You are on page 1of 5

Ang Intelektwalisasyon ng Wikang Pilipino Pano ba, sa tingin mo, nabuo ang wikang

Ingles na napakaintelektwalisado, ika nga nila? Binuo kaya nila ito para
maintindihan sila ng ibang tao dayo sa ibang dako ng daigdig? Binuo kaya nila ito
para sa pakikipagugnayan nila sa mga dayuhan? Sa aking opinyon, binuo ang wikang
Ingles, at ang mga libo-libong wika sa mundo, dahil nais ng mga tao (sa kani-
kanilang mga sariling lugar) na magkaintindihan sa kanilang mga kasama at hindi
para sa ikaaalam ng mga dayuhan. Kaya ang aking tayo sa gawaing ito ay hindi
pagkakaintelektwalisado ng wikang Pilipino. Sa aking opinyon, ang wikang Pilipino
ay isang napakagandang rosas na may tinik na nakakasakit, at ang pula ng dugo ng
mga natutusok ay dumadaloy patungo sa kanyang ulo. Sa madaling salita, ang wikang
Pilipino, sa kanyang sarili, ay repleksyon ng kasaysayan ng Inang Bayan. Ito ay
isang kultural na salamin ng ating pagiging Pilipino na dinarama ang buhay ng mga
bayaning ninuno. Upang mabigyang ebidensya ang aking mga sinusulat, ang mga
sumusunod ay ilang mga halimbawa. Ang salitang pamilya ay umuugat sa salitang
”familia”, galing sa wikang Kastila, kung di kaya’y galing din ito sa salitang
”family”, galing sa wikang Ingles. Sa ating kasaysayan, makikita natin na ang
Pilipinas ay sinakop ng parehong Español at mga Amerikano kaya bakit nating nais na
baguhin pa ito? Kasama pa sa aking katayuan ay ang pagiging henyo ng mga Pilipino
sa pagbago ng wika. Kung ating titignan, maraming mga salitang Pilipino ang ibinago
upang sumunod sa mga panahon. Gawin nating halimbawa ang salitang ”tol”. Nanggaling
ito sa salitang utol, na galing sa salitang putol, na galing sa salitang kaputol.
(alam ko mayroon pa yang isang pinanggalingan. Hindi ko lang maalala kung ano basta
ang ibig-sabihin ay ”kaputol ng umbilical cord”) At ngayon, ang salitang tol ay
ginagamit para mapakita ang pagkakaibigan at kapatiran sa pagitan ng mga tao. Oo,
ito’y impormal, ngunit natutupad naman ng salita ang kanyang layunin. Kumbaga, ang
wikang Pilipino ay nag-eebolb ng tuloy-tuloy mula sa simula ng kasaysayan natin.
Upang tuluyan kong mapatunayan ang aking katayuan, magbibigay ako ng halimbawa na
nagpapakita ng dalawang dahilan na akin nang nabanggit. Ating tignan ang salitang
“amputsa”. Ito ay nanggaling sa salitang “ampucha”, na nanggaling sa grupo ng mga
salitang “anak ng puta”, na kapag isinalin sa wikang Ingles ay “son of a bitch.”
Ang mga Amerikano, ang nagdala ng wikang Ingles sa Pilipinas (isang yugto ng
kasaysayan) at maaring narinig natin itong mura na ito (son of a bitch) at isinalin
sa tagalong. Hindi lang yaan! Hinayaan pa nating mga Pilipino
na mag-ebolb itong mura na ito para hindi siya masyadong mahirap sabihin.
Episyente, ika nga. Makasaysayan at tuluyang nagbabago ang wikang Pilipino pati na
sa isang bagay tulad ng mura. Sa ika-iikli ng aking sinulat, ang pagbabago ng
wikang Pilipino upang ito’y maging intelektwal ay hindi dapat isinasadya. Hayaan na
nating mahubog ang ating wika sa kanyang sariling bilis. Ito’y dahil ang ating wika
ay isang salamin ng ating pagiging Pilipino at ang sadyang pagbabago nito ay isang
paraan ng paghampas sa ating kultura (eksahirado, oo, pero mali parin para sa akin)
REFERENCE:

http://ayokosaberde.xanga.com/496072980/ang-intelektwalisasyon-ngwikang-pilipino/
Ang Intelektwalisasyon ng Wikang Pilipino
Sa kanyang sanaysay na “Pilipino Para Sa Mga Intelektwal,” tinalakay ni Rolando S.
Tinio ang dalawa sa maraming mga hadlang na kinahaharap ng wikang Filipino tungo sa
intelektwalisasyon nito. Una, ipinalalagay ng mga Pilipino na walang kakayahan ang
kanilang wika bilang wikang intelektwal. At ikalawa, nangangamba ang mga Pilipino
na maiwan sa kaunlarang pag-iisip kung tumiwalag tayo sa wikang Ingles: . . .
ganito pa rin ang nangyayaring palagay – mabisang gamitin ang Pilipino sa mga
karaniwang sitwasyon, ngunit sa mga sitwasyon espesyal, Ingles pa rin ang
kinakailangan. (Tinio, 1975) Sapagkat sa wikang Ingles napapalaman ang maraming
dalumat at kaalaman, lalo na sa Agham at Teknolohiya, at Matematika, hindi
maiiwasang dito mahasa ang mga intelektwal ng ating bansa (hindi namin sinasabing
ang mga dalubhasa lamang sa Agham at Matematika ang mga intelektwal, ngunit tulad
ng pagpapalagay ni GMA, sa mga propesyong ito nakasalalay ang pagunlad ng bansa).
Ngunit hindi ito problema, kung sa mga terminong gagamitin ang paguusapan, ani
Tinio: . . . maaaring itawag ang anumang salita (katutubo o dayuhan) para sa mga
bagay. Tulad ng sa mga ngalan ng tao, hindi kailangan ng makabuluhang pag-uugnay ng
pangalan at ng pinapangalanan. (Tinio, 1975) Katulad rin ng sinabi ni Fanon,
kinilala ni Tinio ang kahalagahan ng wika. Para sa kanya, ito ang nagtataglay ng
larawan o krokis ng diwa ng isang lahi. Makikita rito kung ano ang pinahahalagahan
(tunay) ng isang lahi at kung ano ang walang katuturan (di-tunay). Sa sanaysay
naman ni Dr. Florentino H. Hornedo, “Ang Wikang Filipino Tungo sa
Intelektwalisasyon,” higit nating mababanaag ang doble-karang paggamit sa wikang
Filipino. Ayon sa kanya, dumadaan ang mga kabihasnan sa dalawang antas ng pag-unlad
ng pag-iisip. Para sa pagpapahayag ng damdamin, ninanasa, o hangarin, ang Vital
Thought o Diwang Buhay ang umiiral. Ngunit sa antas ng pagpapahayag ng mapanimbang
na pag-iisip o pagmumuni (dulot ng mapanuring kamalayan), umiiral ang Reflexive
Thought o Diwang Malay. Kung gayon, magkakatotoo lamang ang intelektwalisasyon ng
ating wika, kung itataas natin ito sa antas ng Diwang Malay:
At magagawa lamang ito sa pamamagitan ng puspusang paggamit nito sa mga larangang
intelektwal tulad ng pagtuturo sa antas tersiyaryo at eskwelahang gradwado, sa
pagsulat ng mga akda sa pilosopiya, agham at teknolohiya. (Hornedo) Kung gayon,
mahihinuhang may kakayahan ang wikang Pilipino na pumantay sa wikang Ingles
pagdating sa larangan ng Agham at Teknolohiya, pati na rin Matematika, Pilosopiya,
at lalong-lalo na sa Humanidades. Kinakailangan lamang, marahil, ng tuloy-tuloy na
paggamit at pagsasanay dito upang higit pang yumaman ang kalipunan nito ng salita
at kakayahang panggramatika. Hindi nga naman ito yayaman ng katulad sa wikang
Ingles kung hindi gagamitin sa mga larangang intelektwal, sa nibel ng Diwang Malay
(ang mga espesyal na sitwasyong binaggit ni Tinio), at hindi lamang sa antas ng
Diwang Buhay (ang pangkaraniwang sitwasyon). REFERENCE:
http://matanglawin02.tripod.com/isyu06/pitik_filipino.html

You might also like