You are on page 1of 2

ORAS NA

PAGKAKAIBIGAN

Kaibigan….

Ika-klaro ko lang. KAIBIGAN po, hindi “ka-ibigan.”

KAIBIGAN. Kaibigan ang aking nakilala sa isang programa - ang “Young Leaders’
Summit”, na tila bang para ako ay nasa langit langit noong nakatagpo ako ng isang kaibigang
maliit na bulilit ngunit masarap kasama’t kausap at siya din ay mabait.

KAIBIGAN. Kaibigan ang siyang aking natagpuan. Ngunit aaminin ko, sa una’y
nahihiya ako.

Ito ang aming kuwento.

Sa ikalimang araw ng Agosto, naganap ang mga pangyayaring ito sa pamamagitan ng


programang - “Young Leaders’ Summit” na ginanap sa bayan na kung saan lahat ng mga
opisyal ng Supreme Student Government Organization (SSGO) ay dapat dumalo sa
pagtitipong ito kabilang na dito ang batang nakilala ko. Bawat partisipante ay may kaniya-
kaniyang grupo at ang pangalan ng akig pangkat na kinabibilangan ay “Team PInakbet”, isa
na dito ang batang tinutukoy ko.

Ang unang parte ng programa ay ang pag-eehersisyo pero may twist ito. Naaalala ko,
dapat mong hawakan ang balikat ng katabi mo ngunit nahihiya kami kaya walang nangyari.
Nang tumagal-tagal na, binigyan kami ng gawain ng isang speaker ng programa na gumawa
ng aming pangarap na tore para sa amin bilang isang grupo.

Sa paggamit ang paggawa ng tore, siya ang umako. Sa oras na iyan, hindi ko pa siya
naging kaibigan ngunit siya na’y aking idolo. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na ako’y
hangang-hanga ngunit nangibabaw ang aking kaba pero dahil sa mga gawaing iyan, napalapit
kami sa isa’t isa at dahil na din sa pagtawag niya ng aking pangalan at HINDI KO IYAN
MAKAKALIMUTAN MAGPAKAILANMAN.

Ngunit ako’y mas nagulat nang sabihin niyang “manong.” Hindi iyan inasahan dahil sa
pagkakaalam ko, mahiyain din siya katulad ko. Hindi na pinalampas ang pagkakataong iyan
kaya sumagot ako at diyan nagsimula ang aming pagkwekwentuhan at kami’y
nagkaintindihan at naging MAGKAIBIGAN.

KAIBIGAN. Kaibigan na kahit hindi ko kadugo’t magkaiba ang aming ina’t ama, ang
turing ko siya kaniya’y parang totoong kapatid na at sa kaniya ako’y kaniyang kuya.

Ngunit alam nating lahat ng bagay ay nagtatapos gaya na lamang ng programa, natapos
na at oras na upang kami’y magpaalam na sa bawat isa pero hindi ko iyan nasabi sa kaniya sa
kaniya kasi sa dami ng tao, ‘di ko na siya nakita pa. Hindi ko man lang nasabi sa kaniya kung
gaano ako kasaya dahil nakilala ko siya.

HINDI KO MAKAKALIMUTAN ang pangyayaring iyon sapagkat ngayon lang ako


nagkaroon ng tunay na kabigan ng walong oras lamang. Oo, walong oras lamang dahil
hanggang ngayon, hindi na siya nagpaparamdam.

Salamat sa walong oras na pagkakaibigan, ading Joshua.

You might also like