You are on page 1of 2

MY EULOGY TO MA’AM AIRA

Magandang hapon po sa lahat. Sa mga hindi po nakakakilala sa akin, ang pangalan ko po ay


Erielle. Naging isa po ako sa mga estudyante ni Ma’am Aira way back school year 2019-2020.
Before pa po mahawakan niya ako sa advisory class niya na St. Matthew, ay naging subject
teacher po namin siya sa English noong Grade 7 po kami. Si Ma’am Aira po ang huling naging
teacher namin bago mag lockdown dahil sa pandemic.

And over the years na hindi kami nagkikita at nagsasama dahil sa online and modular settings
ng DPC before, both of us still kept in touch.

Napakakulay ng pagkatao ni Ma’am Aira. Sobrang gaan kasama, at alam mong kaya mong
ikwento sa kanya lahat ng nangyayari sa buhay mo, because you just know that she will listen
without a single judgement. Kakausapin ka niya ng maayos para itama ang mali mo,
pagsasabihan ka, para lang din kayong nag-uusap na magkaibigan, pero nandoon pa din yung
respeto at boundaries sa isa’t isa. Naging sobrang kumportable po ako na kahit nasa ibang
eskwelahan na ako ay kapag nadadatnan ko siya sa DPC ay inaakap ko siya ng napakahigpit.
Ganoon kami lagi.

Ganoon siya sa lahat.

At yun ang pinaka magandang qualities ni Ma’am Aira, na mabait at pinapakitaan niya ng
kagandahang loob lahat ng nakakasalamuha niya sa iba’t ibang pagkakataon. Sa mga students
niya, kasama sa trabaho, sa pamilya. Nakikipagbiruan sa’yo hanggang sa maubos ang banat
niyong dalawa kasi ganoon ang way niya na magpasaya at magpakita ng pagmamahal.

‘ Anak, kamusta naman ang buhay?’

‘ Anak, kamusta naman si Engineer?’

‘ Miss you too, anak.’

Ramdam mo talaga na may care siya sayo kahit hindi na kayo gaano nagkakasama at kahit
sobrang tagal niyong hindi nagkita ay mainit na mainit pa din ang pagtanggap niya sa’yo.

Malaki ang impluwensiya ni Ma’am Aira sa kung paano ako nagrow as an individual, kasi
maliban kay Sir Aldrin at iba pang guro, isa siya sa mga tao na nakita kung ano yung totoong
ako, at tinanggap ng buo. Isa siya sa mga taong tinitingala ko, na sabi ko sa sarili ay paglaki ko,
magiging ganito ako kabuti.

Mapa-music man o academics, mental health o simpleng usap lang tungkol sa buhay, laging
payo niya ang sinusundan ko. Dahil kasi never niya ini-invalidate yung nararamdaman at
naranasan ko, at ganoon din siguro sa mga taong nandito na nagmamahal sa kanya, minsan
din sigurong ipinaramdam sa inyo na may handang makinig sa inyo.
Ang huling kita namin ay noon kumpil ng kapatid ko na Grade 8. Nakakalungkot na huling kita at
akap na namin ‘yon, pero hindi ako nagsisi dahil yung akap namin na ‘yon ang pinaka mahigpit.
Hinawakan ko pa ang kamay niya habang nagkakamustahan ng may ngiti sa mukha.

Ma’am Aira, kung nasaan ka ‘man ngayon malaki ang pasasalamat ko sa iyo. Because you
were an angel in disguise. Sa pagkawala mo, marami ang lumapit at nagmensahe sa akin kung
gaano sila nalungkot dahil hindi mo alam kung gaano kalaki ang naging impact mo sa buhay ng
mga students na iyon, at ganoon na din sa akin. Sabi ko pa noon sa’yo na, kung magkakaroon
ako ng isang romantic relationship, ay susundin ko ang yapak niyo ni Sir Aldrin. At sabi mo sa
akin ay mag-aral muna ako ng mabuti bago ‘yon.

‘Wag ka mag-alala Ma’am, dahil sisikapin po namin na magpatuloy at maging okay kahit na
kinuha ka na ni Lord sa amin. At tama ka po na, everything happens for a reason. May rason po
kung bakit kita nakilala, kung bakit nandito kami ngayon, at kung bakit nangyari sayo ito.

Iiwan ko na lamang po itong mensahe na isinulat niya sa likod ng diary ko noong Grade 7 pa
lamang ako,

Always find a reason to smile, anak. Be strong for yourself. Everybody has a purpose in this
world, you just have to find yours. God is always with us, remember that. Godbless, nak.

Gusto ko lamang po ipaalala sa inyo na, we never lose our loved ones. But in fact, they
accompany us; they won’t disappear from our lives. Because they lived within us through
memories.

Maraming salamat, Ma’am Aira. Magkikita pa ulit tayo. Mahal kita.

You might also like