You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Pangalan :_____________________________________ Baitang at Seksyon: _____________________________


Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.Gumamit ng hiwalay na papel.
_____1. Ito ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasya.
A. Panahon B. pagpapahalaga C. pagmamahal D. pagkakataon
_____2. Isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
A. mabuting pagmamahal C. mabuting pagkakataon
B. mabuting pagpapasya D. mabuting pagsusumikap
_____3. Ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapasya.
a. Panahon b. pagpapahalaga c. pagmamahal d. pagkakataon
_____4. Ayon sa kanya ang pahayag ng personal na layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong may malalim na
ugat.
a. Sean Covey b. Sean Convey c. Saen Convey d. Sean Convey
_____5. Ang pahayag ng layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang ________nagpapahayag kung ano ang kabuluhan
ng iyong buhay.
a. personal b. pansariling motto C. kredo d. lahat ng nabanggit
_____6. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng _______ ng pagpapasiya.
A.pagpapasiya B. proseso C. pagpapahalaga D. maayos
_____7. Sa araling ito, saan mahihahalintulad ang pagpapasiya?
A.Chess B. touch-move C. grandmaster D. party
_____8. Ang “touch-move” ay nangangahulugang ____________________________________.
A. Pabago-bago ng desisyon sa buhay.
B. Kung ano ang naging pagpasiya ay maari pang palitan.
C. Hindi nakakatulong sa pagpapasiya.
D. Kung ano ang naging pagpasiya ay hindi na maaaring ang isip ay magbago at dapat ito ay sigurado.
_____9. Kapag nagpapasiya, kailangan bang pagaralan ito ng maigi?
A. Hindi, ayos lang na magkamali.
B. Hindi dahil anuman ang iyong pagpasiya ay wala ring kwenta.
C. Oo, upang hindi magsisi sa huli.
D. Wala sa nabanggit
_____10. Anong kailangang gawin sa larong chess na maaring gawin sa buhay ng tao?
A. mabuting pagpapasiya B. pagpili C. mag-aral D. tiwala sa sarili
____ 11. Ano ang una at pinakamahalagang sangkap sa proseso ng pagpapasya?
Oras B. Tiwala C. Panahon D. Isip
_____12. Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang
_____________ ng mga bagay-bagay.
pagkakaiba-iba B. pagkakaisa C. pagkakaparehas D. pagkatutulad
_____13. Saan mahalaga ang proseso ng mabuting pagpapasiya sa buhay ng tao?
Pag-iisip B. Pagpili C. Pagmamahal D. Pagpapahalaga
_____14. Alin sa mga sumusunod na nagpapakita ng pagpili ng mabuting pagpapasiya?
A. Kunin ang bagay na hindi sayo
B. Tumawid sa maling tawiran
C. Lumabas ng bahay sa panahon ng pandemya
D. Tumulong sa gawaing bahay
______15. Kung _________ ang pagpapasya, mas malinaw ang mga pagpiling gagawin.
A. Mahusay B. Tama C. Mali D. Tiyak
______16. Ito ay ating ginagamit kapag tayo ay naghahanap ng impormasyon sa ating pagpapasiya
isip B. kilos C. damdamin D. panahon
______17. Nararapat lang na kailangan natin ng ________________ sa ating pagpapasiya upang hindi magsisi sa huli.
kalungkutan B. kasiyahan C. kasiguraduhan D. kahihinatnan
______18. Ito ang umiiral kung pinapakiramdaman natin kung tama ba o mali ang ating pagpasiya.
A. isip B. kilos C. pagmamahal D. damdamin
______19. Nararapat din na malaya sa mga panloob o ______________ na pag-uudyok na maaaring pamahalaan ang
ating pagpasya ng lingid sa ating kaalaman.
A. isip B. subconsciousC. damdamin D. kilos
_____20. Kinukunsulta rin natin ang ating _______________ upang tiyaking kagustuhan nga natin ang ginagawang
pagpili.
Mahusay B. Tama C. Mali D. Tiyak
___21. Ito ay ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapsiya.
A. isip B. pagpapasiya C. pagpapahalaga D. kapalaran

_____22. Ito ang madalas na ginagawa kapag may pagkakataon tayong mamili sa kung ano ba ang mas
mahalaga sa atin.
A. padalos-dalos B. agarang pagpapasiya C. pagtitimbang D. pagmamadali
_____23. Ito ay batay sa ating pagpapahalaga, ginagamit natin ang ating isip at damdain upang tiyakin sa loob
ng sapat na panahon ang ating pasya
A. isip C. pagtitimbang
B. pagpapahalaga D. proseso ng mabuting pagpapasiya
_____24. Kinakailangan din ito kung hindi sigurado sa pagpapasiya upang sa huli ay maging tama,
A. sapat na panahon C. pagmamalabis
B. agarang pagpapasiya D. pagsawalang-bahala

_____25. Mainam itong gawin kapag nagugulahan at upang mas mapabubuti sa magiging pagpapasiya.
A. Kumunsulta sa mas nakaaalam C. Paglalaro
B. Padalos-dalos D. Kumunsulta sa hindi kakilala

IKALAWANG BAHAGI.
A. Panuto: Isulat ang HASHTAG #MP - MABUTING PAGPAPASIYA kung ang pangyayari ay nagpapakita ng
mabuting papapasiya at #HMP- HINDI MABUTING PAGPAPASIYA naman kung hindi.
26.Pagsauli sa ay may-ari ng kanyang nahulog na wallet.
___ 27.Sasama sa kaklase na mag-cutting classes
___ 28.Pangongopya sa kaklase kapag may pagsusulit.
___ 29.Pagsunod sa magulang sa paggawa ng gawaing bahay.
___ 30. Pagtulong sa matanda na nahihirapang tumawid sa kalsada.
___ 31. Pagamin ng pagkakamali kung ikaw ang may kasalanan.
___ 32. Paggawa ng takdang-aralin kesa sumama sa paglalaro ng ROBLOX sa computer shop
___ 33. Hindi pagsunod sa nakakatandang kapatid kapag inutusan.
___ 34 Pagtulong sa nakakabatang kapatid sa paggawa ng takdang aralin.
___ 35. Hindi pagsasauli ng napulot na celfone sa loob ng CR.
___ 36. Mag-aaral ng mabuti para makapasa sa pagsusulit.
___ 37. Magpapaalam na gagawa ng proyekto sa bahay ng aking kaklase para makasama ako sa
selebrasyon ng kaarawan ng aking kaklase.
___ 38. Susundin ko ang bilin ng aking ina na bawal pa akong magpaligaw.
___ 39. Hindi ako papasok ngayon sa paaralan kasi may reporting ako ngayon sa Edukasyon sa
Pagpapakatao.
___ 40. Mag-aalaga ako ng aking kapatid kapag nasa trabaho si Mama.
B.Basahin mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Para sa bilang 31-35, pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon sa
mga hakbang sa paggawa ng wastong pasya gamitin ang titik A hanggang titik E. Para naman sa bilang 6-10, isulat ang T
kung ito ay tama at M naman kung ito ay mali. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
__________41. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya.
__________42. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya.
__________43 Magnilay sa mismong aksiyon
__________44. Pag-aralang muli ang pasiya.
__________45. Magkalap ng kaalaman
C. . Para naman sa bilang 36-40, isulat ang T kung ito ay tama at M naman kung ito ay mali. Isulat ito sa iyong sagutang
papel.
__________46. Pumili ng ilang mga kasabihan na walang halaga sa iyo at tunay na pinaniniwalaan mo.
__________47. Ang personal na layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong may malalim na ugat.
__________48. Huwag magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip ng personal mission statement.
__________49. Mabuting pag-aralan muli ang pasiya.
__________50. Isang mabuting giya o gabay sa ating mga pagpapasya ang personal mission statement.

D. Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung TAMA ang pahayag at malungkot na mukha
kung MALI ang pahayag.
_____51. Ang instrumento gamit sa maling pagpapasya ay ang isip at damdamin.
_____52. Itinatala natin at iniipon ang mga datos tungkol sa suliraning nais nating lalong problemahin.
_____53. Kinukunsulta rin natin ang ating damdamin upang tiyaking kagustuhan nga natin ang ginagawang
pagpili.
_____54.Mayroon tayong kakayahan o kalayaan sa mapanagutang pagpapasiya.
____ 55. Nararapat lang na siguraduhin muna ang isang bagay sa pagpapasiya at hindi padalos-dalos.
E. Panuto: Isulat ang ISIP kung ang pahayag sa mabuting papapasiya ay ginagamitan ng isip at DAMDAMIN
naman kung ang umiiral ay damdamin.
_____56.Naghahanap tayo ng impormasyon sa ating pagpili.
_____57.Kinukunsulta rin natin ito upang tiyaking kagustuhan nga natin ang ginagawang pagpili.
_____58. Tinitimbang natin ang mga kabutihan at kakulangan sa ating mga pamimilian.
_____59. Sinasala natin ito ang anumang natuklasan ng ating isip upang pagbatayan ng pagpili, upang gawin
natin ang pagpapasiya.
_____60. Nakikita natin ang maaaring maging solusyon sa ating pagpapasiya.

You might also like