You are on page 1of 7

SELF-LEARNING MATERIAL 3 EDUKASYON

SA PAGPAPAKATAO UNANG MARKAHAN


EPISODE 3
Grade 10

Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency:

1.3 Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng


katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal (EsP10MP-Ib-1.3)

Pangganyak (Motivation)

Kapag pinaglilingkuran natin ang iba, napaaalalahanan tayo na walang anumang bagay sa buhay
na ito ang nagtatagal maliban sa ugnayang nabuo natin sa ibang tao.
Walang mas mabuting paraan para makaugnayan natin ang iba kundi sa pagtutulungan lamang para sa
kabutihang panlahat. Tinatawag tayo ng Diyos na tumulong sa kapuwa upang ipadama natin ang
pagmamahal sa kanila.

Pangunahing Konsepto (Basic Concept)

Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos-loob.
Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi masira ang tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob
ang mga ito sa tao. Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan upang
makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.

Ang katotohanan ay daan at susi ng kapayapaan at kaligtasan. Dahil dito nagkakaroon ng


katarungan, at kapayapaan ang ating kalooban. Lumalaya tayo sa pagkakagapos sa kasalanan na kung
hindi mapahahalagahan ng tao ay maghahatid sa kanya sa kapahamakan at walang katiyakang buhay. Ang
katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Ang
pagsukat ng kaniyang katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap, na alamin ang katotohanan. Sa bawat
tao na naghahanap nito, masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at
walang pag-aalinlangan na sundin, ingatan at pagyamanin. Ang sinumang sumusonod dito ay nagkakamit
ng kaluwagan ng buhay (comfort of life) na may kalakip na kaligtasan, katiwasayan, at pananampalataya.
Ang katotohanan ayon kay Fr. Roque Ferriols, ay ang “tahanan ng mga katoto.”
Ibig sabihin, may kasama ako na nakakita o may katoto ako na nakakita sa katotohanan. Ano ang
katotohanan na dapat makita? Ito ay ang mayroon o ang nandiyan na kailangang lumabas sa pagtatago at
lumilitaw dahil sa pagiging bukas ng isip ng taong naghahanap nito. Halimbawa nito ay ang sakripisyo ng
magulang para sa anak. Totoo itong nandiyan, ngunit kung isasarado ng anak ang kaniyang pag-iisip, hindi
niya ito makikita. Sa kabilang dako, kung magiging bukas ang kaniyang isip, makikita niya ang
sakripisyong ginagawa ng kaniyang magulang para sa kaniya. Kung totoo ito, hindi lang ito totoo sa akin,
maibabahagi ko ito sa aking kapuwa at makikita rin ito ng iba. Nagiging saksi siya sa katotohanang mahal
siya ng kaniyang magulang.
Tinatawag tayo ng Diyos na tumulong sa kapuwa upang ipadama natin ang pagmamahal sa kanila.
Ipinanganak man ang taong hindi TAPOS, nilikha naman siyang kawangis ng Diyos na may isip at kilos-
loob upang tuklasin ang katotohanan at buuin ang kaniyang pagkatao sa pamamagitan ng pagmamahal at
paglilingkod sa kaniyang kapuwa. Sa puntong ito maaaring sabihing ang ginawang paglikha ng Diyos ay
hindi pa tapos, nagpapatuloy ito sa kamay ng mga taong nagsisikap lilukin ang kanilang kinabukasan, mga
taong nagsisikap paunlarin ang kanilang sarili at abutin ang pagka-sino ng kanilang pagiging tao.
Samakatuwid, magagawa ng taong magpakatao at linangin ang mga katangian ng kaniyang pagkatao dahil
sa kaniyang isip at kilos-loob. Nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng tao kung inilalaan ito sa
pagsasabuhay ng katotohanan, sa pagmamahal, at sa paglilingkod sa kapuwa. Maraming pagkakataon na
nakagagawa ang tao ng mga bagay na masasabing hindi angkop sa kaniyang pagkatao. Maaaring ang kilos
niya ay bunga ng kanyang damdamin o emosyon. Malaki ang nagagawa ng iba’t ibang sirkumstansiya sa
pakikitungo ng isang tao kung kaya’t may mga pagkakataong may nagsasabing, “natangay lang ako sa
aking damdamin o hindi ako nag-isip nang husto.”
Ang kilos ng tao ay isinasakatuparan tungo sa katotohanan. Dito kailangang malaman at
mauunwaan ang paraan at dahilan ng pagkilos batay sa intellect. Ang tao ay may kapangyarihan na pumili
ng isasakilos ayon sa nabuong hangarin na ang sukdulan na layunin ay ang maidudulot na kabutihan. Ang
isip ang nagpoproseso upang umunawa batay sa taglay na talino o karunungan at kaalaman, ito ang
intellect. Pagkatapos ng ganitong pamamaraan, isang pasya ang mabubuo, at kaya nitong utusan ang
katawan upang isakatuparan ang nabuong pasya, ito ang will. Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin,
paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi
masira ang tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao. Kailangang gamitin ang isip sa
pagkalap ng kaalaman at karunungan upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa
pagpapaunlad ng pagkatao.
Ginagamit natin ang ating isip at kilos-loob upang makapagdesisyon ng tama at angkop base sa
katotohanan. Ang dalawang ito ang nagbibigay kasiguraduhan na naaayon sa tama at totoo ang mga
gagawin nating desisyon at aksyon sa pamamagitan ng masusing pagsusuri at pagpapasiya upang hindi
natin ito pagsisihan sa huli. Ito ang nagtutulak na gumawa ang isang tao ng tunay at totoo na nakabase sa
kabutihang panlahat at hindi ang kabutihang pansarili lamang.
Sa pagmamahal, ang ating isip at kilos-loob ang may kakayahang magkontrol sa ating mga
emosyon at nararamdaman. Ang dalawang ito ang nagbabalanse ng tamang emosyong dapat nating
maramdaman depende sa isang sitwasyon. Ito rin ang nagtutulak sa atin na piliin ang tamang taong dapat
nating mahalin at nagtuturo ng tamang paraan upang maipakita at maipadama ang tunay at totoong
pagmamahal sa mga taong mahalaga sa atin. Naririto ang halimbawa upang lubos na maunawaan ang
talakay.
Pagmomodelo:

Gawain 1:
Panuto: Basahin at sagutin ang tanong sa ibaba. patunayan kung ang isip at kilos-loob ba ay
ginamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.
“Isang mag-asawang kapitbahay ang lumabas upang tumulong nang makita nila ang
isang ina na lumilipat sa maliit na tahanan sa kabilang pintuan. Wala siyang kasama maliban
sa dalawang maliit na anak. Wala siyang katulong. Humantong sila sa paggugol ng buong
Sabado sa pagbubuhat ng mga kahon, paglilinis ng sahig, at pag-aliw sa dalawang batang
anak na babae. Nang matapos ang trabaho, inaanyayahan ng ina ang bago niyang mga
kapitbahay sa hapunan nang sumunod na linggo upang ipakita ang kaniyang pasasalamat.
Noong una tumanggi sila dahil kitang-kita naman na sapat lang ang pera ng babae. Ngunit
iginiit ito ng babae na may luha sa kaniyang mga mata. Natanto ng mag-asawa na ang
pagtanggap sa kaniyang paanyaya ay magbubunga ng higit na pagkakaibigan at paggalang
kaysa sa tanggihan ito dahil sa kanyang sitwasyon.”
(Paglilingkod sa Kapuwa, http://www.mormon.org/tgl/paglilingkod, July, 2014).

Tanong: Tama ba ang ipinakitang katangian ng mag-asawa sa bagong kapitbahay? Patunayan.


Sagot:
Tama at mabuti ang ipinakita ng mag-asawa batay sa pahayag sa itaas ay nagpapatunay lamang na
naipakita nito ang totoong pagmamahal at pagmamalasakit sa ibang tao. Kung ang ating isip ay nag-iisip
nang mabuti, ganu’n din ang maaring maipadama o maipamalas ng ating aksiyon o kilos.

Gawain 2:
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba, isulat ang titik N kung ito ay nagpapatunay sa paggamit ng
isip at kilos-loob sa paghahanap ng katotohanan at pagmamahal/paglilingkod at HN naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa inilaang patlang.
___N____1. Pagtulong sa biktima ng kalimidad tulad ng bagyo, lindol at pagputok ng bulkan.
HN 2. Iwasan ang mga pulubi na naghaharang sa lansangan na nanghihingi ng pera o tulong.
N 3. Maging mabuti sa mga tao kahit hindi ito gaanong kakilala at subukan itong tulungan sa
kanilang problema o pangangailangan.
ACTIVITY FOR SELF-LEARNING MATERIAL 3
UNANG MARKAHAN
EPISODE 3 EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Grade 10

Pangalan: Taon Kuha:


at Pangkat: Petsa:

Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency:


1.3. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan
at sa paglilingkod/pagmamahal (EsP10MP-Ib-1.3)
Gawain 1:
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang pahayag sa ibaba. Patunayan kung ang isip at kilos-loob ba
ay ginamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.

Maganda ang performance mo sa pag-aaral. Napatunayan mo na ang iyong


kakayahan mula pa noong ikaw ay nasa mababang taon ng sekundarya. Subali’t mula nang
makikilala mo at naging barkada si Rolly na mahilig sa internet gaming at walang interes
sa pag-aaral, naimplwensiyan ka niya. Napabayaan mo na rin ang iyong pag- aaral.
Nanganganib din na hindi mo matapos ang Junior High School sa taong ito. Kinausap ka ng
iyong ama,hinihingi niya sa iyo na sabihin sa kanya ang iyong katuwiran sa iyong naging
pasya at plano mong gagawing solusyon kaugnay nito.

Tanong: Paano mo mapapatuyang gawin mo hiling ng iyong ama para sa iyong sariling
kapakanan, kay Rolly at sa iyong buong pamilya? Sagot:

Gawain 2:
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba, isulat ang titik N kung ito ay nagpapatunay sa paggamit ng
isip at kilos-loob sa paghahanap ng katotohanan at pagmamahal/paglilingkod at HN naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa inilaang patlang.

_1. Napansin mong maraming takdang-aralin ang iyong kapatid, inako mo na lang ang paghuhugas
ng pinggan at tinulungan mo rin siya sa pagsagot sa kanyang mga aralin.
2. Pagpasok mo sa iyong silid-aralan isang umaga, napansin mong may mga kalat na aklat at mga
basura sa loob. Hinayaan mo lang ito at bahala na ang iyong kaklase na maglinis nito.
3. Aktibo sa pakikilahok sa mga programang inulunsad ng iyong komunidad tulad ng paglilinis,
pagtatanim at pamamahagi ng pagkain at relief goods sa mga nasalanta ng kalamidad,
SELF- LEARNING MATERIAL 4
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
UNANG MARKAHAN
EPISODE 4
GRADE 10
Kasanayang Pampagkatuto/Leraning Competency:
1.4 Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at
maglingkod at magmahal (EsP10MP-Ib-1.4 )

Pangganyak(Motivation)
Sa panahon ngayon mayroon pa bang mga taong nakagagawa ng mga angkop na kilos ?May mga tao p bang
may kakayahang mahanap ang katotohanan ,maglingkod at mag mahal ng walang kapalit? May mga tao p
bang sa mga “fake news naniniwala”? o sa mga balitang may katuturan?

Mga angkop na kilos upang Maipakita ang Kakayahang Mahanap ang Katotohanan at Maglingkod at Magmahal

Marami sa atin ang naguguluhan sa kung ano ang tama at ano ang dapat sa kasalukuyang panahon. Akala natin
tama ang nakikita at naririnig natin sa social media at lahat ay totoo ngunit hindi natin alam na nahulog na pala
tayo sa bitag ng kasinungalingan. Minsan ang pagiging concern o pagmamalasakit natin sa katotohanan ay
hanggang sa pagnanais lamang dahil wala tayong lakas ng loob upang maisiwalat ang katotohanan dahil siguro
sa ayaw nating ma sangkot sa kaguluhan ng iba o kaya’y naging insensitive tayo sa mga pangyayari at hinayaan
na lang natin na ang mali ay nagiging tama at ang kasinungalingan ang siyang pinaniniwalaang katotohanan.
Isang bagay sa ating buhay ang pinakamahirap, ang isabuhay ang kung anong meron tayo kagaya nang mga
mabubuting asal at pagpapahalaga na natutunan natin at ibinahagi sa atin ng ating mga magulang at mga
natutunan mula sa ating pananampalataya. May mga tao na ang tamis magsalita kung ano ang totoo at dapat
ngunit nahihirapang isabuhay ang kanyang mga salita.
Ang kilos ng tao ay isinasakatuparan tungo sa katotohanan. Dito kailangang malaman at mauunwaan ang paraan
at dahilan ng pagkilos batay sa intellect. Ang tao ay may kapangyarihan na pumili ng isasakilos ayon sa nabuong
hangarin na ang sukdulan na layunin ay ang maidudulot na kabutihan.
Ang isip ang nagpoproseso upang umunawa batay sa taglay na talino o karunungan at kaalaman, ito ang intellect.
Pagkatapos ng ganitong pamamaraan, isang pasya ang mabubuo, at kaya nitong utusan ang katawan upang
isakatuparan ang nabuong pasya, ito ang will.
Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawaing ganap ang isip at kilos-loob.
Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi masira ang tunay na layunin kung bakit
ipinagkaloob ang mga ito sa tao. Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan
upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.
Ang paglilingkod sa kapwa ay ang pagbibigay ng panahon, oras, pagsisikap at minsan pera upang
makatulong at makapagbibigay serbisyo sa iba. Mahalagang maiukit sa ating sarili ang angkop na kilos upang
maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal sa kapwa.Bilang isang tao
kahit ano pa man tayo, meron tayong magagawa upang maipakita natin sa ating kapwa-tao ang kakayahang
mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. Hindi na kailangan na magkaroon tayo ng kayamanan at
kapangyarihan upang masimulan ang mga maliliit nating hakbang at upang maisagawa ang mga angkop na kilos.
Maraming pagkakataon na nakagagawa ang tao ng mga bagay na masasabing hindi angkop sa kaniyang
pagkatao. Maaaring ang kilos niya ay bunga ng kanyang damdamin o emosyon. Malaki ang nagagawa ng iba’t
ibang sirkumstansiya sa pakikitungo ng isang tao kung kaya’t may mga pagkakataong may nagsasabing,
“natangay lang ako sa aking damdamin o hindi ako nag-isip nang husto.” O kaya’y sasabihin niya, “pagkat ako
ay tao lamang”. Ilan lamang ito sa mga kadahilanan upang pagtakpan ang sariling mga pagkukulang o kamalian.
Bilang tao na pinagkalooban ng Diyos ng isip at kilos-loob at may kamalayan sa kung ano ang tama at mali,
malaki ang papel na maaari nating gampanin sa ating kapwa. Kahit ano at sino pa man tayo, may magagawa
tayong mga kilos upang mahanap natin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsisiwalat sa katotohanan,
pagsasabi ng totoo, hindi pagsang-ayon sa mga nakikitang katiwalian, pagsusuri at pagtitimbang sa mga
pangyayari bago maghusga, magsaliksik ng tamang impormasyon at pagiging mapagkatiwalaan sa lahat ng
bagay.
Ilan rin sa mga kilos na nagpapakita ng paglilingkod sa kapwa ay ang pagtulong sa iba na walang
hinihintay na kapalit. pagbibigay ng libreng serbisyo lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan,
pagsasakripisyo sa sariling gusto, oras, pera, at pagpapaubaya sa sariling damdamin para sa iba at
higit sa lahat, minamabuti palagi ang kanyang ginagawa o trabaho alang alang sa kapakanan ng lahat.

Pagmomodelo:
Gawain: Basahin ,at gawan ng angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at
maglingkod at magmahal.

Sitwasyon 1:
Dalawa lang kayong magkakapatid sa bahay. Araw-araw ay pumapasok sa trabaho ang inyong mga magulang.
Sa tuwing uuwi sila sa bahay, napapansin mo na kapwa puyat ang iyong mga magulang. Matagal kayo
makakakain ng hapunan palagi dahil sila pa ang nagluluto para sa inyo.
Tanong: Bilang isang anak, anong hakbang ang maaari mong gawin upang makapaglingkod ka sa iyong pamilya
at upang maipadama mo ang iyong pagmamahal sa iyong mga magulang?
Sagot: Upang hindi na gagawa ng gawaing bahay ang aking mga magulang, aakuin ko ang paggawa sa ibang
mga gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng mga gagamitin sa pagluluto, paghahanda ng mga lutuin at tutulong
sa pagluluto ng pagkain upang makapagpahinga rin sila pagkarating mula sa trabaho.
Sitwasyon 2:
Magkakasama kayo ng ilan sa iyong mga kaklase na kumakain sa kantina. Masaya kayong nagkukuwentuhan
nang biglang napunta ang usapan tungkol kay Liza, isa rin sa inyong kaklase. Wala siya sa grupo ninyo nang oras
na iyon. Ayon sa isa ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking may asawa. Kapitbahay ninyo si
Liza.
Mga Tanong sa Sitwasyon 2
1. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?
Sagot: Una, tatanungin ko muna sa aking kaklase na nagsasabi ng balita kung may katotohanan ba ang kanyang
sinasabi at meron ba siyang proweba bago niya paniwalaan ang balita. Pangalawa, kakausapin ko si Liza tungkol
sa aking nalalaman at papayuhan ko siya na putulin ang anumang relasyong meron siya sa isang lalaking may
asawa. Kung magagalit siya, kailangang ipaalamko ito sa kanyang mga magulang.
2. Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaklase mong nagkukuwentuhan tungkol kay Liza?
Sagot: Sa palagay ko magagalit sila sa akin dahil hindi ko ipanapaubaya sa kanila nap ag –usapan
si Liza na hindi pa alam ang katotohanan.
Ano ang magiging epekto kay Liza sa gagawin mo?
Sagot: Nasa kanya ito kung ano ang kanyang pananaw at mithiin sa buhay. Kung totoo man ang
usap usapan, maaring itanggi niya o kayay angkinin ang balita. Maari rin niyang ikagalit ang aking
pagtatanong dahil maaring sabihin niya na nanghihimasok ako sa buhay niya.Sa kabilang banda
naman, kung si Liza ay may malawak na pananaw sa buhay, pwede niyang ibahagi sa akin ang
kanyang problema o maglabas sya ng sama ng loob.
ACTIVITY FOR SELF LEARNING MATERIAL 4
UNANG MARKAHAN
EPISODE 4 EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
GRADE 10

Pangalan_ _ Kuha Taon at


Pangkat_

Kasanayang Pampagkatuto:
1.4 Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at
maglingkod at magmahal (EsP10MP-Ib-1.4 )

Panuto: Pag –aralan ang sumunod na sitwasyon.Gawan ng angkop na kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal.

1.Sa loob ng bahay nakikita mong maraming duming nagkalat.Ang iyong ina ay umalis upang magtrabaho
gayundin ang iyong ama.
Tanong : Paano mo sila matutulungan bilang isang anak?
Sagot:

2.Ang buhay natin sa kasalukuyan ay mahirap.Ito ay sa dahilan ng pandemya,bagyo,lindol at iba pa.


Tanong: Bilang isang mag –aaral sa maliit na paraan ,paano ka makagagaan sa pasanin natin sa
kasalukuyan?
Sagot:

3. ‘Mahirap ang maging mahirap’ ,wika nga,


Tanong :Ano ang gagawin mo upang ang iyong buhay ay umaaliwas ?
Sagot:

Rubrik
(5) 4 3
Nakagagawa ng mga Nakagagawa ng mga Hindi Nakagagawa ng mga
angkop na kilos upang angkop na kilos pero hindi angkop na kilos upang
maipakita ang nakapagpakita ng maipakita ang kakayahang
kakayahang mahanap kakayahang mahanap mahanap ang katotohanan at
ang katotohanan at ang katotohanan at maglingkod at magmahal.
maglingkod at magmahal. maglingkod
at magmahal

You might also like