You are on page 1of 1

SALUM, MARIE ANGELIC S.

AB – POLITICAL SCIENCE 2

Anong Kwentong Titser mo?

Kabilang ako noong junior highschool sa tinatawag na SSC, o ang Special Science
Curriculum. Hindi ako ganoong katalino kaya hindi ko alam kung bakit at paano akong nakapasa
at napabilang sa curriculum na iyan ngunit hindi ko naman pinagsisisihan. Grade 8 kami noon,
unang araw yata ng school ay wala ang guro na nakatalagang maging adviser naming. Sa
pagpasok naming sa apat na sulok ng silid na iyon, naka-abang sa amin ang isang lalaking guro.
Lalaking hindi ganoong katangkad, hindi ko na maalala kung anong ekspresyon ang meron siya
nang mga araw na iyon ngunit ang alam ko lang ay madami ako natutunan sa kanya. Siya ay si
Sir Jerry Ragmac. Sya ang nagsilbing pansamantalang guro ng klase naming. Hindi sya yung
tipikal na guro na strikto at seryoso, sya yung parang kaibigan na laging nakikipagbiruan. Hindi
rin naman nagtagal ang pagiging adviser nya sa klase naming dahil bumalik na ang dapat naming
adviser ngunit hindi naging hadlang iyon para makabuo kami ng koneksyon sa kanya. Naging
ka-team naming sya sa foundation day, sya ang nagturo sa amin sa sabayang pagbigkas at doon
ako nabilib sa kanya at namin nalaman, kami ng mga kaklase ko, ang angkin naming galing sa
sabayang pagbigkas. Napakahusay nya sa pagtuturo, hindi lang sa klase ngunit pati na rin dito.
Sya yung guro at taong hinding-hindi magpapatalo at hindi ka ipapatalo. Dahil sa kanya ay
nagkaroon ng pagkakaisa ang klase naming, nagkaroon ng ideya ang bawat isa sa amin kung
paano umarte at bumigkas nang magkasabay. Sa lahat ng mga nahahawakan nyang klase ay
nagkakaroon sya ng isang matibay na ugnayan na hanggang ngayon ay alam kong mayroon pa
rin.

Hanggang sa pagtungtong ko sa senior high school year ay naroon sya na


pinagpapasalamat ko. Naging titser ko sya sa Oral Communication, at napaka-epektibo nya sa
pagtuturo dahil sa pagdating ng pagsusulit ay naka-apat na mali na mali lamang ako. At sa
baiting na ito, doon ko narinig ang mga kwentong kailanman ay hindi ko maniniwalaan.
Kwentong galing sa mga estudyanteng ibinagsak nya dahil sa hindi paggawa ng takdang aralin.
Hindi ko man sya ganoong kilala ngunit alam kong hindi sya ganong tao. Naalala ko pang
tinanong ako nito kung bakit wala raw ako sa “conduct awardee” kung tawagin, napangiti na
lang ako dahil ang taas ng tingin nito sa kakayanan ko. Sya yung taong marunong magpahalaga
sa mga bagay man o gawa ng mga estudyante nya. Nitong Teacher’s Day lang, bumisita ang
ilang mga dating estudyante nya ngunit napakalaki na iyon sa kanya. Si Sir Jerry yung gurong
kailanman ay hindi ko malilimutan at kailanman ay mananatiling mataas at matalino sa buhay
ko.

Isinumite kay:
Gng. Janice Bulan

You might also like