You are on page 1of 3

Name: Ester Joy M.

Bergavera

Tec208 10:00 - 11:00 am

Banghay Aralin sa Filipino

I. Layunin
Sa pamamagitan ng mga pagsasanay ang mga mag-aaral na may 80% sa ikatlong
taon ay inaasahang:
A. Nakatutukoy ang tema ng maikling katha
B. Nasusuri ang maikling kwento
C. Natutukoy ang temang kwento
D. Nakakasuri ang mga dahilan ng pagkilos o paggalaw ng tauhan at pangyayari sa
kwento
E. Naibibigay ang sariling damdamin o saloobin tungkol sa kwento
F. Nakalalahok sa talakayan na isinasaalang-alang ang prosesong kognitibo sa
pagbabas ng panitikan
G. Naibabahagi ang sariling karanasan sa mga kaisipang ibinigay mula sa kwento
H. Nagagawa ang isang poster na nagpapakita at naglalarawan sa kaisipan na nais
ipahayag ng may akda sa kanyang kwento

II. Paksang Aralin


Paksa: "Tata Selo"
Ni Regelio Sikat
Hindi masyadong mabilis na kumalat ang usapan tungkol sa pagpatay ni Tata
Selo kay Kabesa, ito'y hindi masyadong napag usapan ng mga tao at karamihan ng
hindi naniwala na nagawa niya ito dahil halos lahat ng tao sa kanila ay kilala siya
bilang isang mabait na tao. Siya ay kinausap ng Presidente habang siya ay nasa likod
ng rehas, at tinanong kung bakit niya nagawa ito. Palaging sagot ni Tata Selo na
tinungkod siya ni Kabesa nang sinubukan niyang makiusap na huwag siyang
tanggalin sa pagsasaka dahil ito lamang ang ikinabubuhay sa kanyang pamilya. Sabi
ng binatang anak na pinakamayamang propitaryo sa San Roque na hindi yun sapat na
makatwiran, paliwanag niya hindi siya nauunawaan ng mga tao, kung ano ang rason
kung bakit niya nagawa ang nasabing kkrimen. May isang lalaking lumapit sa kanya
at tinanong kung paano na ang kanyang anask na si Saling na naninilbihan sa mga
Kabesa. Ayaw niyang masali ang anak sa nangyari dahil ayon sa kanya may sakit si

Saling at mas makabubuti sa kanya ang magpahinga at mapalayo sa kahapamakan.


Matapos ang buong araw ng pagsusuri, habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa
labas, habang siya ay nakahandusay sa sahig, sinabi ni Tata Selo na lahat ay kinuha na
sa kanila wala ng natira sa kanila. Bukod kasi na nasa bilanguan na siya nawalan pa
sila ng ikinabubuhay at may masakit pa ang kanyang anak.

III. Pamamaraan.
1. Pagganyak
Ang bawat isa ay bibigyan ng tig-iisang kopya ng isang balita sa pahayagan
tungkol sa CARP sa pagkakaloob ng lupa sa mga mmagsasaka.
2. Paglalahad
Sa loob ng klase ay tatalakayin ang tema nng kwento at sa mga isyu. Sosyopolitikal sa nakapaloob sa akda.
3. Pagbibigay ng pagganyak na tanong mga bagay na tanong:
1.bakit ganun ang pamagat ng kwento?
2. Interesado ba kayong malaman ang kwento?
4. Pag-alis ng Sabagal
Ipangkat ang mga klase gaya ng kanilang dating pangkatan sila ay bibigyan ng
papel na may salitang hahanapin ang kahulugan. Hanapin ito mula sa ibinigay na mga
salitang hahanapin.
1. Istaked
2. Kutod
3. Propitaryo
4. Nangungulintab
5. Tinungkod
6. Mangudngod
7. Kinadyot
5. Pagtatalakay
Pagkatapos ay pagtatalakay hinngil sa mga pangyayari sa kwento mga di
tuwirang pahayagan na kaisipan at pagkilala ng mga tauhan sa kwento kilalanin at
inuugnay sa sarili, sa mga tauhan ng akda.

6. Pagpapahalaga/pagpapalawak
1. Anu-anong mga kaisipan at pagpapahalaga ang nakita natin sa akda gaya ng:

a. Mahalaga sa isang tao ang dangal


b. Pilit na hahanapin ang katarungan
2. Ano sa palagay niyo ang maaaring susunod na mangyari?

IV. Ebalwasyon
Batay samga kkaisipang inilalahad sa akda at ayon narin sa iyong pansariling
karanasan,sumulat ng talata tungkol sa alinman sa mga sumusunod na paksa. Pumili
ng dalawang paksa:
1. Di lahat ng nabibilanggo ay kriminal
2. Ang ugnayan ng magsasaka at may ari ng lupa
3. Mga suliraning sosyo-politikal
4. Mahalaga sa isang tao ang dangal

V. Takdng Aralin
Sa isang bond paper, gumawa ng poster na napapaloob ang kaisipan o diwang nais
ipahayag ng may akda.
Gawing kawili wili at maging malikhain sa pagguhit nito.lagyan ng
pagpapaliwanag ang iyong nabuong kaisipan batay sa larawan na ipinakita

You might also like