You are on page 1of 1

Kaalamang Bayang

Dalumat ng Pagkataong
Pilipino

Ang akdang "Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino" na isinulat ni


Prospero R. Covar ay mga pinagsama-samang kaisipan ukol sa pagiging Pilipinong tao
sa pagsasalansan at
malalim na pag-intindi sa mga bahagi ng isang tao upang ito ay higit na
maipaliwanag. Ang akda ay tumatalakay sa mga pagkakaiba ng bawat isa hinggil sa
labas, loob at lalim ng isang tao.
Nagkakaiba ang mga bahagi ng katawan sa bawat tao batay sa kung ano ang kanyang
kaluluwa at budhi. Ang isang tao ay kahalintulad ng isang banga kung saan ito ay
may kanya-kanyang lalim,
loob at labas na magkakaiba sa bawat isa. Ito ay pinapagalaw ng kaluluwa at budhi
ng isang tao na ginagamit at nagagamit sa araw-araw na paggawa ng bawat isa.

Ang pagkatao ng isang tao ay sumasalamin sa kung ano ang makikita sa kanyang
panlabas na katangian. Ayon kay Covar, ipinahayag niya ang ilan sa mga bahagi ng
katawan kung saan
naglalarawan ang mga ito ng kaugalian o katangian ng isang tao, katulad na lamang
ng mukha at isipan kung saan ang bawat parte ng mukha ay nangungusap sa sariling
pagkatao ayon sa
ipinapakita ng mga parte ng mukha. Samantala ang isipan ng isang tao ay nakatambal
sa mukha kung saan ito ay kaugnay ng utak, nagpapahayag din ito ng pagkatao. Sa
kabuuan, maaring
maipaliwanag ng mga bahagi ng katawan ang pagkatao ng isang tao, maari itong
magbigay ng kaunting kaalaman sa kung anong klaseng tao ang maaring makasalamuha ng
bawat isa. Halimbawa
nito ang mga taong laging nakakunot ang noo, maari itong magbigay sa atin ng
pananaw na ang taong iyon ay laging galit o di kaya ay di pala-kaibigan.
Ipinapaliwanang sa akdang ito ni Covar
na ang mga tao ay may iba't ibang paraan upang maipahayag ang kanilang emosyon o
kaya ay ang kanilang pagkatao. Ngunit hindi laging ito ay akma at totoo dahil ang
ibang nakikita ng ating
mata ay hindi totoo. Samakatuwid may mga pananaw sa isang tao na hindi tugma sa
kung ano talaga ang kanyang pagkatao. Ang buong akda ay sumasalamin sa iba't ibang
pagkatao ng isang tao,
ipinapaliwanag ito sa pamamagitan ng mga kaisipan ng bawat tao. Ang akda ay maaring
maging epektibo sa iilan ngunit hindi para sa lahat dahil ang gumawa ng akdang ito
ay isa ring tao kung
saan limitado rin ang karunungan.

Ang kaisipan ng tao ay malalim katulad ng mga banga hindi ito malinaw na makikita
kung ang titingnan lamang ay ang kung ano ang nasa labas, higit na epektibo kung
ang isang tao ay
kikilalanin
ng mabuti upang makita ng malinaw ang kanyang pagkatao. Ang kaluluwa o budhi ng
isang tao ay hindi agad maaninag kung pagbabasehan lamang ang kanyang mga bahagi ng
katawan, hindi sapat
na kilalanin o ipagpalagay ang pagkatao ng isang tao sa kanyang panlabas na
katangian. Samakatuwid, ang akda ni Covar ay hindi maaring maging basehan ng
pagkatao ng isang tao, maari itong
gabay ngunit hindi ang maging basehan.

You might also like