awitin Pangkat 4: Dula-dulaan

Naririto ang kraytirya sa pagmamarka ng


inyong gawain.
Kraytirya
Kooperasyon 10
Nilalaman 10
Presentasyon 10
Kabuuan 30
puntos

Mayroon lamang kayong limang minuto


sa paghahanda at tatlong minuto para
ipresenta.

Maliwanag ba? Opo Ma’am.

(sisimulan na ng mga bata ang


pangkatang gawain)

(makalipas ang limang minuto)

Natapos na ang ibinigay kong oras. (mag pepresenta na ang mga bata ng
kanilang pangkatang gawain)

Mahusay! Ako ay pinahanga niyo sa


angking abilidad niyo sa inyong mga
ipinakita. Bigyan niyo ang inyong sarili ng
sabi ko sayo kaya mo clap. 123 clap, 123 stamp
Sabi ko sayo kaya mo e

V. Pagpapahalaga
Panuto: Ibigay ang sariling repleksyon sa
mensaheng nakapaloob sa kasabihan.

“Linangin
ang ugali ng
pagiging mapagpasalamat
sa bawat mabuting bagay
na dumarating sa iyo at
magpasalamat nang
patuloy.”
IV. Pagtataya

Panuto: Isulat ang T kung tama at M


naman kung mali.
1. Ang pagpapasalamat ay hango sa
salitang latin na “gratus”.
2. Ang entitlement mentality ay
mayroong tatlong antas.
3. Ang pagpapasalamat ay hindi
dapat na gawin pamalagian.
4. May ibat ibang paraan upang Susi saPagwawasto:
maipakita ang pasasalamat.
5. Ang kawalang pasasalamat ay 1. T
nararapat ugaliin. 2. T
3. M
4. T
5. M

VI. Takdang-Aralin
Lumikha ng isang Kard ng Pasasalamat alay sa iyong mga guro. Lagyan ito ng
disenyo at sulatan ng mensahe ng iyong pasasalamat bilang patunay ng pagtanaw ng
utang na loob sa mga aral na natutunan, kabutihang loob at mga payong iyong
natanggap mula sa iyong mga guro.

KARD
PASASALAMAT

Magdala ng isang bagay,


maliit o malaki na nais mong
ibigay sa iyong kaibigan o sino mang pinasasalamatan.

Inihanda ni:

KYLLA ANN J. BURGOS


Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:
GERALDINE D. MATIAS
Gurong Tagapagsanay

Pinagtibay ni:

DIANA M. CAMACHO
Punongguro II

You might also like