You are on page 1of 1

PISIKAL NA PAMBUBULALAS

(Posisyong Papel)

Sa paaralan, dito tayo natututo. Natututo ng mga bagong aral. Aral na kung saan
magagamit natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ngunit, sa eskwelahan dito din
tayo naiimpluwensyahan mula sa mga taong nasa ating kapaligiran ng mga bagay-bagay na
walang makabuluhan at marapat nating iwasan. Gaya lamang ng pananakit sa kapwa tao. At
ito’y tinatawag na “pisikal na pambubulalas”, bullying sa wikang Ingles.

Ang pang-aapi sa pisikal na aspeto ng tao ay isang agresibong pag-uugali na


nagdudulot ng negatibong epekto sa taong dumaranas nito. Ito’y maaaring humantong sa
depresyon na maging sanhi ng pagkawalang-tiwala sa sarili o di kaya’y pagpapakamatay.

Kaya para sa amin, hindi kami sang ayon sa mga epekto ng pisikal na pambubulalas.
Madaming hindi magandang epekto ang pang-aapi sa kapwa, maraming pwedeng
kahantungan, kagaya ng pagsu-suicide, pagkatakot sa pagpasok sa eskwelahan o di kaya ay
titigil sa pag-aaral at magtatago na lamang sa kanilang bahay, pagrerebelde at madami pang
iba. Ang pang-aapi sa iba ay parang pagsira na rin ng kanilang pangarap, kinabukasan at ng
kanilang buhay. Kaya’t dapat pagtuunan ng pansin ang isyung ito dahil ito’y masasabing
napakaseryosong suliranin sa ating lipunan lalo na sa mga paaralan kung kaya’t sabay-sabay
nating solusyonan para ang lahat ay magkaroon ng magandang kinabukasan at makamtan ang
kapayapaan.

AKSIYON!

You might also like