You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Rizal

Pangalan: ____________________________________________________________

Taon at Pangkat: ______________________________________________________

Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao 10_______________________

Quarter: First Quarter___________________________________________________

WRITTEN WORK:
Quarter 1- EsP 10 (Week 1 & 2)

PAKSA: Paggamit ng Isip at Kilos-loob Tungo sa Katotohanan


Most Essential Learning Competencies:
● Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.

EsP10MP -Ia -1.1

● Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakag agawa ng


mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito.
EsP10MP -Ia -1.2
Napatutunayan na ang isip at kilos -loob ay ginagamit para lamang sa
paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal
EsP10MP -Ia -1.3

EASY:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Piliin ang titik ng pinakawastong sagot at isulat
sa sagutang papel.

1. Ano ang kakayahan ng isip na naglalayong kumuha ng buod ng karanasan


at makabuo ng kataga upang mabigyan ito ng kahulugan?
A. maghusga C. mag-isip
B. mangatwiran D. makaunawa

2. Masasabing ang pag-iisip at pagkilos ay tama kung ito ay _____


A. makatarungan C. may personal na kapakinabangan
B. naaayon sa batas ng Diyos at tao D. maip[agmamalaki sa lahat
3. Malayang piliin ng tao ang gumawa nang mabuti o masama. Ngunit ang
tunay na kalayaan ay hindi ang paggawa ng anomang naisin bagkus ay ang
pagpili sa tama at mabuti.
A. Tama B. Mali C. Maaari D. Walang kasiguruhan

4. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalalim na dahilan ng paggamit ng isip


at kilos-loob?
A. Malinang ang pandamdam ng tao
B. Mahanap ng tao ang katotohanan
C. Mapaunlad ng tao ang sariling buhay
D. Maunawaan ng tao ang mga nakalap na impormasyon at mabigyang
kahulugan.
5. “Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang
maimpluwesyahan ang kilos-loob.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
A. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at kilos-loob dahil magkaugnay ito
B. Nakadepende ang kilos-loob o will sa ibinibigay na impormasyon ng isip
C. Kailangang maging kritikal at mapanuri ang pag-iisip na pillin ang mabuti at
tama.
D. Walang sariling paninindigan ang kilos loob dahil umaasa ito sa ginawang
paghuhusga ng isip.

AVERAGE:
6. Ang mga sumusunod na katangian ay patunay na ang TAO ay nilikhang
bukod-tangi sa lahat ng kanyang mga nilikha MALIBAN sa _____
A. May materyal at ispiritwal na kalikasan
B. May kamalayan at kakayahang makapag-isip
C. May kakayahang batay lamang sa “dikta ng kalikasan”
D. May kakayahang umunawa, sumuri at magnilay ng mga pangyayari

7. Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ba ito ng epekto sa isip?


A. Tama, dahil ang isip ay may koneksyon sa pandama ng tao.
B. Tama, dahil ang pandama ang nag-uudyok o nagbibigay kaalaman sa isip.
C. Mali, dahil magkahiwalay ang kakayahan ng pandama sa kakayahan ng isip.
D. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyong
naihahatid dito.

8. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tamang gamit ng isip at kilos-


loob?
A. Si Dave na isinantabi ang paggawa ng takdang-aralin dahil sa paglalaro ng
computer games.
B. Si Gerald na uminom ng alak dahil sa udyok ng barkada tanda ng kanyang
pakikisama at pagmamahal sa kaibigan.
C. Ang pakikipagkita ng lihim ni Shirley sa kaklaseng si Francis ng gabi kahit ang
dalaga ay kinausap na ng kanyang ina na iwasan ito.
D. Ang panghihikayat ni Helen na lumikom ng tulong para sa kapitbahay na
nasunugan kahit na nga nangangailangan din sila.

9. Ikaw ay natatangi. Nilikha sa wangis ng Diyos. Makagagawa ka ng angkop


na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan kung ____
A. Isasaalang-alang mo ang pansariling kabutihan
B. Pipiliin mo ang mga maling gawi upang mapasaya ang iba.
C. Mamumuhay ka ng mas pinaiiral ang mabuti at piliin ang nararapat.
D. Hahayaan mong magkamali sa pasya ang iyong kapwa dahil may sarili siyang
isip at kilos-loob.
10. Ang dalawang kalikasan o duwalismong kabuuan ng tao na nagpapabukod-
tangi sa kanya nsa iba pang mga nilalang ay ang ________
A. Materyal at Ispiritwal C. Isip at Kilos-loob
B. Pandamdam at Emosyon D. Lahat ng nabanggi

Difficult

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti. Suriin at pangatwiranan kung ginamit ng


tauhan ang isip at kilos –loob sa paghahanap ng katotohanan at sa tawag ng
paglilingkod/pagmamahal.

Matagal nang napapansin ni Rocco ang mga maling gawi ng kaniyang kaibigan
sa pagpapasa ng proyekto. Lingid sa kaalaman ng kanilang guro, nakasanayan
na nito ang kopyahin na lang sa website ang mga datos o impormasyong
kinakailangan at hindi na nagsasaliksik pa. Alam ni Rocco ang batas tungkol sa
karapatang-ari (copyright) at dahil dito nais niyang kausapin ang kaibigan ng
masinsinan upang mabigyan ng babala at maipaliwanag ang maaaring katapat
na parusa sa paglabag dito.

11. Sa iyong palagay, tama ba ang magiging pasya ni Rocco?


12. Magkakaroon kaya ng epekto ang magiging pasya ni Rocco sa kanilang
pagkakaibigan?
13. Kung ikaw ang kaibigan ni Rocco, ano kaya ang iyong magiging tugon o
reaksyon?
14. Kung ikaw naman si Rocco, ano sa palagay mo ang tamang gawin sa
ganitong sitwasyon?
15. Ano ang natuklasan mo batay sa pagsusuri ng sitwasyon?

11-15 ( Ang guro ang siyang susuri at magwawasto sa kaangkupan ng sagot ng


mag-aaral batay sa ibinigay na sitwasyon.)

You might also like