You are on page 1of 3

#SPOKENWORDPOETRY

Itong tula na ‘to, kakasulat ko pa, Fresh pa.


Kasi yung sugat fresh pa.
Sana magustuhan niyo, ang pamagat ng tulang ito ay “Mahal kita noon, hanggang
ngayon.”

Mahal kita NOON, hanggang NGAYON

Uumpisahan ko itong tula na to sa salitang, “MAHAL”


MAHAL. Ito ang palagi kong naririnig mula sa iyong mga bibig.
MAHAL. Ito din ang ating naging tawagan
Ngunit alam mo ba yung feeling na sasabihin niya na mahal ka niya pero hindi naman
niya ipadadama?
Masakit diba? Masakit na masakit.
Palagi ko nga tinatanong sa aking sarili, “MAHAL NIYA BA AKO? O AKO’Y KANIYA
LANG NILALARO?”

MAHAL. Ito ang salitang sa tuwing iyong sinasabi, aking pinapaniwalaan


Kahit na alam kong may iba ka ng minamahal
Kahit na sa aki’y ikaw na ay nagsawa.
Naniwala ako.
Naniwala ako sa mga sinabi mong mahal mo ako.
Na ika’y para sa akin, ako’y para sa’yo at hindi ka magbabago
Naniwala ako.
Naniwala ako sa mga pangako mong gagawin mo lahat para sa akin at mamahalin mo
ako higit pa sa sarili mo
Naniwala ako.
Naniwala ako na hindi ka magsasawa at hindi mo ako ipagpapalit sa iba.
Naniwala ako.
Naniwala ako sa sinabi mo na ako lang ang mahal mo.
Pero sa huli, ako’y iyo paring iniwan at niloko.

Nasaan na?
Nasaan na ang mga pangako mo? Iyo'y di tinupad
Totoo nga ang sinasabi nila, WALANG FOREVER
Naalala ko pa noong sinasabi mo sa akin na “Mag-iingat ka”, at “MAHAL KITA
WALANG IBA”
Pero lahat pala ng mga yan, pawang mga kasinungalingan lamang.

Minahal naman kita sa paraang kaya ko.


Nagpupuyat ako. Ikaw lang ang tinetext at tinatawagan.
Iniiuna kita kaysa sa mga assignments ko at minsan hindi na ako nakakalabas dahil ang
higpit mo.
Pero bakit ako’y iyo pa ring niloko?

Ipinagpalit mo ako sa iba


Saan ba ako nagkulang?
Pakisabi nga. Mag-aadjust ako.
Alam ko namang pangit ako pero minahal naman kita ng totoo.
Hindi pa rin ba yan sapat?
Pakisabi nga ang iyong rason kung bakit mo ako ipinagpalit kasi ako'y nagmumukha ng
tanga sa kakaisip sa dahilan kung bakit mo ako iniwan.

Huwag kang mag-alala, hindi ako nasasaktan kasi nasasaktan na ako sobra
Lalo na kapag nakikita ko kayong magkasamang dalawa
Naghahawakan ng mga kamay at nagtititigan.

Masaya ako para sa inyong dalawa


Sana pahalagahan mo, alagaan mo, at mahalin mo siya
Sinabi ko ang mga iyan kahit na ako’y nasasaktan na
Pagbigyan mo sana ako sa huli kong hiling na muli kang mayakap nang mahigpit kahit
masakit at ako'y pipikit sasabihing mahal kita noon, hanggang ngayon, pero tama na.
Kasi kung mahal ka, babalik siya
Pero kung mahal ka, bakit kailangang iwan ka niya?

Mahal kung magkita man tayong muli at tatanungin kung pwede pa ba


Ang hihilingin ko lang sa’yo ay mga bagong unan
Dahil lahat ng nasa akin ay kala mo naulanan dahil lahat sila’y akin nang naiyakan
Ayaw ko ng matulog sa mga basang unan
Mahal kita. Mahal nga pala kita. Mahal pa rin kita.

You might also like