You are on page 1of 1

MONOLOGUE

Mga Friends, sorry late ako.


Traffic kasi eh atsaka alam niyo na may nanggugulo na naman ka---- wait lang a (kukunin ang phone) nako
heto na naman siya ! Nagpaparamdam nanaman! Anong gagawin ko? Replyan ko na ba? O wag na lang
kaya? O bakit ganyan kayo makatingin? Hindi ako marupok ako, baka siya (turo) marupok, but not me. Ah
o baka naman iniisip niyo kawawa naman siya, habang ako ang sama sama. Bakit nag rant na naman ba
siya sainyo? Anong sabi? Napaasa daw ako? Bwisit, pavictim masyado. Akala mo naman gwapo. Oh baka
naman isip niyo nagmamaganda ako, hindi naman sa ganoon. Masasabi ko naman na mabait siya, mabait,
basta mabait. Teka nga lang bakit siya lang ba? Siya lang ba yung nasaktan?
Diyan kasi kayo magaling e, manghusga. Minsan ba inisip niyong tanungin yung side ko? Yung side ng
“nang-ghost”? Hindi naman diba, kasi pag nang-ghost ka masama ka na, mapanakit ka pa. E hindi niyo rin
nga naisip na baka ko ginawa yun kasi mas magandang itigil na kaysa paasahin pa siya.
Kaibigan lang hanap ko guys, kaibigan, pero siya hanap niyo jowa. Kasalanan ko pa ba iyon? Na hindi ko
mareciprocate ung feelings niya? Putek, malay ko bang ganun siya karupok para mafall agad sa chat lang.
Masakit din para sa aking yung ginawa ko. Yung alam mo na may nasasaktan ka na isang kaibigan. Yung
alam mo na may naghihintay sayo. Masakit mang-ghost ng ganoong kabuting tao. Kaibigan turing ko dun.
Pero ano bang magagawa ko kung sa mga oras na iyon ang ighost siya ang tanging paraan na naiisip ko
para mabawasan yung sakit. Hindi lang siya yung nasaktan. Hindi lang yung mga naghoghost yung
nasasaktan. Kami ding mga nang-ghost!
Pero kahit ano namang paliwanag ko dito, hindi niyo parin maiintindihan diba. Ayoko na, tama na. Aalis
nalang ako, nawalan narin naman ako ng gana sa gala na ito. Mag enjoy sana kayo….. Sana maisip niyo na
baka kaya kayo naghoghost kasi ginusto at kasalanan niyo rin naman.

Name: SAHAGUN, REZEIALE C.


Section: Grade 12- STEM
Title: Ghosto Mo Rin

You might also like