You are on page 1of 1

1.

Ang tula ay maituturing na isang malayang taludturan dahil ito ay hindi sumusunod sa tamang
bilang ng pantig, wala itong sukat at tugmo o sintunog. Sa madaling salita ang tulang ito ay
walang sinusunod na patakaran subalit ito ay gumagamit ng mga pahayag na matatalinhaga at
nananatili and karikitan nito.
2. Puno ng hinanakit at galit ang mga binibitiwang pahayag ng may akda. Ang matinding emosyong
galit ay makikita at madadama sa pahuling pahayag na winika ng makata.
3. .
a. May nagawa ng matinding kasamaan kaya maaari na siyang maghari dito
b. Wala ng konsepto ng bigayan at damayan ang mga tao
c. Na ang dating bahay panalanginan ay ginawa ng tambayan
d. Nagkalat na ang masasamang gawi sa mundo

1. Ang Juan ay naging bansag na sa ating mga Pilipino ngunit sa tula ang particular na tinutukoy na
juan ay ang mga taong hindi totoo, mga taong plastic kung ituring sa ating henerasyon
2. Sinasabi na may trono na sa impyerno dahil may nagawa ng masama ang tinutukoy na tao at
trono naman dahil sa bigat ng timbang ng nagawa na nitong kasalanan ay maaari na itong
maging hari ng kasamaan lalo na at siya ang nagdudulot nito.
3. Praktikal sa masamang paraan at nagdudulot ng kasamaan sa kapwa kaya hindi dapat ito
kalugdan at sakyan lalo na kung may taong naaarubyado at nasasaktan. Pwedeng maging
praktikal basta alam ang hangganan at basta walang naaapakan na kapwa Juan
4. Ang mga Juan na tinutukoy sa tula ay ang mga taong mapanggap at gahaman. Mga
nagpapanggap na Mabuti para sa sariling kapakanan. Mga taong ginagawa ang lahat para sa
ikagaganda ng sariling kapakanan. Mga taong walang naidudulot na maganda sa mga tao at
mismong sa lipunan.
5. Lahat isip ng tao ay mapupuno na ng kasamaan. Ang mga mabuting gawi ay unti unti ng
malilimutan. Gagawin ang lahat para sa sarili lamang kahit na may masaktan na iba at
maapakan.
6. Ang maitutulong ng isang mag aaral na gaya ko ay ang maging totoo sa sarili ko. Gawing bukal
ang loob sa pagtulong sa mga tao. Imulat ang pamilya at kaibigan sa mga mabuting pag uugali ng
isang tunay na tao, na may puso at isipan na busilak ang hangarin sa mundo.
7. Dahil ang isang tao na mapagkunwari ay may dalawang mukha. Isang tunay at isang pakitang tao
lang para makuha ang gusto. Tulad ng plastic na naimbento lamang, dati naman ang mga
kagamitan ay gawa sa mga salamin at metal tulad ng baso at kutsara hanggang sa magkaroon
sila panibagong mukha. Ang plastic na hindi matibay at hindi totoo. Maihahambing din ang mga
taong mapagkunwari sa isang maskara dahil kagaya nito naitatago nila ang tunay na likod nito
dahil ang tangi nating nakikita ay ang mapanlinlang na nasa ating harapan.
8. Pinahihiwatig ng pamagat na may mga tao ng hindi totoo o mapagkunwari sa mundo, na dapat
tayong mamulat na hindi na lahat ng tao ay too, hindi na lahat ay Mabuti ang hangarin sayo at
may mga tao ng nagpapanggap para lang makuha ang kanilang mga gusto.

You might also like