You are on page 1of 2

BIO-SCIENCE-II

ROSAMINDA P. CAVAN

1. Batay sa napakinggang sanaysay, ano ang konotasyon ng pamagat?

● Pananampalataya

2. Ano ang kaisipang nakapaloob sa sanaysay?

● Ang kaisipan na nakapaloob sa sanaysay na aking napakinggan ay di natin kailan man


malalaman kung kailan darating ang isang malaking pagsubok nasusukat sa ating katatagan
at pananampalataya sa diyos, kaya habang buhay pa tayo simulan na nating magbago at
humingi ng kapatawaran sa mga taong nasaktan natin at pati na rin sa ating panginoon dahil
di natin alam baka bukas, ngayon o sa susunod na araw ay kukunin na pala tayo.

3. Ano ang naging reaksyon ninyo pagkatapos marinig ang sanaysay?

● Pagkatapos kong marinig ang sanaysay ako'y napaisip matatapos pa ba? Sinalubong natin
ang bagong taon ng puno ng pag-asa at pagbabaka sakali na sana matapos na ang lahat ng
ito at magiging maayos na uli ang lahat tulad ng dati ngunit ako parin ay nangangamba na
baka hindi ito mangyari sa taon na ito dahil sa mga kumakalat ngayon sa sosyal medya
tungkol sa birus.

4. Anu-ano ang mga hinaing na inyong napansin ng may-akda?

● Ang mga hinaing na ito ay hindi na nakakapagsimba, di na makakapunta sa mga mall, di na


nakakapamalingki, at di na makakabayad ng mga bayarin.

5. Anong katotohanan ang nakapaloob sa sanaysay?

● Ang katotohanan na nakapaloob sa sanaysay ay dapat maging handa tayo sapagkat di natin
alam na kung kailan tayo kukunin ng panginoon, humingi tayo nga tawad sa lahat at
magtiwala na maayos din ang lahat.

6. Bakit kailangan pa rin nating magpasalamat kahit pa napakahirap sa ating nararanasan ngayon?

● Kailangan pa rin na tayo ay magpasalamat dahil hinabaan pa niya ang ating mga buhay lalo
na ang mga matatanda at ligtas tayo sa mga sakuna lalo na sa Covid 19.

7. Paano mo kaya lalabanan ang kalabang di mi naman nakikita?

● Malalabanan natin ang kalaban na di natin nakikita sa pamamagitan ng pananatili sa ating


mga tahanan at sundin ang mga payo ng mga autoridad para sa atin
8. Kung ikaw ang tauhan sa sanaysay, ganoon din ba ang magiging reaksyon sa mga pangyayari
ngayon?
Pangatuwiranan.

● Oo, ganun ang aking magiging reaksyon sa mga pangyayari dahil sa kadahilanan na kahit
ako mismo na isang Dalaga ay takot rin sa birus, noon sa panahon ng lockdown nasa loob
lang ako nga bahay at takot akong makipag-usap sa ibang tao dahil di natin alam na baka isa
sa kausap mo ay may sakit at magiging rason pa ako kung mahahawaan ang aking pamilya.
Minsan umabot ako sa punto na kain tulog lang ang aking ginagawa at kung lalabas mag ay
lagi akong may dalang alkohol.

You might also like