You are on page 1of 1

Ang konsepto ng pagkatao ay iniugnay niya sa isang banga, dahil ang

pagkatao ng isang indibidwal ay may panloob, panlabas, at lalim na pagkatao. Ang


panlabas at panloob na pagkatao ang siyang bumubuo sa buong pagkatao ng
indibidwal. Sa pagpapaliwanag ni Prospero Covar ng bawat bahagi ng ating
katawan, ang mga ito ay may kanya-kanyang halaga at may ginagamapanan sa
pagbuo ng ating pagkatao. Ang mga panlabas na pagkatao ay ang pisikal na nakikita
tulad ng mata, ilong, bibig at iba pa, ang mga panloob na pagkatao naman ay ang
nasa ating loob ng katawan gaya ng puso, bituka at iba pa. At ang huli, lalim ng
pagkatao ay ang ating kaluluwa at budhi. Sa paglilinaw ni Prospero Covar, ang mga ito
ang tutukoy sa buong pagkatao na binigyang-diin na ang pagkatao ng indibidwal ay may
lalim, labas at loob. Ang bahagi ng ating katwan ay magkakaugnay sa bawat isa at
makikita dito ang tunay na nilalaman ng nararamdaman ng isang tao. Halimbawa,
ang mga bagay na pinapakita natin sa panlabas ay maaaring hindi ganon ang
panloob, dahil may kasabihan nga na ang “Ang tunay na kabutihan ay nasa puso”
at kung minsan ang pinapakita natin sa panlabas ay hindi katulad ng nasa panloob
na pagkatao, kaya nagkakaiba-iba ng pagkatao at nagkakaroon ng sinasabi nila na
maganda at masamang pagkatao. Samakatuwid, ang pagkatao ay likas at
pagkataong may sapi ayon kay Prospero Covar. At sa aking pananaw, naniniwala
ako sa pagpapaliwanag nya ukol sa pagkataong Pilipino dahil napapansin din natin
ito sa ating sarili at alam natin ito sa ating mga sarili kung paano natin mabubuo
ang tunay na pagkato at maipakita ang tunay na nasa ating
puso.

You might also like