You are on page 1of 6

Diocese of Baguio Schools

San Jose School of La Trinidad, Inc.


HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Poblacion, La Trinidad, 2601 Benguet Philippines
E- mail: sjhs50_ltb@yahoo.com Phone No. (074) 422-5408/ 0921-579-8902/ 0926-712-2259
Life Transforming and Christ’s Disciple Forming Education

Edukasyon sa Pagpapahalaga Grade 7abcdefg


Module # 2
Pangalan: Kaye Sharmele C. Agudo Baitang/Seksyon: 7F-Judges
Power Competencies:
1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasya.
2. Naisasagawa ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay batay sa mga hakbang sa
mabuting pagpapasya.
Aralin : Mabuting Pagpapasya
Layuning Pangkaalaman:
1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasya.
2. Naisasagawa ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay batay sa mga hakbang sa
mabuting pagpapasya.
Gawaing Pangkaalaman:
I.KONSEPTO
 Paglalahad:
Sa buhay ng pagbibinata o pagdadalaga, lubhang maselan ang gawaing pagpili. Maraming kabataan sa
edad na ito ang napapahamak dahil sa mga pabigla-bigla at maling kapasiyahan. Nagpipilit ang isang
nagbibinata at nagdadalaga na magpakita ng kanyang gilas bilang isang nilikha na makapagpasya sa
kaniyang sarili na hindi sangkot ang tulong ng iba. Ang pagpili ay mahalaga sapagkat maaaring
nangangahulugan ito ng tagumpay o kabiguan, kapahamakan o paglago ng buhay.
 Sa araw-araw ay hindi mabibilang kung makailang beses tayo nagpapasiya. Sa paggising pa lamang sa
umaga ay nagpapasiya na ang tao. Sa pagpapasiya ay itinatanong natin an gating sarili:
 Maliligo ba ako o hindi?
 Ano ang kakainin ko sa almusal?
 Ano ang isusuot ko?
 Maglalakad ba ako o magdidyip?
 Anong oras ako matutulog?
 Ang mga ito ay ilan lamang sa mga patunay na sangkot sa ating araw-araw na gawain ang
pagpapasiya.
II. PAGPAPALAWAK NG PANG-UNAWA/ HALIMBAWA/PAGSASANAY
May mga salik na dapat isa-alang alang upang makabuo ng isang matalinong
pagpapasya.
Salik Detalye Sitwasyon
IMPORMASYON  Nakaiimpluwensya sa Manung mama: Magandang umaga iho.
kapasiyahan ng tao ang mga Ako ang kabababta ng iyong ina sa Caloocan.
impormasyong kaniyang Nasa ospital ngayon ang iyong ina.
nasasagap o napag-aalaman. Kailangangan niya ng perang pambayad sa
 Bago magpasiya ang isang tao, ospital. Pinasasabi niyang kunin mo lahat ng
mahalagang alamin niya ang pera sa kaniyang aparador, pati ang alahas at
buong pangyayari. Kailanman ibigay sa akin para magamit ang mga iyon sa
ay hindi tayo makagagawa ng mga bayarin sa ospital.
matalinong pagpapasiya kung Ako: Ha?....Ang kuwento ni mommy sila ay
hindi ganap o kulang ang taga-Iloilo. Ni hindi nga nabanggit ni mommy
impormasyong kailangan sa na tumira siya sa Caloocan. Bakit pinakukuha
paggawa ng pasiya. pati ang mga alahas? Wala namang aparador
sa kwarto ni mommy?
Kung ikaw ang nasa sitwasyon, Ano ang
iyong pasiya?

1|Page PREPARED BY: MRS. J. TOMEY


SITWASYON  Mahalagang maisa-alang-alang Ginoong Istrikto: Bakit ka lumiban
ang sitwasyon bago gumawa kahapon, Clark? Alam mo naman na may
ng pasiya. pagsusulit tayo hindi ba? Hindi ba’t sinabi ko
 Ang pag-unawa sa bawat na kapag lumiban ka ay zero ang magiging
anggulo ng sitwasyon ay puntos mo?
makatutulong sa matalinong Ikaw: May sakit po kasi si mommy, ma’am.
pagpapasiya. Wala po si daddy dahil nasa ibang bansa siya
nagtatrabaho. Ako po nag-alaga kay mommy
dahil umuwi ng probinsya ang aming
kasambahay.

Ayon sa sitwasyon, ano kaya ang


magiging pasyiya ni Ginang Istrikto?

MGA PAYO Ikaw bilang mag-aaral sa ika-7 baitang Thea: Ma’am ngayon pa lamang ay iniisip ko
ay masasabing nasa unang yugto pa na kung ano ang kursong kukunin ko sa
lamang ng pagdadalaga at kolehiyo. Sa palagay nyo po, ano kaya ang
pagbibinata. Kung tutuusin ang iyong babagay sa akin?
mga karanasan ay masasabing hindi Ginang Valencia: Thea, sa pagpili ng kurso,
pa sapat para matiyak na matalino ang mahalagang isa-alang-alang mo ang iyong
ginagawang pagpapasiya. Masasabi kalakasan at kahinaan. Ano ba ang hilig mo?
kung gayon na nangangailangan ka pa Kaya bang tustusan ng magulang mo ang
ng mga payo buhat sa mga taong may kursong ito? Makatutulong ba sa iba at
karanasan-sila ay maaaring guro, lamang sa iyong sarili?
magulang o mga nakakatanda Thea: Hilig kong magturo sa mga bata.
Masaya ako kapag natuturuan ko sila. Ibig
kong magturo sa mas maraming bata.

Ano ang kursong nararapat kay Thea?


Paano nakatutulong ang paghingi ng
payo sa guro kaugnay ng kursong ibig
kunin?

MGA Tumutukoy ang mga oportunidad sa Theo: Sasali ba ako o hindi sadeclamation
OPORTUNIDAD mga pagkakataong magagamit sa contest sa aming paaralan? Kung sasali ako
pagkakaroon ng matalinong matutulungan nitong paunlarin ang tiwala ko
pagpapasiya. Sa pagpapasiya marapat sa sarili; magiging daan ito upang malaman
na tanungin ang sarili. Ano ang ko ang aking kalakasan at kahinaan;
maidudulot ng pasiya kong ito sa magsisilbi akong modelo sa aking kapatid;
akjin? Ano ang maidudulot nito sa magkakaroon ng kinatawan sa paligsahan
aking kapuwa? May paglago ba akong ang aming seksyon.
aasahan sa sarili sa pasiyang ito?
Ano ang magiging pasya ng dalaga?
Paano nakatulong ang pagbanggit nito
ng mga oportunidad sa pagbuo niya ng
desisiyon.

2|Page PREPARED BY: MRS. J. TOMEY


III.PAGBUBUOD
Samu’t saring desisiyon ang iyong ginagawa sa araw-araw. Sa huli, ikaw ang makatitiyak kung ang mga pasiya
mo ay tama o hindi. Ang mahalaga, ay tatanggapin sa sarili na marami ka pang dapat na matutunan sa
pakikipagsapalaran sa buhay kaya nangangailangan ka ng paggabay.

III. ASSESSMENT
A. MAGSANAY KA: Ibigay ang iyong pasiya para sa sumusunod na sitwasyon. Ipaliwanag kung bakit ito
ang naging pasiya.
SITWASYON PASIYA KATUWIRAN
1. Nagkaroon kayo ng Ang aking magiging pasya ay
pagsusulit sa araling dapat kung sabihin sa aming
Matematika. Habang guro ang pangungupya ng
kumukuha kayo ng aking kaibigan sa aming
pagsusulit ay nakita mo kaklase kahit na masira pa
ang iyong kaibigang ang pagkakaibigan namin.
nangongopya sa kaniyang
katabi. Nagbabantulot
kang ipaalam sa inyong
guro ang nangyari sa
kadahilanang baka
maapektuhan ang relasyon
ninyong magkaibigan. Ano
ang iyong magiging
pasiya?
2. Gayon na lamang ang Ang aking magiging pasya ay
kagustuhan mong makabili hindi nalamang ako bibili ng
ng bagong cellphone. cellphone at ang mga inipon
Ayaw mo namang humingi kung pera ay idadagdag sap
ng pambili sa iyong mga era ng aking mga magulang
magulang dahil alam mong para may pangospital ang
marami silang aking bunsong kapatid. Dahil
pinagkakagastusan. masmahalaga ang aking
Makalipas ang ilang taong pamilya kaysa sa cellphone.
pag-iipon ay tuwang-tuwa Mag-iipon ako sa susunod na
ka dahil nakaipon ka ng taon para sa aking cellphone
Malaki. Sapat ang ipon mo kapag nagamot na ang aking
para makabili ng bunsong kapatid.
modernong cellphone.
Nagkataon namang
nagkasakit ang iyong
bunsong kapatid. Narinig
mong nag-uusap ang iyong
mga magulang na wala na
silang panustos sa ospital.
Ano ang iyong magiging
pasiya? Bakit?

3|Page PREPARED BY: MRS. J. TOMEY


B. Halimbawang ikaw ang pangulo ng ating bansa, anong pasiya ang iyong gagawin para masolusyonan
ang mabilis na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa ating bansa?
Suliranin: coronavirus spread, virus worries,
deaths top 630, positive for virus.

Sanhi: pagkakain ng mga hayop tulad ng


paniki at iba pang hayop na nanggaling sa
gubat.

Kapasiyahan: ang aking magiging pasya ay Bakit ito ang iyong naging pasya?
wala munang lalabas sa Pilipinas at wala Ito ang aking nagging pasya dahil nag-
ding magpapapasok ng galing sa ibang. aalala ako sa kaligtasan ng maraming tao.
Magdodonate ako ng relief, mask, at iba
pang pangangailangan ng mga tao.

C. PAGTIBAYIN MO PA: Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod. Bigyan ng paliwanag ang bawat
kasagutan.
Tama 1. Hindi masasabi kung tama o mali ang isang kapasiyahan.

Hindi natin masasabing tama o mali ang isang kapasyahan dahil hinuhulaan lang
natin ito at kapag magkamali tayo ng hinala maaring magdudulot ng kaguluhan.

Tama 2. Ang kapasiyahan na mali ay may pagkakataon pang itama.

Maaari nating itama ang ating pagkakamali sa pamamagitan ng paghingi ng tawad


sa at huwag nang hulaan ang seryosong sitwasyon dahil pag nagpahulahula lang tayo ito ang
dudulot ng kaguluhan at hindi pagkakaintindihan.

Tama 3. Ang tamang pagpapasiya ay naayon sa magandang bunga.

Maaari dahil ito rin ang dudulot sa magandang resulta o bunga sa isang tao.

Tama 4. Kung hindi tama ang resulta, mali ang kapasiyahan.

Dahil pag ang iyong pasya ay mali, mali din ang resulta ng sitwasyon at maaring
mapektohan ang taong nagsasabi ng totoo.

4|Page PREPARED BY: MRS. J. TOMEY


Mali 5. Sinasabing walang maling kapasiyahan kapag ginusto.

Maaring may maling kapasyahan kapag ito ay iyong ginusto dahil hindi natin naman alam
kung totoo ba o hindi ang sinasabi nila.

Tama 6. Mahirap gawin ang tamang kapasiyahan.

Tama kasi kapag ikaw ay nagkamali sa iyong pasya maaring ikaw rin ang sisisiin nila dahil
maling impormasyon ang iyong nasabio sinabi sa kanila.

Mali 7. Ang kasanayan sa pagpapasiya ay susi sa tamang kapasiyahan.

Mali dahil hindi naman lahat ng ating pasya ay tama o mali. Hindi naman lahat ng
sasabihin natin ay tama tayo rin ay nagkakamali sa ating buhay.
Tama 8.Sa pagpapasiya, dapat kontrolado at kalkulado ang magiging bunga o resulta.

Tama dahil kapag hindi ito kalkulado ang magiging bunga o resulta ay maaring mali.

POWER ASSESSMENT MODULE 2


A. Bilang estudyante, ay nahaharap ka sa suliranin kaugnay ng iyong pag-aaral. Paano mo
kaya malalampasan ang suliraning ito? Anong kapasiyahan ang kailangan mong isagawa
para malunasan ito? Punan ng hinihinging impormasyon ang grapikong nasa ibaba.
Kapasiyahan: ang gagawin ko ay mag study para sa aking grado at pagbubutihin ko ang
aking pag-aaral.

Bakit ito ang naging pasiya mo?


Ito ang aking nagging pasya dahil gusto kung makapagtapos ng pag-aaral at kukuha ng
kursong medisina.

Impormasyon
Sitwasyon
Studiyante: sir kukunin ko daw yung aswer sheet sa
ingles na nasa aparador ni maam. Titser: bakit nahuli kang nagpasa ng module.

Titser: ha...kinuha naman niya kanina lang, at wala Ako: maam namatay kasi ang aking lolo.
namang aparador sa opisina ng iyong titser.

5|Page PREPARED BY: MRS. J. TOMEY

Suliraning Kinakaharap sa pag-aaral


B. Napagnilayan mo na ba kung ano talaga ang iyong misyon sa buhay? Bakit ka
nabubuhay? Gumawa ng scrapbook na nagpapakita ng sa palagay mo ay misyon mo sa
buhay? Sa dulo ng scrapbook ay gumawa ng repleksyon. Mahalagang mailahad mo sa
repleksiyon kung ano ang nag-udyok sa iyo upang mapagpasiyahan ang misyong ito.
Mga Bahagi ng scrapbook( cover page with title, inside page with details, photos/pictures
with captions, last page: reflection)
Paalala: sa scrapbook isulat ang pangalan/ Baitang at seksyon/ Subject at pangalan ng iyong guro:

MARAMING SALAMAT SA IYONG KOOPERASYON, NAWA AY MAGING LIGTAS PO TAYONG


LAHAT! GOD BLESS!

6|Page PREPARED BY: MRS. J. TOMEY

You might also like