You are on page 1of 2

Olaño, John Robert L.

Ang salitang “Loob” ay isang wikang Filipino na napakalawak at


madaming kahulugan. Naunawan ko sa mga pilosopikal na konseptong
Filipinong “Loob”ay ang kanilang pagtumpok sa gamit ng loob. Ako ay
nalinawagan na may sarili tayo interpretasyon sa wikang ito. Kahit isang wika
lamang ang kanilang pinaguusapin iba’t iba ang mensahe ng binibigay ng mga
may akda. Ang “Loob” para sa akin ay isang kaisipan na nagpapakita ng
emosiyon, intensiyon, pananaw at sariling mundo marahil sa loob mo lang ito
kayang gawin na pwede mong ilabas gamit ang labas na panganyo mo.
Nagkakatulad ang mga pagdalumat tungkol sa konsepto o pilosopiyang
Filipino na "Loob" batay sa awitin ni Jess Santiago, sa sulatin at lektura ni Fr. Albert
Alejo, at sa pilosopiya ni Covar ay kahalagahan ng pag-aaral sa wikang ito.
Naunawan ko na ang mga sinabi nila ay pokus sa pagiging tao at paano mamuhay
ang isang tao. Naunawan na hindi lang din na salitang loob ang kanilang pinag-
uusapan ngunit ito ang dalumat ng lahat ng gusto nilang ipahiwatig para sa lahat
ng mambabasa.
Magsisimula tayo sa sulatin at lektura ni Fr. Albert Alejo, kung saan ginawa
niyang ang loob ay isang mundo kung saan makita natin ang abot-malay, abot-
dama, at abot-kaya. Kung tutusin malaman lang ng isang tao ang nasa loob ng tao
kung tayo ay papasokin sa loob nito. Dito na iba ang mensahe ni Fr. Albert Alejo
kung saan pinapakita niya ang kaya magawa ng nasa loob at kung paano natin
maintidihan ang isang tao. Kaya’t naman nababangit ni Fr. Albert Alejo ang
paguugnay ng tao sa iba’t ibang bagay at sa pinakamalalim na salita. Ang
kinaibahan din nito ang paggawa ng sariling loob at pagpapatibay ng ating loob.
Kaya’t naman kailagan natin protektahan ang loob natin marahil nandiyan ang
pananakop at panghihimasok ng ibang tao na pwede makasira sa atin.
Ang pilosopiya ni Covar ay napakaloob sa pagkataong Pilipino na binubuo
ng labas, kaluluwa, loob at budhi. Ito ay nagpapahiwatig ng malalim na
kahulugan sa bawat wika o salita ng mga nandito. Mas pinupuna ang mga iba’t
ibang kahulugan ng mga salita. Kung bagay ito ay nagpakita ng gamit ng bawat
bahagi ng katawan at paano ito nauuganay sa paging Pilipino. Pinapapalawak ang
mga kaisapan tungkol sa pagkatao ng isang Pilipino. Ako ay napukaw sa tatlong
persona na ang hirap intidihin bagkus nalaman natin na tatlo nga ang Dios na
sobrang kakaiba sa dalawang may akda.
Pinalawak naman ni Jess Santiago ang ating kaisapan sa wika na kailagan
natin napag-aralan ang wikang Filipino marahil tayo lamang ang nakakaintidi
nito. Mapapayabong natin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng pagtuloy-
tuloy na pag-aaral. Mas nanghihikayat itong maging tunay na Pilipino sa gawa at
sa isip, ang wikang Filipino ay simple lamang ngunit napakalalim. Ito ay
naguumpisa sa loob na pwedeng maging looban, nanloob at ibang wika
nagpapakita na sobrang lalim ng mga salitang ito.
Kaya’t naman ako ay naliwanagan na mga simpleng salita ay isa lamang
dalumat na may iba’t ibang kahulugan. Ang wikang loob ay interyor kung saan
makita mo dito ang mga bagay nakatago sa labas. Ngunit ang loob ay pwede din
pumasok sa iba’t ibang kahulugan kaya’t naman kailagan natin aralin ang wika
natin marahil napakalalim ng ating wika.

You might also like