You are on page 1of 3

Neym: Jayson Ugbamin Tecson

Sep. 11,2021

I- Panuto: Ipaliwanag nang maikli ngunit MALAMAN ang mga sumusunod na tanong batay sa
iyong sariling pang-unawa. (3 points each) =21+3=24)

1. Katuturan ng WIKA ayon sa mga sumusunod:


A. Henry Allan Gleason

Sagot:ayon kay Henry Allan Gleason ang wika ay isang masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo. Ibig sabihin walang
wikang umiiral na hindi dumaan sa masistemang pagbabalangkas; nagmula muna siya sa
TITIK nagkaroon ng TUNOG pagkatapos nagiging PANTIG pagkatapos nagiging SALITA
saka siya naging WIKA na siya namang ginagamit natin sa kasalukuyan sa
pakikipagkumunikasyon sa ibang tao.

B. John Locke

Sagot: ayon naman sa paniniwala ni John Locke ang wika ay walang arbitraryon
kahulugan kundi naglalaman lang ng ideya sa paiisip ng tao. Ibig sabihin sa kanyang
pananaw ang wika ay batay lamang sa karanasan ng tao, kung ano ang kanyang Nakikita
at nararamdaman bunga lamang ito ng damdamin. Sa makatuwid ang wika ay
repleksyon lamang sa mga naganap sa buhay ng tao.

C. Archibald Hill

Sagot : ayon sa kanyang papel na “what is language “ ang wika ay ang pangunahin at
pinakaelaboreyt na anyon ng simbolikong gawaing pantao. Ang ibig niyang
ipagpapakahulugan sa kanyang paniniwala ang wika ay batay lamang sa kung paano ito
gamitin ng tao.

D. Rene Decscarte

Sagot: sa kanya namang pananaw ang wika ay nagpapatunay na ang tao ay iba-iba. Ibig
niyang ipahiwatig na nalalaman mo ang wuika ng tao ayon sa rehiyon na kanyang
kinanabibilangan. Halimbawa kung sa samar ka nakatira ang wika mo ay waray at
gayundin sa iba pang lugar.

E. Sapiro = ayon sa kanyan ang wika ay likas na makataong pamamaraan ng paghatid


ng mga kaisipan, damdamin at iba pang hangarin sa papamagitan ng isang kusang-
loob na kaparaanan na lumikha ng tunog.

Sagot : ibig sabihin ayon sa kanyang pananaw ang wika kusa itong natutunan ng tao
mula ng isinilang hanggang sa lumaki na at natuto makikipagkomunikasyon sa kanyang
kapwa.
F. Plato

Sagot: ayon sa kanya ang wika ay nabuo ayon sa batas ng pangangailangan ng tao na
may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at kinatawan nito. Dito maliwanag na
binibigyan niya ng diin ang varayti at varyasyon ng wika ayon na rin sa punto at
artikulasyon sa mga kumatawan nito.

G. Charles Darwin

Sagot : ayon naman sa paniwala niya ang wika likas na natututunan batay sa
pakikipagsapalaran ng tao ibig sabihin nalalaman mo ang wika ng iba batay na rin sa
pakikipagpanayam o pakikipagkapwa mo sa kanila.

2. Batayan sa pinagmulan ng wika (3 poinst each =6)


A. Biblikal

Sagot: sa biblikal higit kung pinaniniwalaan ang Tore ng Babel kung bakit? Dahil buo po
ang aking paniniwala na iisa lang ang pinagmulan ng lahat at yun ay ang Panginoong
Diyos.

B. Siyentipiko

Sagot: sa siyentipikong pamamaraan na naman higit pinaniniwalaan ang teoryang


Mama, dahil naniniwala ako na simula pagkamulat natin ay may taglay na tayong wika
kung ating pagbabatayan ditto ay ang sanggol ng isinilang may taglay na siyang tunog
marahil ito na ang simulain ng isang tao sa pagkakaroon ng wika.

II- Panuto: ibigay ang lanbinlimang (15) teorya ng wika at bigyan ang bawat isa ng katuturan.
(2 poinst each, =30).

1. Tore ng Babel- ito ay nakabatay sa istorya ng bibliya,pinaniniwalaan dito na iisa lang ang
wika noong panahon at wala itong problema sa pakikipagtalastasan ng tao. Subalit labis
ang hangarin ng tao na pantayan ang kapangyarihan ng diyos, kung kaya’t gumaya sila
ng tore upang makaakyat sa langit kung kaya, giniba ito ng diyos at inibaiba ang wika ng
bawat isa ayon sa kultura at rehiyon na kinabibilangan ng bawat tao kung kaya’t iba-iba
ang wika natin sa kasalukuyan.
2. Teoryabg Bow-wow- pinaniniwalaan dito na maaring ang wika ng tao ay nagmula sa
pangagaya ng tunog. Kung kaya ang tuko ay naging tuko ito ay basi narin sa kanyang
tunog.
3. Teoryang Ding-Dong - pinaniniwalaan dito na ang wika nilikha ng mga bagaybagay sa
paligid.
4. Pooh-pooh – iginiit ng teoryang ito na unang natutong magsalita ang tao dahilan sa
napabulalas sila bunga ng masidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, kalungkutan , takot
at pagkabigla.
5. Yo-He-Ho – dito na tuto umano na magsalita ang tao bunga ng pwersang pisikal .
halimbawa dito tunog na malikha natin kapag nagbubuhat tayo ng mabigat.
6. Yum-Yum – sinasabi ditto na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alin
mang bagay na nangangailangan ng aksiyon.
7. Ta-Ta – ayon naman sa teoryang ito ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat particular na okasyon ay ginaya ng dila at nanging sanhi ng
pagkakatuto ng tao na lumikha ng tunog.
8. Sing-Song - ayon dito ang wika ay nagsimula paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili ,
panliligaw at iba pang mga bulalas na emosyunal.
9. Hey You – iginiit dito na interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao.
10. Coo-Coo – ayon dito ang wika ay nagsimula sa tunog na nilikha ng sanggol.
11. Babble lucky – ayon sa teoryang ito ang wika ay nagsimula sa walang kahulugang bulalas
ng tao.
12. Hocus Pocus – pinaniniwalaan dito na ang wika ay nagsimula sa pangagaya sa tunog ng
kalikasan.
13. Eurika
14. La-La - ang tunog daw ay nagmula sa pwersang may kinalaman sa romansa.
15. Teoryang mama – ayon dito ang wika ay nagsimula sa pinakamadaling pantig na
pinahahalagahan.

You might also like