You are on page 1of 2

"walang pasubaling pagmamahal"

derived from "unconditional love" by Aris Olea

Ako nga pala si Jayms Sagana


ng STEM 12 - Puli
matalino daw.. pero tanga,
tanga... pagdating sakanya

simple lang naman ang hinahanap ko


yung magmahal at mahalin.
ganun na ba talaga kahirap yun
at parang ang hirap hanapin?

yung taong nandyan, mag-aalaga sayo at aalagaan mo,


yung taong, naiisip ka parin
tuwing magkalayo kayo,

na kahit ilang hinayupak na lalake pa ang lumapit


at magharot sakanya,
ay hindi nya pagbibigyan ng pansin.

dahil alam mo,


ramdam mo,
na mahal ka rin niya.

na hinding hindi ka nya lolokohin


o ipagpapalit sa iba
dahil ganun ka rin sakanya.

yung binibigay mo na lahat na meron ka


pero feeling mo kulang pa
alam mo, na hindi kayo magkapareho at magkaiba ugali niyo
sa tuwing maguusap kayo, nagiging isang malaking pagtatalo

alam mo, na magkaiba ang mundong ginagalawan niyo


na langit ang buhay niya, habang ikaw ay nasa impyerno
alam mo, na hindi mo kayang ibigay lahat ng gusto niya

alam mo, na naging second option ka lang niya


at may mas higit pa sayo ang hinahanap niya.
at bago ka pa pumasok sa relasyon na ito
alam mo, na isang kang malaking panakip butas sakanya

masakit ba?
araw araw bumababa ang tingin mo sa sarili mo
yung tipong mapapatanong ka sa mga tropa mo ng,
"pre, bobo ba ako?"

sinasaktan ka na nya, sige ka parin


gabi gabi ka ng umiiyak, tuloy ka parin
tinatapakan na niya pagkalalake mo, mahal mo parin

yung totoo pre?


ilang gramo ng shabu ang tinira mo?
para ka nang adik sa mga ginagawa mo
oh, sadyang bagong career mo na yang kabaliwan mo?

pero anong gagawin ko?


humigiga ako sa kama, ilang oras sa kisame'y nakatulala
naglalakad sa kalsada, sa isipan ko'y ikaw paring inaalala

buong araw syang tumatakbo sa aking isipan


at hindi siya mawala
mula sa tilaok ng mga manok
hanggang sa paglitaw ng mga tala

siya ang aking araw


na nagbibigay ng lakas sa umaga
at ang aking buwan
na nagpapaganda ng aking gabi

di bale nang magisa at gabi nang makabalik,


kung ang kapalit naman ay siyay makasama
at masiguradong ligtas sa paguwi.

bumibilis ang tibok ng puso ko


pagnandyan siya sa tabi ko
kahit nakasandal lang siya at nagpapahinga sa aking braso,
masaya na ako

masaya na ako
na nakikita syang ngumingiti, sa mga corning jokes ko
masaya na ako
na alam ko sa kabila ng lungkot nya ay napapasaya ko pa siya
ganun talaga pagnagmamahal ka ng todo

kahit anong gulo pa ng ugali nya


ay tatanggapin mo
kahit gaano pa siya kabalahura sa harap mo
ay ok lang sayo,
kahit ilang beses na syang makasakit sayo
ay titiisin mo,

Tanggap mo siya ng buong buo.


at kahit hindi niya masuklian ang pagmamahal mo
yayakapin mo parin,
at ipaparamdam mo

na siya...
higit sa lahat,
ang pinaka importanteng tao
sa buhay mo.
wala eh... mahal mo eh

You might also like