You are on page 1of 12

TEKSTONG AKADEMIKO :

Babasahin na tumatalakay sa iba’t ibang larangan o disiplina.

Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Akademiko

* EKSPOSITORI – Ang tekstong ito ay naglalayong maglahad o magbigay ng


impormasyon, kabatiran at kapaliwanagan sa Bagay-bagay at pangyayari ayon sa
hinihingi ng panahon at pagkakataon.

*ARGUMENTATIB-Tekstong naglalayong maglahad ng mga simulain o proposisyon


upang mapangatuwiran ang nais iparating na kaalaman sa mga mambabasa.

DESKRIPTIB Naglalayon naman itong magpakita o maglarawan ng mga bagay-bagay


at pangyayari batay sa nakita, naranasan o nasaksihan.

*PERSWEYSIB- Tekstong ang layunin ay maghikayat at papaniwalain ang mga


bumabasa nito.

Aral sa Paksa

Kahalagahan ng Pagbabasa

1.Pangkaalaman/karunungan

2.Pang moral

3. Pang kasiyahan

4. Pangkasaysayan

5. Pangkapakinabangan

6. Pang Paglalakabay-Diwa

Aral sa Paksa:

Hindi lamang ang linaw ng paningin ang kailangan ng Pagbasa, kundi dapat ilakip ang
lalim ng iyong taenga

Ang Teoryang Interaktibo

*Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito.


Ginagamit ng mamababasa ng kanyang kaalaman sa wika.

Limang (5) Antas ng Pagbasa

1.Pagunawang Literal
2.Pagbibigay Interpretasyon

3.Kritikal na Pagbasa

4.Paglalapat/Applikasyon

. 5Pagpapahalaga

I.PAKSA: TEKSTONG ARGUMENTATIB

II.LAYUNIN

Matapos ang aralin,inaasahan ang taga ulat na:

•naiisa-isa ang mga katangian ng tekstong argumentatibo;

•natatalakay ang mga estratihiya ng mabisang argumento;

•nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mabisang argumento mula sa clipping ng mga


artikulo,lathalain at iba pa.

nakagagawa ng sariling obserbasyon kaugnay ng binasang tekstong argumentatibo ;

Nakakabuo ng isang advocacy page sa isang social media site tungkol sa


paniniwalaang isyu;at

Nakapaglalatag ng mahahalagang argumento tungkol sa isang isyu at maisasaayos


ang mga argumento sa lohikal ,masinop at makabuluhang paraan.

ARGUMENTATIB

-ay isang anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at


matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang mahikayat o maengganyo ng
mambabasa o taga pakinig

-Ang argumentatibo pagmamatuwid ang mapapansing nasa dakong huli


ng mga uri ng diskors.

May konkretong dahilan ito sa pag-aaral sa kadahilanang hindi magkakaroon ng


sapat,malinaw at mabisang argumento(lalo pa at pasulat)kung wala namang matibay na
kaalaman at kakayahan sa mga naunang paraan ng
pagpapahayag,pasasalaysay/naratib,pagla-larawan/deskriptib at maging
paglalahad/ekspositori.

-Patulang debate ng dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang paksa.


•propaganda

•sanaysay

•at patalastas

Ang pag-ibig ay hindi basta bastang dumarating sa ating buhay ,hindi rin ito basta-
bastang hiningi kundi dumarating ito sa isang di inaasahang pagkakataon at kung
minsan pa’y di natin inaakala na ang mismong kaharap na natin ay ang matagal tagal
na nating pinakaaasam na pag-ibig.

Mabigat,mahirap ngunit kapag alam na nating tayo ay tapat at


seryoso,masasabi nating masarap ang magmahal at ang mahalin.May mga
pagkakataon sa ating buhay na naranasan na nating magmahal at masaktan kapag
tayo ay “inlove” sa isang tao.Minsan pa nga’y kapag masyado tayong nasaktan o
naheartbroken ay halos isumpa na natin mismo ang taong nanakit sa atin.Ngunit lagi
nating tandaan na kapag dumating ang panahong maranasan natin ang bagay na
iyon,ito ay para sa ikabubuti natin,plano ng diyos dahil alam niya kung sino talaga ang
nararapat sa pagmamahal na ibinibigay natin.

Madaling malaman kapag ang isang tao ay “inlove”,andiyan ‘yong hindi ka


makakatulog tuwing gabi dahil sa kakaisip o baka naman kasi katext mo siya.Iyong
pakiramdam na nababanggit mo yong pangalan niya kahit di mo naman siya kasama o
kausap ,napapangiti ka ng walang dahilan kaya minsan napagkakamalam ka ng baliw
o wala sa katinuan,’yong pakiramdam na abot hanggang tainga ang ngiti mo kapag
nababasa mo yong pangalan niya sa inbox mo at syempre ‘yong pakiramdam na
nagkakatinginan kayo sa isa’t-isa,kunwari ka pang lilihis ng tingin pero maya-maya ay
sumusulyap ka ulit.Totoong masarap ang mainlove sa isang tao lalo na kung alam mo
na may pagtingin din siya sayo,sabi nga ng iba “cloud 9” dahill pakiramdam mo daw ay
nasa langit ka , ngunit sa kabilang banda ,mabigat ang kapalit nito kapag tayo naman
ay nasaktan.Iba-iba kasi ang ugali ng tao,may mga taong grabe kung magmahal,’yong
tipong sa iisang tao lang umiikot ang mundo,mayroon

din naman na ginagawa lang laro ang pagmamahal at mayroon din namang
seryosohan at ginagawa lang inspirasyon ang pagmamahal.Sabi nila,mas matindi
daw mainlove ang mga lalaki kaysa sa mga babae .Ang mga babae kasi pag inlove ay
halos tumalon na sa sobrang kilig,hampas ng katabi at “pabebe effect” o parang
sanggol kung umarte samantalang ang mga lalaki naman daw ay tahimik lang pero
grabe kung mainlove,tuwang tuwa daw kasi sila kaso ayaw nilang ipahalata baka daw
kasi kung ano ang isipin ng iba kung magsisitalon din sila .Ang pagkakaroon ng
boyfriend /girlfriend ay hindi naman masama basta’t alam natin ang limitasyon ng isa’t-
isa.Sapat na ang isa hanggang dalawang pagkikita sa isang linggo kung maaari at
dapat kayo ay “legal” sa inyong mga magulang .Lahat ng ito’y nagsisimula sa pagiging
inlove natin sa isang tao ,’yong tipong nagpapapansin tayo sa kanila kahit di man lang
nila tayo napapansin halimbawa na lang diyan iyong dadaan ka.

sa harap nila pero wala namang nangyayari,nagpapaimpress kahit di naman sila


naiimpress,at minsan dahil baliktad na ang mundo,babae na mismo ang lumalapit sa
lalaki.

Hindi naman masama ang mainlove,sa katunayan pa nga,kapag tayo ay


inlove ay mas lalo tayong nagiging blooming at naiinspired gumawa ng mga
magagandang bagay.Lagi lang nating tandaaan na lahat ng bagay ay may
limitasyon.Pagdating sa pagmamahal dapat tanggap niyo ang isa’t-isa,kung anumang
pangit sa kanya ay dapat tanggap mo kung totoong mahal mo siya.Sa pag-ibig di
mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan .Mas matimbang ang karanasan kaysa
sa sakit na pinagdaanan.Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang
pagsumbat sa kasalanan.Bago tayo pumasok sa isang relasyon,isipin muna natin ng
maigi para sa huli,walang pagsisising magaganap.

MGA BAHAGI NG ARGUMENTATIB NA KOMPOSISYON

SIMULA

Mahalagang makuha ng manunulat ang atensiyon at damdamin nila .

GITNA

Magsisilbing dahilan ng mambabasa upang manatiling tapat sila sa iyo


matapos ng mabisang simula,at kung papalarin ay nakatutok pa rin sila sa bawat
mensaheng iyong ipinararating hanggang sa iyong mabisang pagwawakas.

Ang bawat katwiran ay kailangan ding masuportahan ng mga ebidensiya,datos o


Istatistikang pahayag ng mga awtoridad o di kaya’y mga kolaboratib na pahayag mula
sa mga aklat,sa magasin,diyaryo at iba pang babasahin.

Ang bawat katwiran ay kailangan ding masuportahan ng mga ebidensiya,datos o


Istatistikang pahayag ng mga awtoridad o di kaya’y mga kolaboratib na pahayag mula
sa mga aklat,sa magasin,diyaryo at iba pang babasahin.

WAKAS

Ang huling suntok kumbaga sa boksing na makapagbabagsak sa kalaban


o ang huling banat.Ang ibig nitong sabihin ay sa huli ng pagbabasa sa isang teksto at
sa mabisang paghikayat sa mambabasa.Ito na ang tuluyang pagpapanig ng
mambabasa sa teksto.
MGA SANGKAP SA MABUTING PANGANGATWIRAN AT PANGHIHIKAYAT

1).SAPAT NA KATIBAYAN

Matibay ang panghihikayat kung may sapat na mga patunay at katibayan o


ebidensiya.

2) .PAGSANG-AYON SA OPINYON O KURO-KURO NG PAHAM SA BAGAY NA


PINAGMAMATUWID

Nagiging madali at matatag ang panghihikayat kapag at pagpapaniwala kung


nagbibigay ng opinyon mula sa kilalang awtoridad sa lawak ng paksang
ipinagmamatuwid.

TIYAK NA PANGANGATWIRAN

Hindi dapat ang maligoy at paulit-ulit na pagbibigay-matuwid

KATANGIAN NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO

1).Nailalahad at naipapaliwanag ang isyu.

2).Nakabibigay ng rason at sinusuportahan ang mga ito upang mapatunayan

Istratehiya ng mabisang ARGUMENTO

Dalawang bagay na dapat isaalang alang para maging matagumpay ang


argumentasyon;

1).Matibay na Paniniwala

Ang kaisipang ito ay nagmumula sa pagkakaroon ng isang tao ng malinaw na


pag iisip na maipapamalas niya sa pagbuo ng mahusay na argumento upang magawa
niyang umapila sa isipan ng tao.

Mahatak na Panghihikayat

Ang kaisipang ito ay nakatuon sa damdamin ng manunulat sa kanyang


pinaninindigang argumento sa kanya namang maipapamalas sa kanyang argumento
upang mapukaw ang damdamin ng mambabasa.

MGA KATANGIAN NG ISANG MABUTING NANGANGATWIRAN O


NANGHIHIKAYAT

Ang nangangatwiran o nanghihikayat ay dapat mataglay ng


sumusunod na mga katangian:
1.may lubos na kaalaman sa paksa

2.May malinaw na talasalitaan o bokabularyo

3.May malinaw na pananalita

4.Maayos maghanay ng kaisipan

5.May tiwala sa sarili

6.Mahinahon

7.Mabilis magisip o talas ng isip

8.Nakakaunawa at gumagalang sa katwiran ng iba

9.Tapat at marunong kumilala ng katotohanan

10.Mapagkumbaba at tumatanggap ng kamalian at itinutuwid ito

III .MGA KAUGNAY NA LITERATURA

PAGSULAT

•Isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit ,talasalitaan


,pagbubuo ng kaisipang retorika at iba pang mga elemento.

•Kaugnay nito ang pakikinig,pagsasalita at pagbasa.

Ayon kay (xing at jim 1989)

-Komprehensib ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayan pang-


wika,inaasahang masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntuning kaugnay
nito.

1. PANGANGATWIRANG PABUOD

(inductive reasoning)

Nagsisimula sa maliit na totohanan o nagwawakas sa isang panlahat na simulain


o isang paglalahat.

TATLONG PARAAN NG PANGANGATWIRANG PABUOD

a.Pangangatwirang Gumagamit ng Pagtutulad

Dito inilalahad ang magkatulad na katangiang sinusuri at kinakatas ang


isang katotohanan..ang paglalahat na nabubuo sa ganitong uri ng pangangatwiran ay
masasabi ng pansamantala lamang at madaling mapabulaanan sapagkat maaaring
magkatulad ang paghahambing sa isang katangian lamang at magkaiba sila sa
maraming katangian.

Hal.

Kukuha si Jasmin ng kursong Computer Science sapagkat ang kanyang matalik


na kaibigan ay kukuha ng Computer Science.

b.Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi

Ang pangangatwiran sa ganitong paraan ay nanghahawakan sa paniniwalang


kaya nagaganap ang isang pangyayari ay dahil sa sanhi.

Hal.

Hindi napasama ang pangalan ni Jasmin sa talaan ng kukuha ng Computer


Science dahil nahuli siya sa itinakdang araw ng pagpapatala..

c.Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay.

Ang nagmamatuwid ay nanghahawakan sa mga patunay at mga ebidensiya o


katibayan.

Hal.

Nawala ang isang piraso ngmamahaling tela sa isang tindahan ng mga tela at
damit sa Quiapo. Isang tagapag tinda o saleslady ang hindi pumasok sa trabaho ng
matuklasan ang pagkawala ng mga tela. Pinaghinalaan siya ng may-ari. Tumawag ng
mga pulis. Natagpuan sa kanyang bahay ang nawawalang tela. Isinakdal siya sa salang
pagnanakaw.

PANGANGATWIRANG PASAKLAW

(Deductive reasoning)

Ang ganitong pangangatwiran ay bumubuo ng isang pang-unang batayan,


isang pangalawang batayan, isang konklusyong tinatawag na silohismo. Ang isang
silohismo ay isang payak na balangkas ng pangangatwiran.

Halimbawa:

Ang lahat ng kahoy ay nasusunog

Ang Nara ay kahoy.

Samakatwid, ang Nara ay nasusunog.


APAT NA KOMPONENT NG ARGUMENTO PARA SA LAYUNING MAKAHIKAYAT

Kahilingan( claim) o pahayag na inihahaing ipatanggap o ipapaniwala. Sinasagot ang


tanong na “Ano ang nais nitong patunayan?” o “Ano ang ipinapapaniwala nito sa akin?”

2.)Ebidensiya o patunay na magbibigay datos,suporta,o batayan para tanggapin ang


kahilingan.Ang ebidensiya ay maaaring tuwirang obserbasyon,datos,

eksperimento,dokumento,at testimonyo na tumutukoy upang mapanghawakan


ang kahilingan.

Imperensiya na mag-uugnay para tunay na suportahan ng ebidensiya ang katotohanan


ng kahilingan.Para itong tulay na nagdurugtong sa ebidensiya at kahilingan.Ang mga
imperensiya ang nagbibigay-katwiran sa mga mabilisang pagbubuo buhat sa mga
ebidensiya tungo sa kahilingan.

4).Konteksto na siyang higit na masaklaw na pagpapahalaga na siyang salik ng buong


argumento o pangangatwiran .Hindi ito tuwirang ipinahahayag at kung minsan nga’y di
nababatid ng mga nagmamatuwid.Subalit naroon lagi ang pinanghahawakang
paniniwala kaugnay ng pangangatwiran o argumento.

MGA URI NG TEKSTO

•Informatib

•Naratib

•Ekspositori

•Leksikal

•Deskriptib

•Argumentatib

IV.ARAL NG PAKSA:

“ANG TAONG MAY TAMANG PINAGLALABAN,UTAK ANG PUHUNAN”


TEKSTONG DESKRIPTIV

Nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng


isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga
tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.

LAYUNIN

1. Natatalakay ang iba’t ibang paraan at uri ng paglalarawan:

2. Nakikilala at masuri ang mga halimbawa ng tekstong paglalarawan;

3. Nakapipili ng angkop na mga salitang naglalarawan.

HAKBANG SA PAGLALARAWAN

A. pandama: paningin, panlasa, pang-amoy, pandinig, at pansalat

B. Isang midyum: litrato, pintura, iskultura, pelikula, awitin, sayaw, atbp.

C. Imahinasyon o isipang mapanlikha

SALIK AT ELEMENTO

•Paggamit ng wika

• Ang pagiging organisado ng paglalarawan

• Ang mga ginagamit na detalye

• Ang pananaw o ang punto de vista

• Ang naiiwang impresyon o kakintalan

3 PARAAN NG PAGLALARAWAN

1. Batay sa pandama:

Pandinig

Paningin

Panalat

Pang-amoy

Panlasa
. Batay sa nararamdaman

batay sa obserbasyon

HALIMBAWA NG MGA SULATING GUMAGAMIT NG TEKSTONG DESKRIPTIBO:\

Mga akdang pampnitikan

Talaarawan

Talambuhay

Suri ng basa

Sanaysay

Rebyu ng pelikula o palabas

MGA URI NG PAGLALARAWAN

Karaniwan o Konretong Paglalarawan

-hindi ito naglalarawan ng saloobin at ideya ng paglalarawan.

Hal.

Ang silid ay maliit , maayos , yari sa kahoy at may maliit na bintana.

Masining o Abstraktong Paglalarawan

- pukawin ang guni-guni at damdamin ng mambabasa

Teknikal na paglalarawan

- pangunahing layunin ng siyensya ang dapat mailarawan nang akma ang


anumang dapat at kailangan ng malaman tungkol sa mundo at kalawakan.

TEKSTONG IMPORMATIBO

LAYUNIN

Naipapaliwanag ang mga katangian ng tekstong Impormatibo at ang ikinaiba nito sa


ibang uri.

Natutukoy ang mga uri ng tekstong impormatibo.

Naiisa-isa ang mga katangian ng tekstong impormatibo.


Natutukoy ang mga katangiang ikinaiba ng tekstong impormatibo sa ibang uri ng teksto.

Nakabubuo ng impomatibong patalastas o makapagsasagawa ng panel discussion sa


napiling paksa.

Ano ang Tekstong InformaL

Ito ay naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa maraming bagay na


pinagbabatayan. Nakabatay ang pagkilala sa tiyak na kakanyaan ng isang teksto na
nilalaman nito layon ng sumulat at paraan ng pagsulat.

Halimbawa: Editorial

TEKSTONG EXPOSITORI

Nagpapaliwanag

Naglalahad ng kaalaman

Paglilinaw

Pagtugon sa pangangailangan ng mambabasa.

APAT NA BAHAGI NG TEKSTONG INFORMATIV

Pamagat

Panimula (Panimulang Pangungusap)

Katawan (Kabuuang nilalaman ng tekstong)

Pangwakas

Mga katangian ng Tekstong Impormatibo

Obhetibo ang pagtalakay sa paksa.

Sapat na mga kaalamang ilalahad.

Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideya.

Analitiko ang pagsusuri ng mga kaisipan at datos.

Ang mga Hulwarang Organisasyon ng tekstong Ekspositori

A. Depenisyon- ito ay may layuning ipaliwanag o bigyan ng kahulugan ng isang termino


o parirala.

2 uri ng pakahulugan:
Intensibong pakahulugan-Maaaring ibigay ang kasingkahulugan o sinonimo ng salita o
kaya ay pagbibigay ng uri na kinabibilangan ng salita at katangiang ikinaiba nito sa iba.

Ektensibong pakahulugan - pinapalawak dito ang kahulugang ibinigay sa intensibong


pakahulugan sa paraang patalata

Paghahambing - may layuning ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang


bagay, tao, pangyayari o ideya.(mga panandang salita: samantalang, at, habang,
ngunit, subalit, sa kabila ng, kahit na, sa kabaliktaran, sa kabilang banda at iba pa)

Enumerasyon o Pag-iisa-isa-ang hulwarang ito ay maaaring maglahad ng mga


halimbawa na nabibilang sa isang uri o klasipikasyon. May 2 Uri ito: simple at
kumplikadong pag-iisa-isa.
Sanhi at Bunga-nagpapakita ito ng mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at
ang kaugnay na epekto nito.(mga salitang maaaring gamitin: sa dahilang/kadahilanan,
dahil, kung kaya, upang, at iba pa).

Kahinaan at kalakasan-inilalahad dito ang positibo at negatibong posibilidad kaugnay


ng isang sitwasyon o pangyayari. (mga salitang maaaring gamitin: gayunpaman, sa
kabilang banda, ang mga kahinaan, mga negatibong dulot, mga positibong dulot, dahil
sa, bunga ng at iba pa)

Pagkakasunud-sunod o order-nagpapakita ito ng serye ng mga pangyayari na maaaring


humantong sa isang konklusyon o pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Maaari din
ang hakbangin o proseso. (mga salitang gagamitin:una, pangalawa. . ., matapos,
habang, sumunod, ang susunod na, sa ngayon at iba pa).

URI NG PAGKAKASUNUD-SUNOD

Sikwensyal-kronolohikal

Prosidyural

G. Problema at Solusyon - paglalahad ito ng mga suliranin at paglalapat ng kaukulang


solusyon

You might also like