You are on page 1of 47

Edukasyon sa

Pagpapakatao
GRADE 7
YUNIT 4
PAGTATAKDA
NG MITHIIN
Edukasyon sa
Pagpapakatao
GRADE 7
ARALIN 2
LAYUNIN:
Naipamamalas ng mag-aaral ang
pag-unawa sa mabuting
pagpapasiya.
Edukasyon sa
Pagpapakatao
GRADE 7
   Sa buhay ng pagbibinata o pagdadalaga,
lubhang mahalaga ang gawaing pagpili. Maraming
kabataan sa edad na ito ang napapahamak dahil
sa mga pabigla-bigla at maling kapasiyahan. 
  Ang pagpili ay mahalaga sapagkat maaring
nangangahulugang ito ng tagumpay o kabiguan,
kapahamakan, o paglago ng buhay.
  Mahalaga ang pagpapasiya. Ang taong walang
tiyak na pagpapasiya ay namumuhay rin sa kawalang
katiyakan. Maihahambing siya sa kasabihang
“namamana sa dilim”. 
  Siya ay walang katiyakan sa tinutungong
pamumuhay at Malabo ang paroroonan. Ito ang mga
taong marahil may layunin ngunit walang linaw kung
ano ang gusto nilang mangyari sa buhay. 
     Ang mga taong Malabo ang layunin ay walang
tiyak na patutunguhan o direksiyon sa buhay.
Kailangan sa pagkakaroon ng mga mithiin o
layunin- ang mga ito ay maliwanag sa ating mga
kaisipan at lubos na nauunawaan sa pamamagitan
ng matalinong pagpapasiya.
  Sa araw-araw ay hindi mabibilang kung
makailang beses tayo nagpapasiya. Sa paggising
pa lamang sa umaga ay nagpapasiya na ang tao. 
   Sa pagpapasiya ay itinatanong natin ang ating
sarili: Maliligo ba ako o hindi? Ano ang kakainin ko
sa almusal? Ano ang isusuot ko? Lalakad ba ako
o magco-commute?
   Anong oras ako uuwi? Ang mga ito ay ilan
lamang sa mga patunay na sangkot sa ating pang
araw-araw na gawain ang pagpapasiya. 
   Masasabing ang mga halimbawa ay ilan lamang
sa mga payak na pagpapasiya subalit mahalaga
pa rin ang mga ito sapagkat sangkot dito ang
iyong mga gawain at gampanin sa araw-araw. 
     Ano ang desisyon na nagawa mo
na nakapagbigay ng kabutihan sa
iyong buhay? Ibahagi.
MATALINONG
PAGPAPASIYA
    May mga salik na dapat isaalang-alang upang
makabuo ng isang matalinong pagpapasiya. Ito ay
ang mga sumusunod:

        1. Impormasyon
     2. Sitwasyon
     3. Mga Payo
     4. Mga Opportunidad
1. IMPORMASYON
   Nakakaimpluwensiya sa kapasiyahan ng tao
ang mga impormasyong kaniyang nasasagap o
napag-aalaman. Bago magpasiya ang isang tao,
mahalagang alamin muna niya ang buong
pangyayari. 
1. IMPORMASYON
  Kailanman ay hindi tayo makakagawa ng
matalinong pagpapasiya kung hindi ganap o
kulang ang impormasyong sangkot sa paggawa
ng pasya. 
Unang senaryo
Magandang umaga iha. Ako ang kababata ng iyong ina sa
Caloocan. Nasa ospital ngayon ang iyong ina. Kailangan
niya ng perang pambayad sa ospital. Pinasasabi niya na
kunin mo ang lahat ng pera sa kaniyang aparador, pati
ang mga alahas at ibigay sa akin para magamit ang mga
iyon sa mga bayarin sa ospital. 
Ha?.... Ang kuwento ni Mommy sila ay taga
Ilo-Ilo. Ni hindi nga nabanggit ni Mommy na
tumira siya ng Caloocan. Bakit pinakukuha
pati ang mga alahas? Wala namang
aparador sa kwarto ni Mommy.
Sa iyong palagay, ano kaya ang
magiging pasiya ng bata? Kung ikaw
ang nasa sitwasyong kagaya nito, ano
ang magiging pasiya mo? Bakit? 
2. SITWASYON

  Mahalagang maisaalang-alang ang sitwasyon


bago gumawa ng pasiya. Ang pag-unawa sa
bawat anggulo ng sitwasyon ay makatutulong sa
matalinong pagpapasiya.
Pangalawang senaryo
Bakit ka lumiban kahapon, Berting? Alam
mo naman na may pagsusulit tayo. Di
ba sinabi ko sa iyo na kapag may pagsusulit
at lumiban ka ay zero ang magiging score
mo?
May sakit po kasi si mama, Ma’am. Wala
po si papa kasi sa ibang bansa siya
nagtatrabaho. Ako po ang nag-aalaga
kay mama dahil umuwi ng probinsiya
ang aming kasambahay.
   Ayon sa sitwasyon, ano kaya ang
magiging pasiya ng guro? Bibigyan kaya
niya ng iskor na zero si Berting o bibigyan
niya ng espesyal na pagsusulit? Bakit?
3. MGA PAYO
     Ikaw bilang estudyante sa ika-7 grado ay
masasabing nasa unang yugto pa lamang ng
pagdadalaga at pagbibinata. Kung tutuusin ang iyong
mga karanasan ay masasabing hindi pa sapat para
matiyak na matalino nga ang ginawang pagpapasiya
3. MGA PAYO

     Masasabi kung gayon na nangangailangan ka pa ng


mga payo buhat sa mga taong makaranasan- sila ay
maaring guro, magulang, o mga nakakatanda.
Pangatlong senaryo
Maam, ngayon pa lamang ay iniisip ko na
kung ano ang kursong kukunin ko sa
kolehiyo. Sa palagay niyo po, ano kaya
ang nababagay sa akin?
Veronica, sa pagpipili ng kurso, mahalagang isaalang-
alang mo ang iyong kalakasan at kahinaan. Ano ba ang
hilig mo? Kaya bang tustusan ng magulang mo ang
kursong ito? makakatulong ba sa iba at hindi lamang sa
iyong sarili kung matapos mo ang kursong ito?
Hilig kung magturo sa mga bata, masaya
ako kapag natuturuan ko po sila. Ibig
kung magturo sa mas maraming bata. 
Sa iyong palagay, anong kurso kaya ang
nararapat kay Veronica? Paano makakatulong
ang paghingi niya nga payo sa guro kaugnay ng
kursong ibig kunin?
4. MGA OPORTUNIDAD
    Tumutukoy ang mga oportunidad sa mga
pagkakataong magagamit sa pagkakaroon ng
matalinong pagpapasiya. 
4. MGA OPORTUNIDAD
     Sa pagpapasiya marapat na tanungin ang sarili.
Ano ang maidudulot ng pasiya kong ito sa akin? Ano
ang maidudulot nito sa aking kapuwa? May paglago
ba akong aasahan sa sarili sa pasiyang ito? 
Pang-apat na senaryo
Sasali ba ako sa declamation contest? Kung
sasali ako, matutulungan nitong paunlarin ang
tiwala ko sa sarili; magiging daan ito upang
malaman ko ang aking kalakasan at kahinaan;
magsisilbi akong modelo sa aking mga kapatid;
magkakaroon ng representative sa paligsahan
ang aming seksiyon. 
     Ano kaya ang magiging pasya ng dalaga?
Sasali kaya siya sa paligsahan o hindi? Paano
makakatulong ang pagbanggit niya ng mga
oportunidad sa pagbuo ng desisyon?
     Samu't saring desisyon ang iyong
ginagawa sa araw-araw. Sa huli, ikaw ang
makatitiyak kung ang mga pasiya mo ay
tama o hindi.
     Ang mahalaga ay tanggapin sa sarili na
marami ka pang dapat na matutuhan sa
pakikipagsapalaran sa buhay, kaya
mangangailangan ka ng pag gabay.
Edukasyon sa
Pagpapakatao
GRADE 7
Quiz or performance task
Edukasyon sa
Pagpapakatao
GRADE 7

You might also like