You are on page 1of 2

MUNGKAHING GAWAIN

PAGSASALAYSAY

Name: ARIOLA,WINNIE S.
Year at Seksyon: BSN 2A

1. Ano ang paksa ng kuwento? Iugnay ito sa mga tunay na pangyayari sa lipunan

Ang paksa ng kwento ay tungkol sa namagitan kay Badong at sa kanyang ita’y , ang
isang pagyayari sakin na nakapagdulot ng kaba at aral ay sa bandang binuksan niya
yung pinto dahil gustong pumasok ng kanyang ama, hindi pa man nagsasalita ang
kanyang Ama ngunit bilang isang mambabasa meron na agad kaming konklusyon sa
kung anong pwedeng mangyari kung ibabase ito sa panimula at pamagat ng kwento.
Maraming kaganapan ang maiuugnay dito tungkol sa pangyayari sa ating lipunan,
minsan natatakot na magbukas ng saloobin ang isang indibidwal, kase isang dahilan
na dyan ay ang panghuhusgang pwede nyang makuha sa lipunan na kanyang
ginagalawan, hindi paman din nagsasalita ito ngunit sari-saring opinion na ang
ibinabato ng mga tao, kung kayat mahalagang makinig at wag magbigay ng sariling
konklusyon sa mga bagay-bagay mahalagang unawain at kilalanin natin ang bawat isa
upang magkaroon tayo ng magandang relasyon sa bawat isa na malayo sa
diskriminasyon at panghuhusga. Makakamit natin ang masayang konklusyon kung
magiging tapat at mabuti tayo sa bawat isa.

2. Paano inilahad ng may-akda ang kuwento, estilo ng pagsisimula, pagbuo ng detalye


at pagwawakas?

Ang may akda ay nagkwento tungkol sa kanyang karanasan, sa kanyang Ama at sa


unang pahayag palang niya ng kanyang kwento nagbigay na siya agad ng sinaryo sa
mga mambabasa, talagang napapatanong talaga ang mambabasa at nagkakaroon na ng
konting ideya sa simula palamang ng salaysay ng may-akda. Maganda ang naging
takbo ng kwento at sa personal kong karanasan kinabahan din talaga ako ng todo
habang ito’y aking binabasa, nakakaaliw ang naging wakas ng kwento at kalaunan
nabigyan linaw din lahat ng mga taong sa isip naming mga mambabasa.

3. Ano-ano ang mga pangyayaring isinalaysay sa kuwento? Ano ang implikasyon nito
sa lipunan?

Dito sa tanong na ito bibigyan ko ng pansin ang pangwakas na pangyayari na kung


saan umamin ang Itay nito sa kanya na siya ay bakla napakasayang mabasa ang
naging reaksyon ng anak sa kanyang ama na kung saan siya ay nagalak at pinuri ang
galing ng kanyang ama. Sa lipunan na ating ginagalawan ngayon aminin na natin na
hindi ganon ka buo ang pagtanggap nila sa mga parte ng LGBT community minsan
nababawasan ang kanilang respeto sa mga ito, ngunit atin sanang isipin na sila ay tao
din at may nararamdaman, imbes na ipako natin ang ating mga mata sa kung ano
talaga sila, buksan sana natin ang ating puso sa pagtanggap na dapat nilang matamasa,
sa kanilang pagpapakatotoo.
4. Maayos ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? Patunayan at ibigay ang
mga dahilan.

Para saakin oo, maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Kasi
kung sa unang parte ng kwento linagay ng awtor ang pag-amin ng itay, wala ng
pananabik ang mga mambabasang basahin ito. Ang pagkaka-ayos ng kwento ay
talgang tugma sa pangyayari at nakapagbigay ng aliw sa mga mambabasa nito.

5. Paano winakasan ang kwento? May aral ka bang nakuha mula rito?

Winakasan ang kwento sa nakakaaliw na paraan, nabigyan linaw lahat ng aking


katanungan at talagang naaliw ako. Ang napulot kong aral sa kwentong ito ay ang
pagiging totoo, magpakatotoo ka lang at matatanggap at matatanggap ka ng mga
taong tunay na nagmamahal sayo.

You might also like