You are on page 1of 40

REAKSYONG

PAPEL
LAYUNIN
Nakasusulat ng mga reaksyong
papel batay sa binasang teksto
ayon sa katangian at kabuluhan
nito sa:
a. pamilya,
b. komunidad
c. bansa
d. Daigdig
F11EP – IIIj - 37
KUMUSTAHAN
Anong kalseng duck ka ngayon?
Balik-aral

Basahin at unawain.
Sagutin ang mga
tanong sa ibaba
1.Ano ang isyung inilahad sa teksto?
a. Ang pagbabawal sa pagpapalabas ng malalaswang pelikula sa
mga sinehan ng SM
b. Masamang dulot ng malalaswang pelikula.
c. Kawalan ng kita ng mga prodyuser.

2. Ano ang tawag sa tekstong humihikayat sa mambabasang


tanggapin ang kanyang posisyon sa isyu?
a.narativ
b.b. informativ
c.c. argumentative
3. “Tama lang ang desisyon ng SM Management dahil ang
ganitong pelikula ay nakapagpapababa ng ating moralidad.” Ang
pangungusap na ito’y nagpapahayag ng
a. pagsang-ayon
b. pagtutol
c. c. pag-aalinlangan

4. Saang bahagi ng teksto unang makikita ang paninindigan ng


sumulat hinggil sa isyu?
d. unang talata
e. gitnang talata
f. pangwakas na talata
5. “Hindi nila masang-ayunan na sila’y gumastos nang malaki
dahil sa pangambang kumita lamang sila nang maliit.” Anong
damdamin ang nangibabaw sa pangungusap na ito?
a. pagkalungkot
b. pagka-awa
c. pag-aalala
pagganyak
• Magbigay ng reaksyon sa bawat larawan
pagganyak
• Magbigay ng reaksyon sa bawat larawan
pagganyak
• Magbigay ng reaksyon sa bawat larawan
Gawain 1
Panuto: Basahin ang
maikling talata at sagutin ang
mga sumusunod
nakatanungan at isulat sa
iyong kuwaderno.
Magandang balita sa mga nagsusulong na gawing legal ang
paggamit ng medical cannabis o marijuana bilang gamot sa
maraming karamdaman.
Nasa huling yugto na ito sa Kongreso para maaprubahan.

Ito ang magandang balitang dala ni Dr. Richard Nixon Gomez sa


lingguhang Media Health Forum ng Bauertek Corporation. Ang
pagsusulong nito ay nasa technical working group na at ang
susunod ay ang pagsalang sa plenaryo at pagkatapos ay lalagdaan
na ng Pangulo.
Pamprosesong tanong

1. Tungkol saan ang balita?


2. May katotohanan kaya ang balita?
3. Paano matutukoy kung may katotohanan ang
balita?
Upang hindi mabiktima ng fake news ito ang dapat tandaan

1. Suriin ang pinagmulan ng balita;


• Upang hindi mabiktima
2. Tingnan at alamin kung
mapagkakatiwalaan ba ang pinagmulan ng fake news, sundin ang
ng balita; mga sumusunod:
3. Magtanong sa kinauukulan o sa mga
pinagkakatiwalaang personalidad; at
4. Kung tama at wasto ang balitang narinig
o nalaman, ibahagi sa dapatmakaalam.
Reaksyong papel
Ang reaksyong papel o panunuring papel ay
tumutukoy sa paglalahad ng makatarungan,
patas o balanseng pagtatasa o assessment sa
mga sitwasyong may kinalaman sa mga tao,
bagay, pook at mga pangyayari.
Reaksyong papel
Sumasaklaw rin ito sa matalinong pagtataya sa
kalidad, kakayahan, pamamaraan, katotohanan
at kagandahan ng obra maestro. Isang
halimbawa ay ang pagbibigay ng reaksyon ng
mga tao sa mga pangyayaring pampolitikal,
pang-ekonomikal o pansosyal..
Apat na bahagi ng reaksyong papel
panimula,

katawan,

Kongklusyon

mga pagsipi.
1. Introduksyon
Ito ang pupukaw sa interes ng mga nagbabasa. Sa parteng ito,
kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-
aaralan. Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na
mga pangungusap mula sa orihinal na papel na iyong pinag-
aaralan. Kailangan ding maglagay ng iyong thesis statement ukol
sa papel..
2. katawan

Nakasaad dito ang iyong mga sariling kaisipan ukol sa mga


pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan. Dito sinusuri
ang orihinal na papel.
3. konklusyon

Maikli lamang ngunit naglalaman ng impormasyon ukol sa thesis


at mga pangunahing ideya na nakasaad sa reaksyong papel.
4. Ang pagsipi ng impormasyon

Ito ang bahagi kung saan nakalagay ang maikling


impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng
mgaimpormasyon na iyong nailahad.
Isang halimbawa ng reaksyong papel batay sa binasang
teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa pamilya.

Sandigan
Pamilya. Ang pamilya ang pinakamahalagang pundasyon ng buhay. Dito
natin unang naranasan ang dakilang pagmamahal. Ang kauna-unahang paaralan
kung saan tayo ay natutong makisalamuha sa ibang tao. Pamilya ang ating
kasangga sa lahat ng bagay. Iwanan ka man ng lahat, mananatiling aagapay ang
pamilya sa iyong tabi.
Ang kuwentong nabasa ko na pinamagatang “Ang Shelter” ay
tungkol sa pamilyang sinubok ang katatagan. Ang Shelter na
sinasabi rito ay isang bahay-ampunan. At iyong nanay sa
kuwento ay dinala ang mga anak sa shelter. Siyempre nalungkot
ang mga anak dahil nagkahiwalay-hiwalay sila. Ngunit sa huli
naging masaya sila dahil binalikan sila ng nanay nila.
Ang kuwentong nabasa ko na pinamagatang “Ang Shelter” ay
tungkol sa pamilyang sinubok ang katatagan. Ang Shelter na
sinasabi rito ay isang bahay-ampunan. At iyong nanay sa
kuwento ay dinala ang mga anak sa shelter. Siyempre nalungkot
ang mga anak dahil nagkahiwalay-hiwalay sila. Ngunit sa huli
naging masaya sila dahil binalikan sila ng nanay nila.
Masayang umuwi ang mag-anak dahil kumpleto na ang
kanilang pamilya. Totoo nga ang kasabihan na “Kung mahal ka,
babalikan ka”. Minsan talaga dumarating ang pagkakataon na
nakakaranas tayo ng mga pagsubok sa buhay. Mga pagsubok na
nagpapatatag upang mas lumalim pa ang relasyon ng isang
nagkakaisang pamilya.
Iba-iba ang pamilyang mayroon tayo rito sa lipunan. Ngunit kahit
magkakaiba iisa lang naman ang layunin, ang magmahalan at magkaisa.
Dahil ang pamilyang nagmamahalan at nagkakaisa ay mahalagang
isaalang-alang upang malutas ang bawat pagsubok na darating.
Lagi nating isipin na ang pamilya ang humuhubog sa atin kung ano
man tayo ngayon. Sila ang pinaghuhugutan ng lakas kung tayo man ay
mahina at dumaranas ng pighati. Sila ang parating nandiyan upang
iparamdam sa atin na hindi tayo nag-iisa. Bagkus, andiyan sila handang
saluhan tayo sa hirap man o ginhawa.
Iyan ang pamilya nananatiling matatag hanggang sa huli. Pamilyang
pinatitibay ang pundasyon sa kabila ng kahirapan. At nagtatagumpay
dahil sa pagtutulungan at pagmamahalan ng bawat isa.

Ang pamilya ang pinakamahalagang pundasyon ng buhay. Kung wala


sila, mas lalong wala ka rin. Ang ating pamilya ay parang daigdig,
sandigan ng buhay, puso at pag-ibig.
Pagsasanay: Gawain 2

Basahin ang isang teksto at gumawa ng sarilingreaksyon


mula rito.
ISA sa mga nagiging daan ng pagkakaroon ng mga bagong
kaibigan, kasintahan, o makakasama sa buhay ang mga
tinatawag na “dating application” o “dating apps” sa
internet. Nagagamit ito sa pamamagitan ng mga computer
pero mas madalas itong buksan sa mga mobile phone ng
mga taong interesado sa mga online dating services.
Mahigit isang dekada nang namamayagpag sa mundo
ng internet ang mga “dating apps” na ito kahit noong bago
pa isinara ang mas popular na Yahoo Messenger kasama
ng mga chatroom nito. Dahil sa mga “dating apps” sa
internet, maaaring magkakilala ang sinuman kahit milya-
milya ang layo nila sa isa’t isa o nagmula sila sa
magkakaibang bansa o lahi. Nabubuo ang mga tinatawag
na online romance.
Sa tawag pa lang na “dating app,” ipinahihiwatig na ang
mahahalatang intensiyon ng maraming gumagamit nito—ang
makatagpo ng manliligaw o maliligawan, maaaring maging
kasintahan, romantikong karelasyon o makakasama sa buhay o
asawa. Hindi basta kaibigan lang. Popular din dito sa Pilipinas
ang mga “dating apps” na ito. Lumabas nga sa isang survey
noong 2021 na 42 porsiyento ng mga Pilipinong sinaklaw nito
ang umamin na gumagamit sila ng isang “dating app”.
philstar.com/pang-masa/punto-mo/2023/10/08/2302102/dating-apps-masama-o-mabuti
pagsusulit
1. Ano ang kahulugan ng reaksyong papel?
A. isang panunuring papel
B. paglalahad ng makatarungan, patas sa mga sitwasyong
may kinalaman sa mga tao, bagay, pook at mga
pangyayari
C. paglalarawan ng isang bagay, tao, pook at pangyayari
D. pagpapabatid ng isang pangyayari
pagsusulit
2. Ilan ang bahagi ng reaksyong papel?
A. dalawa
B. B. tatlo
C. C. apat
D. lima
pagsusulit
3. Ano ang nilalaman ng panimula ng reaksyong papel?
A. nagsasaad ng pangunahing kaisipan
B. mga kaisipang pumupukaw sa interes ng mga
mambabasa
C. maikling pahayag ngunit naglalaman ng mga
detalyadongImpormasyon
D. naglalahad ng mga pansuportang kaisipan
pagsusulit
4. Ano ang nilalaman ng kongklusyon ng reaksyong
papel?
A. naglalaman ng impormasyon ukol sa mga pangunahing
ideya na nasaad sa reksyong papel
B. nakasaad dito ang sariling kaisipan ukol sa mga
pangunahing ideyang papel
C. nailalarawan ang laman ng reaksyong papel
D. nailalahad ang pansuportang ideya ng papel
pagsusulit
5. Ilang pangungusap ang dapat ilagay mula sa orihinal na
papel na pinag-aaralan ang panimula?

A. dalawang pangungusap lamang


B. tatlong pangungusap lamang
C. limang pangungusap lamang
D. tatlo hanggang limang pangungusap
panapos
Ang paggawa ng pinal na awtput ay
napakahalaga sa isang mag-aaral.
Dapat isaalang – alang ang
pagsunod sa mga tagubilin,
hakbangat pormat sa pagsulat ng
reaksyong papel upang kayo ay
magtagumpay..
salamat

You might also like