You are on page 1of 1

JOSHUA JESALVA

10-ASTER
KAALAMAN TUNGO SA PAGPAPAKATAO
Napakaraming Ideya ang bumulwag sa akin isipan salamat sa tulong ng E.S.P ngayon ay
napagtanto kuna ang kahalagahan nito sa bawat buhay ng isang indibidwal.Nais ko sanang
ibahagi ang lahhat ng aking natutunan at napagaralan na sumiksik sa aking isipan kaya naman
labis ang aking galak at kasiyahan dahil panibagong aral ang aking natutunan.
Karamihan sa atin ay sapat na ang lahat ng bagay na ating nalalaman ngunit napagisipan muna
ba na napakaramingg bagay bagay pala sa mundo ang hindi natin nalalaman.Ibinahagi sa aming
mga magaaral ang patungkol sa kaluluwa kung saan napakalaki pa la ang importansiya nito kaya
naman labis kong pinakinggan ang lahat ng impormasyon ukol rito.Ang kaluluwa ay may iba’t-
ibang depenisyon ngunit kung ang pagbabasehan ay ang mundo ng E.S.P ito ay nahahati sa
tao,hayop, at halaman kung saan napakalaki ang pagkakaiba nito sa isat isa.
Ang tao ay binubuo ng kaisipan,galaw,paglaki at kung ano-ano pa maaaring meron ito sa hayop
maaari rin namang meron ito sa halaman ngunit may kulang pa upang ito’y maging pareho sa
lebel ng tao sapgkat ang tao ay bukod tangi kaya naman hindi maikakaila na ito ang napili ng
panginoon upang maging tao.Nahahati ang isang tao sa iba’t-ibang lebel magmula sa mababa
bilang indibidwal kalagitnaan bilang persona papunta sa itaas bilang personalidad ngunit ang
pagkamit ng lebel na ito ay nakadepende sa iyong estado/detalye sa buhay kumbaga karanasan
ang kinakailangan upang magkaroon ka ng lebel sa iyonng pagpapakatao.Kung ang isang tao ay
may pagbuo sa kaniyang sarili siya ay kakaiba,hindi nauulit at hindi nalalamangan ng kung sino
man dahil ang pagiging tao niya ay buo.Bawat tao ay naghahangad na magkaroon ng lebel
ngunit kung nais mong maabot ang pagiging persona magtiwala ka sa sarili mo,magkaroon ka ng
paninindigan at tiwala sa panginoon at iyon ang magiging dahilan upang makamit moa ng
pagkapersona mo.Maraming bagay ang dahilan ng pagiging ano at pagiging sino ngunit kung
alam muna sa sarili mo kung sino ka alam mon a rin kung ano ang misyon mo sa buhay.
Bilang isang mag-aaral kinakailangan mo ng oras upang magawa mo ang misyon/obligasyon mo
at iyon ay para matuto at yun ang dahilan kung bakit ako narito upang maabot ko ang pangarap
ko kahit mahirap man ang buhay,maraming problemang kinahaharap at kinasasangkutan
patuloy ka paring babangon sapagkat may oras pa para baguhin ang lahat.

You might also like