You are on page 1of 19

Modyul 1:

Ang mga
katangian ng
nagpapakatao
“Madaling
maging Tao,
mahirap
Magpakatao.”
Madaling maging isang tao, dahil nilikha
o ginawa tayo ng diyos na tao pero
mahirap magpakatao dahil ito ay
tumutukoy sa ating personalidad. Ang
pagiging makatao ay magiging mahirap
kung pilit at hindi bukal sa kalooban.
Nangangailangan ito ng determinasyon
at pagkilos
Ang Paglikha ng pagka-sinong tao ay dumaraan sa tatlong yugto: ang tao bilang INDIBIDWAL , ang tao bilang
PERSONA , at ang tao bilang PERSONALIDAD

Ang paglikha ng pagka-sino ng tao ay


dumaraan sa tatlong yugto.

Ang mga ito ay:


Ang tao bilang
INDIBIDWAL
Ang tao bilang INDIBIDWAL – Ito ay
tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao.
Dahil sa kaniyang kamalayan at kalayaan, nasa
kaniyang mga kamay ang pagbuo niya ng kaniyang
pagka-sino. Ang kaniyang pagka- indibidwal ay
isang proyektong kaniyang bubuuin habang
buhay bilang isang nilalang na hindi tapos
(unfinished).
Ang tao bilang
PERSONA
Ang tao bilang PERSONA – Ito ay
isang proseso ng pagpupunyagi
tungo sa pagiging ganap na siya.
Bilang persona, may halaga ang tao
sa kaniyang sarili mismo. Ito ay
dahil bukod-tangi siya, hindi siya
mauulit (UNREPEATABLE) at hindi
siya mauuwi sa anuman
(IRREDUCIBLE).
Ang tao bilang
PERSONALIDAD
Ang tao bilang PERSONALIDAD – Ang pagkamit
ng kaniyang pagkapersonalidad ay nangangaila-
ngan ng pagbuo (integration) ng kaniyang pag-
iisip, pagkagusto (willingness), pananalita, at pag-
kilos tungo sa isang pagpapahalagang magbibigkis
sa lahat ng mga ito. Mabubuo lamang ang kani-
yang sarili kung itatalaga niya ang kaniyang pag-
kasino sa paglilingkod sa kaniyang kapuwa, lalo na
sa nangangailangan.
May tatlong katangian ang
tao bilang persona, ayon
kay Scheler (1974, ph 37-42)

Ang mga ito ay:


May kamalayan sa sarili.
May kamalayan sa sarili.
- Ang tao ay may kakayahang mag-isip at may
kamalayan sa sarili at kapiligiran dahil dito, marunong
tayo tumanggap sa ating mga talento na magagamit
natin sa pakikibahagi sa mundo. Dito nanggagaling ang
positibong pagtingin niya sa sarili, ang nagpapatibay
ng kaniyang ka-looban sa pagtugon sa kaniyang
bokasyon at tunguhin sa buhay (Moga 2005).
Nakatutulong ito upang mabantayan at mapaghandaan
niya ang mga sitwasyon sa buhay lalo na ang mga hindi
kanais-nais.
May kakayahang kumuha ng buod o
esensiya ng mga umiiral
May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng
mga umiiral
- May kakayahan siyang bumuo ng konklusyon
mula sa isang pangyayari. Nakikita ng tao ang
esensiya ng mga umiiral (essence of exis-
tence) kung humahanga at namamangha na siya
sa kagandahan ng mga bagay sa kaniyang pali-
gid, nauunawaan niya ang layunin ng pag-iral
nito.
Umiiral na nagmamahal
(ens amans)

“May sariling katwiran ang pagmamahal na


hindi mauunawaan ng mismong katwiran.”
-- Blaise Pascal
Ano ang Pagmamahal?
- Ito ay isang galaw patungo sa meron (being) na may
halaga at pagpapa-unlad ng halaga ng minamahal ayon sa
kalikasan nito. Nakikita ng nagmamahal na may halaga
ang isang meron tulad ng tao, bagay, at Diyos, at
gumagalaw ang pagmamahal na ito tungo sa mas mataas
na pagpapahalaga na naayon sa kalikasan ng minamahal.
Ibinibigay ng nagmamahal ang sarili sa minamahal ng
walang kondisyon o kapalit.
Umiiral na nagmamahal (ens amans)
-Ang ens emans ay salitang Latin na ang
kahulugan ay umiiral na nagmamahal. Kumikilos
ang tao para sa kabutihan dahil siya ay umiiral
na nagmamahal. Ang pagmama-hal ay galaw ng
damdamin patungo sa mga tao at iba pang
bagay na may halaga. Ito ang pa-ngunahing
kilos dahil nakabatay dito ang lahat ng
pagkilos ng tao at ang tunguhin ng lahat ng
mabuting kilos ay pagmamahal.

You might also like