You are on page 1of 4

PHASES OF MOVING-ON: Para sa mga Biktima ng Pa-Fall

by Mktng_Mkbyn2

DISCLAIMER: Kung nakakarelate ka pre basahin mo ‘to at baka mahimas-masan ka. Kung
hindi --- geh scroll down. Di kita pinipilit magbasa, mabo-bored ka lang. Lahat ng inyong
mababasa ay pawang kathang-isip lamang (ito ay tinatype ko lamang sa bawat pagsakay ng
bus at yung katabi ko na nagtataka na kung anong tinatype ko dahil di ko narinig na kinakausap
na ko ng konduktor dahil di pa ko nakapagbayad ng pamasahe). Ano mang pagkakahawig sa
tunay na pangyayari ay sadyang nagkataon lamang at hindi sinasadya ng may-akda. Hahaha.

"Utang na loob ! Pangarap na lang sya, hinding hindi sya mahuhulog sayo. Gumising ka sa
katotohanan ooy !" Yan ang sabi mo sa sarili mo habang tinititigan mo ang mga pictures niya.
Yan naman lagi eh. Halos ubusin mo sa kado-download lahat ng pictures na post niya. Stalk
dito, stalk doon. Naka-“SEE FIRST”, tangines, adik ka na. Lahat ng post niya, nalike mo na,
napusuan pa. Kung di ka man lang nahahalata at bakit hindi ba ? Yung mapansin niya, yun
naman yung gusto mo. Nagsimula sa isang post kung saan nagsimula din ang lahat. Isang
picture kung saan nauwi sa isang malalim na pagtingin na di nagtagal ay biglang nagkupas
nalang dala ang mga emosyong naipon sa puso mong basag na basag na. Binasag niya o
sadyang nabasag lang dahil di mo na kayang dalhin pa... at ang mga bubog mula sa basag
mong puso na nakakalat sa kinatatayuan mo ang pumipilas sa iyong mga paa sa bawat
pagyapak mo papalapit sa kinaroroonan niya. Langit at lupa ang pagitan niyong dalawa, at sa
bawat paghakbang mo ay sya naman paghakbang niya … papalayo sayo. Tinitiis ang hapdi ng
bawat sugat na siyang dulot ng isang pag-ibig na hindi dapat nagsimula.

Phase 1: CLOSE AS STRANGERS. Nagsimula ang lahat sa isang friend request. Isang
estrangherong di mo kaano-ano na bigla nalang lumitaw sa buhay mo. Destiny na ba ito ?
Meant to be ? Siya na ba ? Walang ganun daw. It’s a matter of choice lang, ika nga. Ikaw lang
din ang madidisappoint at the end kung paaasahin mo ang sarili mo dyan. okay. back to topic.
Yun na nga, sa una ay pa-like2 lang, pa-comment2 hanggang sa pa-chat2 na. Para-paraan
kung panu magstart ng convo. Nagcha-chat siya once a month. Na naging twice a month, twice
a week at sa di kalaunan ay naging araw-araw at oras-oras na. Alam mo na, yung napapasmile
ka habang kausap niya. Daig mo pa yung timang habang nakakatitig sa phone mo, at napag-
iisipan ka na na manyakis ng katabi mo sa jeep dahil sa smile mo. Pasahan ng pics, tag ang
isat-isa sa status, bahaan ng voice message at kung anu-anu pang kalandian. (leche. magbe-
break din naman kayo)

Phase 2: KNOWING YOU BETTER THAN OTHERS DO ayun na nga. Nagmistulang biodata
na ang conversations niyo. Favorites. Dislikes. Motto, first love, first krass, NSO birth certificate,
medical records, NBI, SSS no., PAG-IBIG (hahaha. O.A. na) at pati playlist sa phone niya alam
mo na. Kung ano oras siyang kumakain, naliligo, nagsi-c.r., yung diet niya, anong oras nag-ji-
gym, daily routine at kung ano-ano pa. Naging updated kana sa kanya, at natuto ka na ring
magstalk sa wall niya kahit naka-SEE FIRST na, para sure oy. Wala kang moment na na-
missed sa buhay nya. Madalas na kayong nagkikita, kumakain, at pumupunta sa mga events na
iniinvite niyo ang isa't isa. (abay akalain mo, sumasama din eh)

Phase 3: ME AND YOU AGAINST THE WORLD ang O.A. naman ng title pero yun ang
pinakamalapit na phrase na naisip ko para idiscribe ang phase na to. Naging comfort zone mo
na yung convo niyo messenger mo. Siya yung lagi mong tinatakbuhan kapag may problema ka,
o kagalit mo ang buong mundo. Sa kanya mo shini-share lahat at chini-chismis lahat ng
kaartehan mo sa buhay. Naging magaan na ang loob mo sa kanya. Siya yung tanging tao na
alam mong makakaintindi sayo. Yung tipong mag-aadvice ng seryoso o mapapatawa ka nalang
dahil sa pagka-nonsense ng reaction niya. Hahaba ang convo hanggang sa limot mo na kung
anong problema mo. Hanggang wala ka nang ibang poproblemahin kundi ang kung paano siya
mapapasayo.

Phase 4: IS THIS LOVE? ito yung phase na litong-lito ka kung ano nang nararamdaman mo. o
baka nasi-c.r. ka lang talaga. Yung pumupunta ka sa wall niya para malaman kung sinong mga
close friends niya, yung laging nagcocoment, yung ex, yung ibang suitor, hanggang umabot ka
pa sa first love niya. Yung tipong ginagawa mo madiscover lahat kahit na may kung anong sakit
kang nadarama. At napapatanong ka nalang sa sarili mo, nagseselos ba ako ? Pero shet - wala
akong karapatan. Wala kayong label, nagkakaintindihan lang kayo pero hindi kayo. Anobaa ?!
Pusanggala naman nag-assume kana. Binigyan ka lang ng konting attention, akala mo “the
feeling is mutual” na. (Pa-fall pre eh, walang kang magagawa. *flips table* *face palm*
*hinampas ang keyboard sa mukha*
hdfsdaiogwajreiojhfgiasdnfdPOWAKEOPKOIWINRGJNAJNNSNSDFGHBISADGSD)

Phase 5: MAHAL NA KITA, yata. Oo, mahal na kita. Hindi na to crush, o kung ano. Totoo na to.
Yung mistulang hindi kana makatulog sa gabi sa kaiisip kung paano mo aaminin na may gusto
ka sa kanya. Natatakot kang mareject at natatakot ka ring maging committed. Pero gustong
gusto mong gumawa ng move dahil naisip mong sayang at baka siya na talaga yung para sayo.
At kung papalampasin mo ay baka pagsisihan mo lang sa huli. What if ganito, what if ganun.
Bibili na ba ko ng bulaklak ? Singsing ? Teddy bear ? Bahala na, basta gusto mo sya. Wait,
ichat-chat ko siya. Sabihan ko magkita kami sa dating tagpuan. Sa puno ng palm tree dun sa
may esplanade. Sa may malapit sa nagbebenta ng ice cream. Magpopolo ako, maliligo ng
pabango. Sabihan ko sya may aaminin ako. *that night di ka nakatulog*

Phase 6: REJECTION. Bwes3t. Ito yung pinakamasakit na part ng pagiging inlove. Yung alam
mong mahal mo yung tao pero hindi ka niya kayang tanggapin at di nya kayang suklian ang
pagmamahal mo. Ito yung stage na tatanungin mo yung self mo kung saan ka nagkulang at ano
yung mali sayo o baka mahina lang talaga utak niya para maintindihan yung feelings mo. Yung
mapupunan ng galit sa kanya yung pag-ibig na dati mong nararamdaman, idedelete mo lahat
ng pictures niya, yung messages niya, iuunfriend o iba-block mo sa facebook para lang mabilis
mong makalimutan siya. In short, magiging bitter ka. Kasi nga ikaw ay dakilang tanga, at siya ay
isang tanginang paasa. So yun na yun. Galit ka, dahil basted ka ? Galit ka, dahil nasaktan yung
ego mo, natapakan yung pagkatao mo. Eh ano ngayon ? Move-on na. Focus sa ibang bagay.
Let go. (pero minsan, masayang maging bitter kahit walang dahilan. lol. nagiging trademark mo
na eh. ayaw mo pa? sumisikat ka. siniscreenshot yung post mo eh. Minsan nahuli mo katabi mo
sa bus. Pero di man lang ni-like?! puuu- Hoy! ako si anoo ! Post ko yan)

Phase 7: MOVING-ON. Yung unti-unti nang nauubos yung pake mo sa kanya. Unti-unti mo nai-
flush sa toilet yung pake mo. Yung wala ka nang pakialam kung anong ginagawa niya sa buhay
niya. Wala eh. Block na. Unfollow. Nag-extinct na yung hayop na yun. HAHA. joke ! peace tayo.
Yung mapapatawa ka nalang sa fact na yung dating nagpapasaya ng buhay mo, hindi na
ngayon parte ng mundo mo. Anyway, it's not your loss nga naman. Improve yourself, prove her
na tuloy pa rin ang awit ng buhay mo. Magbago man ang hugis ng ‘yung mundo. Tumambay ka
sa mcdo. Bili ka ng fries. Yung large. Ubusin mo. Magpataba ka ulit. Dahil marami kang fats na
naburn dun sa time na todo effort ka para sa kanya. Di nagwork eh, di ka niya type. Wala kang
abs. Utak mo lang may abs. Lol

Phase 8. BITTERANO. Yung nag-eenjoy ka na lang sa pagiging bitter mo. Yung kahit wala
kang pinanghuhugutan, humuhugot ka pa rin. Kasi nga nag-eenjoy ka. (Hindi ako to. Pramiss.
Wala na akong hugot posts. Been there. Done that. Haha) At kahit di sabihin ng paligid mo,
nag-eenjoy din sila sa kakornyhan mo. At dito sa bawat stage na to, dito unti-unting naiipon
yung takot mo para magmahal ulit. Kasi nga ayaw mo nang pagdaanan ulit yung mga phases
na pinanggalingan mo. At tatatak na sa isip mo na kahit maghilom yung sakit, andun parin yung
marka ng sugat na magpapaalala sayo sa sakit na pinagdaanan mo dahil nagmahal ka. Ganun
talaga eh, hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka nasasaktan.

Phase 9. I THINK I FOUND THE ONE. May makikilala ka ulit. Akala mo siya na talaga kaso
p*ta REPEAT Phase 1 to 9 pala !! *flips table*

SYNOPSIS: Huwag kayong susuko mga pre, mabasted man kayo ng paulit-ulit, isipin niyo na
lang na sa bawat maling taong minamahal niyo ay unti-unting kang papalapit sa babaeng
itinadhana talaga para sayo. Huwag mo kasing hanapin, darating at darating lang yan. Baka sa
sobrang paghahanap mo, nakaligtaan mo na pala yung babaeng para sayo ay nandyan lang
pala sa tabi mo.

You might also like