You are on page 1of 2

DISKURSONG PASALAYSAY

Ang diskorsal ay ang sangkap na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita na palawakin ang


kaniyang mensahe upang mabigyan ng wastong interpretasyon ang salita, mas maunawaan ang
salita, at maipahayag ang mas malalim na kahulugan nito.

Ang pagsasalaysay naman ay isang diskursong naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.


Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing itong
pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing
pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat at epiko, at mga
kuwentong-bayan ng mga ninunong Pilipino maging sa ibang bansa man.

Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay. Kailangang
ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga ring napapanahon ito at may dalang lugod
at kabutihan sa mga mambabasa.

Mga Bahagi ng Pagsasalaysay

1. Simula
2. Tunggalian
a. Tauhan laban sa ibang tauhan sa kuwento
b. Tauhan laban sa sarili
c. Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan
3. Kasukdulan – ito ang kapana-panabik na bahagi ng isang kuwento.
4. Kakalasan – ito ang nagbibigay-linaw sa mga tanong na nagpanabik sa mga mambabasa sa
bahaging kasukdulan.
5. Wakas – kahihinatnan ng mga tunggalian sa kuwento. Dito rin ipinahahayag ang mahalagang
kaisipan o mensahe sa kuwento.

Opinyon - pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero maaaring pasubalian
ng iba. Ito ay batay sa paniniwala o kaalaman ng isang tao tungkol sa isang ideya, isyu, paksa o
kuwento na kaniyang nasuri. Ang pagbibigay ng opinyon ay hindi nangangahulugang
pagpapahayag ng isang tamang solusyon o sagot sa isang bagay. Ito ay maaaring magkakatulad
at maaari ring magkakasalungat depende sa pagkakaunawa, paniniwala o kaalaman hinggil sa
isang isyu, paksa o kuwento.

Ang komiks ay isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga salita at larawan
na siyang nagsasalaysay sa diwa ng kuwento. Sa Pilipinas, sinasabing si Dr. Jose Rizal ang
kauna-unahang Pilipinong sumulat ng komiks na pinamagatan niyang, “Pagong at Matsing.”

Mga Bahagi ng Komiks

1. Kuwadro – naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame)

2. Kahon ng salaysay – pinagsusulatan ng maikling salaysay

3. Pamagat ng kuwento

4. Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento

5. Lobo ng usapan – pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may iba’t ibang anyo ito batay
sa inilalarawan ng dibuhista.
Sa Bus Stop Ni Alona A. Tecson

Ikaanim ng umaga habang ako ay papunta sa paaralan, sumakay ako sa bus. Matagal
ang aking biyahe dahil malayo ang bahay ko sa aming paaralan at kasagsagan din ng
trapik sa mga oras na iyon. Humanap ako ng bakanteng upuan, komportableng naupo
at nagbasa ng libro habang nasa biyahe. Punuan ang bus sa ganoong oras. Sa paghinto
nito sa pangalawang bus stop ay may isang matandang babaeng sumakay kahit puno
na. Ako ay naawa sa matanda kaya ibinigay ko ang aking upuan sa kaniya. Pero kahit
ako ay nakatayo, itinuloy ko pa rin ang pagbabasa ng libro.

Maya-maya pa ay biglang may kumalabit sa aking kamay na may hawak na libro at


aking nakita ang matandang nakangiti habang iniaabot ang isang pirasong mani,
kinuha ko iyon at nagpasalamat sa kaniya. Ibinaling kong muli ang aking atensyon sa
librong aking hawak-hawak at ako’y nagpatuloy sa aking pagbabasa. Sa pangalawang
pagkakataon ay kinalabit na naman ako ng matanda para iabot ang isang kapirasong
mani, at muli ko itong tinanggap at nagpasalamat. Naisip ko, masarap din palang
ngumuya ng mani habang nagbabasa ng libro sa loob ng bus. Paulit-ulit ang paisa-isang
abot ng mani sa akin ng matanda. Ang nakapagtataka lamang ay wala naman akong
nakikitang supot ng mani na hawak niya, pero isinantabi ko na lamang ang isiping ito
at patuloy na nagbasa.

Siguro ay nasa isang dosenang mani na ang nakakain ko nang umabot na sa bababaan
ng matanda ang bus. Itinigil ko ang aking pagbabasa at nakita kong bago tumayo ang
matanda ay dumukot siya sa kaniyang… pero sa kaniyang pagkapa ay hindi na mani
ang dinukot niya. Iniabot niya sa akin ang isang pakete ng chocolate coated peanuts na
walang laman.

“Iho, pakitapon naman ito sa basurahan at ubos na. Salamat at ‘di nasayang ang mani.
Wala akong pustiso ngayon kaya ang tsokolate lang ang kinakain ko”, wika ng matanda,
sabay tayo at naglakad pababa ng bus.

Ano ang iyong masasabi sa kuwentong ito? Ikaw ba ay natawa? Ikaw ba ay may
natutuhan? Ang kuwentong ito ay hango sa isang totoong pangyayaring kapag iyong
inisip na mangyayari sa iyo ay mapapatawa ka na lang. Ngayon naman ay iyong sagutin
ang mga katanungang may kinalaman sa kuwentong iyong binasa.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa hiwalay na papel.

1. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit?

2. Aling bahagi ng kuwento ang nagpapakita ng pagiging matulungin ng mga Pilipino?


Bigyang patunay.

3. Ilarawan ang tagpuan ng mga pangyayari sa akda.

4. Kung ikaw ang binata sa kuwento, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa para sa
isang matandang babae? Ipaliwanag.

5. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang akdang pampanitikan?

You might also like