You are on page 1of 25

WEEK 5

TUKLASIN P-198

1. Ano-anong mga salita ang maaaring maiugnay sa salitang


“SISTEMA”?

 PARAAN
 PAMAMALAKAD
 POLITIKA
 GOBYERNO
 PILIPINAS
 HALALAN
 DEBATE
 KAMPANYA
 PLATAPORMA

2. Matapos punan ang bilog, pumili lamang ng apat na salita


na maaaring gamitin sa isang makabuluhang pangungusap.

TUWING HALALAN SA PILIPINAS ANG MGA MAMAMAYAN


NITO ANG SIYANG PUMIPILI KUNG SINO ANG SA TINGIN
NILA AY NARARAPAT NA MAGING PARTE NG GOBYERNO
NA SIYANG MAG SISILBI PARA SA PILIPINAS. SA MGA
PANAHONG ITO MADALAS AY NAG DEDEBATE ANG MGA
TAONG NANGANGAMPANYA DAHIL IBA’T IBA ANG
KANILANG MGA PLATAPORMA.
3. Ano ang kaisipang iyong nakuha mula sa binuong
pangungusap?

ANG MGA MAMAMAYAN NG PILIPINAS AY MALAYANG


NAKAPAMIMILI KUNG SINO ANG NARARAPAT NA MAMUNO
SA BANSANG PILIPINAS.

Pagyamanin P 200-203

Basahin at unawaing mabuti ang halimbawa ng tekstong


naratibo na nasa ibaba. Pagkatapos ay isagawa ang mga
pagsasanay.

Gawain 1

Mula sa binasang teksto, anong pangunahing kaisipan ang


nakuha mo mula rito? Ipaliwanag.

KUNG MAY MGA BAGAY TAYONG HINIHILING SA


PANGINOON AT HINDI NIYA ITO IPINAGKAKALOOB,
MATUTO TAYONG MAG HINTAY SA TAMANG PANAHON AT
HUWAG SUMUKO. A KAILANGAN NATING MAG TIWALA SA
DIYOS DAHIL SIYA AY MAY DAHILAN AT MAGANDANG
PLANO PARA SA ATIN. TANDAAN NA LAGING MAY MAS
MAGANDANG IPAGKAKALOOB ANG DIYOS SA ATIN AT
KAILANGAN NATIN ITONG MAHALIN AT PANGALAGAAN
Gawain 2

Ibigay ang mga impormasyon tungkol sa tekstong binasa


gamit ang Doughnut Diagram. Ang pangunahing kaisipan ay
isusulat sa butas ng doughnut. Maaaring magbigay ng
pantulong na kaisipan sa pamamagitan ng tanong na ano,
sino, saan, kailan, bakit, at paano.

PANGUNAHING KAISIPAN

KUNG MAY MGA BAGAY TAYONG HINIHILING SA


PANGINOON AT HINDI NIYA ITO IPINAGKAKALOOB,
MATUTO TAYONG MAG HINTAY SA TAMANG PANAHON AT
HUWAG SUMUKO.

Pansuportang kaisipan

Si Virginia, ang babaing madasalin, palasimba at


mapagluhod sa mga tabi ng “Confesionario” ay may 10 taon
nang kasal kay Rodin.

Mayaman si Virginia, may pangalan si Rodin, at silang


dalawa ay nabubuhay sa kasaganaan.

ang kanilang ginawang pamimintakasi sa Ubando alang-


alang sa kamahal-mahalang San Pascual at sa kapinu-
pinuhang Santa Klara ay hindi rin nagbigay sa kanila ng
minimithing anak.

nagbigay ng panibagong pag-asa kay Virginia at kay Rodin.

Nahuhulog na ang Araw ng kanilang pagmamahalan sa


kanluran at ang mga ulap sa dapit-hapon ng buhay ay unti-
unti nang nagpapalamlam sa ilaw ng kanilang pag-ibig.

isang maliit na kaluluwang wagas na nagtataglay ng


pangalan ni Rodin at ng pangalan ng kanilang angkan.

Si Virginia, palibhasa’y madasalin, marupok ang puso at


natatakot sa Diyos; palibhasa’y mahinang-mahina noon ang
katawan at mahina rin ang pag-iisip

punung-puno ng paggiliw ang lanta at maputlang mukha ni


Virginia

Sampung taong singkad na ang katalagahan ay nagkait sa


kanila ng anak at 10 taon ding inibig ng Diyos na siya’y
huwag maging Ina.

ang mga pisngi nilang mag-asawa ay nagkadampi nang


buong init, samantalang iniuugoy nila sa kanilang mga bisig
ang panganay na supling ng kanilang malinis na pag-ibigan
Gawain 3

Mula sa binasang teksto, gamitin ang Modelong ORAS.


Ilahad ang iyong opinyon o reaksyon sa binasang akda.

Tukuyin kung anong mga aral ang napulot mo rito at iugnay


mo ang mga ito sa sarili mong kaisipan o karanasan.

Opinyon ay ilahad…

Ang aking opinyon sa tekstong aking nabasa ay napaka


ganda dahil patungkol ito sa pag titiwala sa mga bagay na
ipinagkakaloob ng Diyos sa atin.

Reaksyon sa paksa ng teksto…

Ako ay labis na natuwa at nainis sapagkat kahit pa nakuha


na ni Virginia ang kaniyang kahilingan ito pa rin ay kaniyang
pinagdudahan at pinagisipan ng masama. Ngunit sa huli
kanila pa rin itong tinanggap at minahal.

Aral na nakuha…

ANG ARAL NA AKING NAKUHA AY DAPAT TAYONG MAG


TIWALA SA DIYOS DAHIL SIYA AY MAY DAHILAN AT
MAGANDANG PLANO PARA SA ATIN. TANDAAN NA LAGING
MAY MAS MAGANDANG IPAGKAKALOOB ANG DIYOS SA
ATIN AT KAILANGAN NATIN ITONG MAHALIN AT
PANGALAGAAN

Sariling kaisipan

Maiuugnay ko ito sa aking mga naging magaganda at


masalimuot na karanasan dahil kahit pa anong mangyari sa
akin, palagi ay pinipili kong maging positibo dahil ako ay nag
titiwala na may dahilan ang Panginoong Diyos kung bakit
nangyayari ang mga ito sa akin.

ISAISIP P 204-205

Bumuo ng pangunahin at mga pantulong na kaisipang


mahihinuha mula sa mga larawan sa ibaba.

Pangunahing Kaisipan:

Trapiko ang isa sa pinakamalalang problema sa pagtira sa


lunsod, lalo na kung usad-pagong na ang daloy ng trapiko na
nagpapasikip sa mga kalsada at nagpaparumi sa hangin.

Mga Pantulong na Kaisipan:

Kung ikaw ay taga probinsya at nagtatrabaho sa lungsod ay


iyong nanaisin na umalis sa iyong tahanan ng maaga dahil
sa takot na ikaw ay mahuli sa iyong pasok. Bukod pa rito
tayo ay nakararamdam ng labis na pag init ng panahon.

Pangunahing Kaisipan:
ang online education ang magiging daan upang matuto ang
mga kabataan sa paggamit ng makabagong teknolohiya.
Magkakaroon sila ng oras upang tuklasin ang ilan sa mga
bagong paraan ng pag-aaral. Sa hakbang ding ito, mas
makakasabay na ang karamihan sa pagtanggap ng
makabagong paraan ng tungo sa paglinang at pagkatuto ng
mga kabataan sa bansa.

Mga Pantulong na Kaisipan:

Dahil karamihan naman sa mga kabataan ngayon ang


pamilyar sa pag gamit ng mga Gadgets ay maaaring maging
madali para sa kanila ang pag tanggap at pakikibagay sa
makabagong paraan ng pag-aaral kahit na sila ay mananatili
lamang sa kanilang mga tahanan.

KARAGDAGANG GAWAIN P 208

Kung ikaw ay magiging awtor ng isang teksto, ano-anong


mga magagandang paksa ang nais mong gamitin sa gagawin
mong akda? Itala mo ito sa iyong sagutang papel. Pumili ng
isang paksa na nais mong gamitin sa pagbuo ng isang
maikling talata.

1.TALATA PATUNGKOL SA SITWASYON NG MGA TAO


NGAYONG PANAHON NG PANDEMYA

2.TALATA PATUNGKOL SA PAGKAKAROON NG ALAGANG


ASO

3. TALATA PATUNGKOL Mga bagay na aking natutunan


patungkol sa pagsulat ng akademikong pagsulat
Mga bagay na aking natutunan patungkol sa pagsulat ng
akademikong pagsulat

Dahil sa aking pag-aaral tungkol sa mga aspeto ng


akademikong pagsulat, higit na lumawak ang aking
kaalaman sa kung paano sumulat nito. Nalaman ko ang mga
dapat at hindi dapat gawin sa pag-sulat ng ganitong uri ng
sulatin. Dati’y gumagamit ako ng mga di pormal na salita sa
pag-sulat nito, at dahil labis na nadagdagan ang kalaman ko
rito, marahil ay hindi ko na uulitin ang pagkakamaling iyon
sa pag-sulat muli nito. Mas naging interesado ako sa pag
aaral nito; hindi pala madali ang pag gawa nito, at
nangangailangan ng mahusay na pag sasaliksik at pag
susuri upang makagawa nito. Sa pag-aaral nito, nararapat
palang hindi maging subhetibo sa paraan ng paglikom ng
impormasyon; naging ganito ang paraan ko ng pag sulat nito.
Natutunan ko rin ang mga uri ng akademikong pagsulat
tulad ng buod, abstrak, sintesis, presi, sinopsis at hawig, at
nalaman ko rin ang kahulugan at kung saan ginagamit ang
mga ito. Kahit pare pareho ang mga layunin ng mga
nabanggit ko, iba iba naman ang paggamit at paraan ng
pagawa ng mga ito. Higit sa lahat, nais kong lumalim pa ang
kaalaman ko at sisikapin ko pang maging mahusay pa sa
pag-sulat nito.

KARAGDAGANG GAWAIN P-111


Upang mas lalo ka pang masanay sa pagsulat, subukan
mong gumawa ng isang sanaysay na naglalarawan. Gawin
ito sa malinis na puting papel. Sundin ang isinasaad sa
bawat bilang. Maghanap ng isang paksa na ayon sa iyong
interes.

1. Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang sanaysay


na naglalarawan.

2. Isipin mo ang “tunay na kuwento” ayon sa mga larawang


matitipon mo. Matapos ang pananaliksik, maaari mo nang
matukoy ang anggulo na gusto mong dalhin sa iyong
kuwento kahit na ang bawat idea ng kuwento ay pareho.

3. Ang pangunahing mga dahilan ng bawat larawan ay


nararapat na lumikha ng isang kapani-paniwala at
natatanging paglalarawan.

4. Ang paglalarawan ay binuo upang gisingin ang damdamin


ng mambabasa.

5. Pinakamahusay na paraan upang ikonekta ang iyong


sanaysay na larawan sa madla ay ang mga damdaming
nakapaloob dito at gamitin ito sa mga larawan.

6. Pagpasyahan ang mga kukunang larawan.

7. Magsimula sa paglikha ng isang listahan ng mga kuha


para sa paglalarawan.

8. Ang bawat shot ay tulad ng isang pangungusap sa isang


kuwento sa isang talata.

9. Maaari kang magsimula sa 10 shots.


10. Ang bawat shot ay dapat bigyang-diin ang iba’t ibang
mga konsepto o emosyon na maaaring pinagtagpi kasama
ng iba pang mga larawan.

Mga Larawan Na Aking Napili


Sa pag taas ng kanang kamay nila ay bitbit ang mga
karatula’t baso, nanghihingi ng limos mabigyan lunas man
lamang ang gutom na nararanasan. Mahirap makita ang
ating mga marangal na kababayan sa sitwasyon na ito;
hanapbuhay nila’y kinuha ng pandemya, umaasa na lamang
sa tulong ng iba. Marami man ang nakaupo’t natutulog sa
malambot ng kama, ngunit huwag dapat ipag walang bahala
ang mga taong nakikipagsapalaran sa lansangan, makaraos
man lang ng isang araw muli sa “Paraiso” natin.

Sa pag taas ng kanang kamay nila ay bitbit ang mga


karatula’t baso, nanghihingi ng limos mabigyan lunas man
lamang ang gutom na nararanasan. Mahirap makita ang
ating mga marangal na kababayan sa sitwasyon na ito;
hanapbuhay nila’y kinuha ng pandemya, umaasa na lamang
sa tulong ng iba. Marami man ang nakaupo’t natutulog sa
malambot ng kama, ngunit huwag dapat ipag walang bahala
ang mga taong nakikipagsapalaran sa lansangan, makaraos
man lang ng isang araw muli sa “Paraiso” natin.

Sa kabila ng mga nararanasan natin ngayon, may biglang


umusbong na liwanag mula kadiliman. Marami ang mga
taong nahihirapan ngunit marami rin ang may kakayahang
tumulong sa iba. Muli nating binuhay ang espiritu ng
bayanihan, matulungan lamang ang mga kababayan nating
naghihikahos. Labis labis man ang ipinagkait ng pandemya,
ngunit nabigo itong gibain ang pundasyon ng bayanihan na
nagaganap pa rin sa ating mga Pilipino.

Tila kinuha ng pandemya ang buhay ng iba nating mga


kababayan na mapayapang namumuhay noon. Ngunit sa
kabila nito ay marami rin ang nakaraos sa matinding sakit
na ito. Mas higit pa rin ang mga taong gumaling kaysa mga
taong namatay, ngunit dapat tayo magdiwang pagkat tuloy
parin ang paglaganap ng pandemya. Tila ‘di napapagod ang
pandemya, kaya dapat ay ‘di rin tayo mapagod at sumuko.
Tuloy tuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID, kailan
kaya ito hihinto?
Sa pagtaas ng kaso ng nakamamatay na sakit na ito, patuloy
rin ang pagka puno ng mga ospital sa iba’t ibang parte ng
bansa. Halos nauubos na ang mga pasilidad sa pag gamut ng
COVID habang nag hihirap ng husto ang mga nars at doktor.
Mga kagamitan nila’y nauubos na rin, sino na nga ba ang
dapat nating sandalan kung pati sila’y wala na ring lakas at
kapasidad?

Ang mga tao’y tila nag uunahan magkaroon lamang ng


pwesto sa bus upang makarating sa kanilang mga trabaho.
Nang dahil sa pandemya, nabawasan ang kapasidad na
kayang isakay ng mga transportasyon. Nagkukumpulan at
nagtutulakan habang nag uunahan makapunta lamang sa
nais paroonan. Ngunit hindi nila naalintana ang masamang
epekto ng pandemya pagkat tila nakakalimot sila sa mga
alituntunin na dapat sundin. Wala tayo sa posisyon nila
upang humusga, ngunit ‘di ba ito ang dahilan ng patuloy ng
paglaganap ng pandemya? Mahirap bang sundin ang mga
batas na ipinatupad ng mga nasa katas taasan?

Nang dahil sa pandemya, umusbong ang mga delivery


services na may layuning makapag hatid ng iba’t ibang
produkto sa mga tahanan ng mga mamimili upang maiwasan
ang pag kukumpulan ng mga tao. Ito’y malaking tulong sa
mga tao sapagkat hindi lamang mas naging mas madali ang
pag bili ng mga produkto, kundi, nabigyan din ng oportunidad
ang mga taong nawalan ng kabuhayan na magkaroon ng
pagkakakitaan sa kabila ng pandemya.
Upang magsugpuan ang paglaganap ng pandemya,
kailangang bigyan ng maayos at impormatibong oryentasyon
ang mga kababayan natin. Kailangan ay maipalaganap natin
ang mga impormasyon na dapat malaman ng bawat isa sa
atin, pati na rin ang mga dapat at hindi dapat gawin sa loob
at labas ng tahanan. Ang mga ito ay tila mga simpleng
hakbang lamang sa pagsugpo sa pandemya, ngunit kapag
ang lahat ay sumusunod sa mga ito, maaring di na magtagal
ang paglaganap ng pandemang ito.

Marami man ang kinuhang buhay ng pandemya, may mga iba


naman ang kumitil sa sarili nila bilang solusyon sa hirap at
pag durusa, at kabilang na rito ang mga studyante. Labis din
silang nag hihirap sa kasalakuyan, bukod pa sa mga
personal na suliranin na kinakaharap nila ay kailangan pa
nilang tuparin ang kanilang tungkulin bilang mga mag aaral.
Subalit sa sitwasyon natin ngayon, hindi lahat ay may
kapasidad mag aral o matuto, kaya’t di lahat ay may
kakayahang magpatuloy. Ngunit, may ibang mga studyante
na nakararanas ng depresyon at iba pang isyu sa kalusugan
sa isip. Nakakadurog puso makarinig ng mga kuwentong
patungkol sa mga studyanteng sumuko at pinatay ang
kanilang sarili nang dahil lamang sa modyul.

Nang dahil sa patuloy na di pagsunod sa mga patakaran na


ipinatupad ng gobyerno, napupuno na ang mga selda.
Kailangan pa bang humantong sa ganito para lamang
madisiplina ang mga tao? Sa simpleng di pag suot ng face
mask at face shield, dito na agad ang maaring kalalagyan,
hindi man ito patas sa pananaw ng iba, ngunit ang pag
suway sa mga simpleng patakaran ay nag papalala pa sa
sitwasyon natin sa kasalukuyan.

Sanggunian

https://1.bp.blogspot.com/-
5gA6cjuLOsA/XyDktxd6szI/AAAAAAAAJW0/l8fopDKUe_keNUPAlkoT
oBIJLb5LRULtgCLcBGAsYHQ/w1200-h630-p-k-no-
nu/Screenshot_2020-07-29-10-49-04-364_com.picsart.studio-01.jpeg

https://media.philstar.com/photos/2020/09/02/trabho_2020-09-
02_21-46-13.jpg

https://mb.com.ph/wp-content/uploads/2021/04/Pantry11.jpg
https://scontent.fmnl2-1.fna.fbcdn.net/v/t1.6435-
9/181746283_4385708618107023_8717587581523309024_n.jpg?
_nc_cat=1&ccb=1-
3&_nc_sid=8bfeb9&_nc_eui2=AeFgL7h1Bz3mIMHZ6c476WXAHsRYWqHV71Ee
xFhaodXvUbSEm763IU0jMHoLJqK5DaKeiOd7qUcNAhAKoVC5Nj2e&_nc_ohc=
8PKKWClLLlMAX8g56W0&_nc_ht=scontent.fmnl2-
1.fna&oh=1330b39105acedfeb74c307c3ba82eaf&oe=60B763BE

https://s.yimg.com/ny/api/res/1.2/lHJ_Aa4mFrzv3Twl3Vh4VQ--
~A/YXBwaWQ9aGlnaGxhbmRlcjtzbT0xO3c9ODAw/https://me
dia.zenfs.com/en/news18_coronavirus_edition_222/c807d4dc
b28b2582b7167a04bbe6b1f6

https://tnt.abante.com.ph/wp-content/uploads/2020/03/social-
distancing-1.jpg
https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2020/business/05/06/20
200429-covid-closed-businesses-jc-3392.jpg

https://tse2.mm.bing.net/th?
id=OIP.H6vo0olRNr7t0O6Hhaf5VwHaE8&pid=Api&P=0&w=25
7&h=172

https://scontent.fmnl2-1.fna.fbcdn.net/v/t1.6435-
9/121032320_3578804315517629_302387563977754271_n.jp
g?_nc_cat=109&ccb=1-
3&_nc_sid=8bfeb9&_nc_eui2=AeFsGlQZoomfJ65hzQ35g-
Ww6XGaXY-
CrzrpcZpdj4KvOicDRpqh9sm4vcJlwaKNj4pRpXxnUj3OVr-
ZREkh_9vA&_nc_ohc=1EHAmuZXje0AX9ceRml&_nc_ht=scon
tent.fmnl2-
1.fna&oh=80c35bab7d3a6a6c0fbe3c829fb9c976&oe=60BA3
857
https://tse3.mm.bing.net/th?
id=OIP.QVfnENRw7B5yUW5MCeTTzgHaE7&pid=Api&P=0&w=266&h=178
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon


tulad ng pangalan, lugar, paglalarawan, datos at iba pa
upang pagtibayin ang pangunahing kaisipan.

A. paksang pangungusap B. pangunahing ideya

C. pansuportang detalye D. pantulong na kaisipan

2. Ito ay tumutukoy sa kung tungkol saan ang teksto.


A. detalye B. ideya C. opinion D. paksa

3. Alin sa sumusunod na salita ang hindi ginagamit bilang


pantukoy ng

pantulong na kaisipan?

A. ano B. bakit C. ilan D. sino

4. Ito ay karaniwang matatagpuan sa unahang bahagi o


pamaksang

pangungusap ng teksto.

A. paksang pangungusap B. pangunahing kaisipan

C. pantulong na kaisipan D. sumusuportang detalye

5. Alin sa mga pahayag ang pangunahing kaisipan?

A. Napakabait na bata ni Julius.

B. Madaling utusan ang batang iyan.

C. Magalang siyang makipag-usap sa tao.

D. Masunurin siya sa kaniyang magulang.

6. Ito ay tumutukoy sa mensaheng nais ipahatid ng awtor.

A. kaisipan B. pananaw C. saloobin D. tema

7. Sino sa sumusunod na manunulat ang may-akda ng


tekstong “Bunga ng Kasalanan”?

A. Cirio H. Panganiban B. Liwayway Arceo

C. Lualhati Bautista D. Severino Reyes

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang angkop na pantulong


na kaisipan sa pahayag na ito? “Ang mabait kong mga
magulang ay kayamanang ibinigay sa akin.”

A. Ginagabayan nila ako sa lahat ng desisyon na aking


ginagawa.

B. Hindi matatawaran ang kanilang sakripisyo para sa


kanilang anak.

C. Lubos na pagmamahal ang ipinadarama sa atin ng ating


mga

magulang.

D. Ang magulang ay isa sa pinakamagandang regalo na


ipinagkaloob sa mga anak.

9. Ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa pantulong


na kaisipan, maliban sa

A. Ito ay itinuturing na sentrong bahagi ng akda.

B. Ito ay nakatutulong upang mapalitaw ang pangunahing


kaisipan.

C. Sa tulong nito ay mas nauunawaan ng mambabasa ang


diwa ng

teksto.

D. Maaaring bumuo ng mga tanong na may kaugnayan sa


pangunahing kaisipan upang matukoy ang mga ito.

10. Ang sampaguita ay mabangong bulaklak. Gustong-gusto


ko ang amoy nito. Tuwing Linggo ay bumibili nito ang nanay
ko sa labas ng simbahan. Ang sampaguita ay paborito kong
bulaklak. Ano ang pangunahing kaisipan ng pahayag?

A. Paborito ko ang amoy ng sampaguita.


B. Mabangong bulaklak ang sampaguita.

C. Laging bumibili ng sampaguita ang nanay ko.

D. Natatangi ang sampaguita sa lahat ng uri ng bulaklak.

11. Ang mga pahayag ay ukol sa pangunahing kaisipan,


maliban sa

A. May mga pagkakataong hindi ito lantad sa teksto.

B. Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon.

C. Karaniwan itong matatagpuan sa unahang bahagi ng


akda.

D. Ito ay ang mensahe na nais ipahiwatig ng awtor sa mga

mambabasa.

12. Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakukuha ng iba’t


ibang kaalaman. Maaari nilang gamitin ang kaalaman na ito
sa kanilang mga buhay. Nalilinang din nito ang bokabularyo
ng mambabasa. Ano ang pangunahing kaisipan na maaaring
mahinuha mula sa pahayag?

A. Marami kang natututuhan na salita.

B. Mahalaga sa kalusugan ang pagbabasa.

C. Kawili-wiling gawain ang pagbabasa araw-araw.

D. Mayaman sa kaalaman ang taong mahilig magbasa.

13. Maraming kapangyarihan ng musika ang natuklasan ng


mga siyentipiko. Alin sa sumusunod na pansuportang
kaisipan ang hindi angkop sa pahayag?

A. Kayang magpaalis ng stress sa isang tao ang pakikinig


nito.

B. Nakapagpapagaan rin ito ng utak tulad ng memorya,


emosyon at iba pa.

C. Nakatutulong ito upang mapalawak ang kaalaman sa


iba’t ibang

larangan.

D. Nakagagamot ito ng problema sa puso, depresyon at


insomnia o di

pagkatulog.

14. Ang kamatis na napagkakamalang gulay ay isa palang


masustansiyang prutas na nagtataglay ng Bitamina A at C.
Ayon sa mga dalubhasa, ang madalas na pagkain ng
kamatis ay nakatutulong upang makaiwas sa kanser sa
bituka (colon cancer). Ano ang pangunahing kaisipan ng
pahayag?

A. Ang kamatis ay isang uri ng prutas.

B. Ang kamatis ay nagtataglay ng mga bitamina.

C. Mahalaga sa kalusugan ng tao ang pagkain ng kamatis.

D. Makatutulong ito upang maiwasan ang kanser sa bituka


(colon

cancer).

15. Bakit mahalaga ang pagtukoy sa mga kaisipang


nakapaloob sa isang teksto?

A. upang lumawak ang ating kaalaman

B. upang makapulot ng magagandang aral


C. upang mabatid ang kahalagahan ng akdang binasa

D. upang malaman ang nais iparating na mensahe ng teksto

Binabati kita dahil natapos mo nang matagumpay ang mga


pagsubok sa araling ito. Dahil diyan, nais kong dugtungan
mo ang mga pahayag sa ibaba.

Naunawaan ko na ang katangian at kalikasan ng mga


teksto ay

Binubuo ng mahahalagang elemento. Gaya nalamang ng


pagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon o datos.
Katangian din nito ang maayos na pagkakasulat ng mga
impormasyon kabilang ang pagkakasunod-sunod nito.
Mayroong diwa o kaisipan din ang mga teksto at mayroong
nais ipahiwatig.

Napagtanto ko na sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto ay


kinakailangang

Maisulat ng maayos upang lubos na maunawaan ng


mambabasa kung patungkol saan ang kaniyang binabasa at
para na rin mapadali sa kaniya ang pag tuklas kung anong
uri ng teksto ang kaniyang nabasa.

Nais ko pang mapalago ang aking kakayahan sa

Pagbasa at pag sulat ng iba’t ibang uri ng mga teksto.

You might also like