You are on page 1of 4

Gawain 1

Panuto: Sumulat ng Dalawang (2) sariling pangulong tudling, kayo ay malaya na pumili sa kung anong uri
ng pangulong Tudling ang inyong gustong isulat. (30 points)

 Nasa baba ang mga halimbawa ng Pangulong tudling na makatutulong sa inyong pagbuo o
pagsulat.

A. Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan (Editorial of Interpretation)

Ang Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan ay naghahatid ng balita o isyung batay sa


totoong pangyayari na sinusuportahan ng mga patunay tulad ng interview sa isang dalubahasa
sa isyung nabanggit.

Teenage Pregnancy sa Bansa


(ni: Nathalie Roman)

“Labing apat na taog gulang pa lamang ako noong nabuntis ako. Ginawa namin iyon ng
aking boyfriend dahil sa pag-uudyok ng mga kaibigan namin at dahil sa ginusto rin namin. Pero
hindi namin inaasahan na may mabubuo agad. Pareho kaming hindi handa na magkaroon ng
responsibilidad dahil dito iniwan ako ng boyfriend ko. Masakit na takasan niya ang
responsibilidad niya sa akin at sa baby namin. Sinabi ko kina mama at papa ang sitwasyon
ko,noong una nagalit sila pero hindi nagtagal ay tinanggap rin nila ang naging kapalaran ko.
Naging mahirap sa akin ang pagbubuntis dahil nasa murang edad pa lamang ako. Sising sisi ako
na ginawa pa naming ng boyfriend ko iyon pero nang nasilayan ko na si baby ay napaiyak na
lamang ako dahil sa saya. Ngayon apat na taong gulang na si baby at ang kasama ko sa pag-
aalaga sa kanya ay si mama. Mahirap man dahil hindi ko na magagawa yung mga dati kong
nagagawa pero masaya naman dahil kay baby.” Iyan ay isang pahayag mula kay Mara Maxine
Lorenzana na ngayon ay labing walong taong gulang na. Kabilang siya sa kaso ng maagang
pagbubuntis o mas kilala sa Teenage Pregnancy. Ayon sa Department of Health (DOH)
nangunguna ang Cordillera Administrative Region (CAR) sa pinakamataas na bilang ng kaso ng
Teenage Pregnancy. Ang pinakabatang naitala sa kasong ito ay nasa edad na labing tatlong taong
gulang.

B. Pangulong Tudling na Bakasan

Sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba’t ibang paaralan at kanilang sabaysabay na


nilathala sa kani-kanilang pahayagan

Pagtaas ng Matrikula, ‘Wag Pairalin


(ni: Sarena Dalere)

Hindi lamang ang Meralco ang nagbabantang magtataas ng kanilang singil, pati na rin
ang mga pribadong eskuwelahan (mapa-elementarya at high school ay magtataas din ng
matrikula ngayong school year 2016-2017). Ngunit binatikos ito ng mga grupo ng mag-aaral ang
pag-apruba ng gobyerno sa pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa paaralan , kung kayat
nagsagawa ng kilos protesta ang mga grupo ng mag-aaral at ANG MUNDO NG PAMAMAHAYAG

mga magulang upang ihayag ang kanilang pagkadismaya sa umano’y lumalalang krisis sa
edukasyon sa iba’t ibang sangay ng gobyerno tulad ng Department of Education, Commission on
Higher Education at sa Malacañang.

Ayon naman sa pahayag ni Pedro Reyes na kinakailangang magtaas ng bayarin ng mga


paaralan batay sa inflation rate upang matugunan ang lumalaking halaga ng pangangailangan sa
pagpapasahod ng mga guro at pagsasaayos ng mga pasilidad. Ngunit muling nagbanta naman
ang mga estudyante ng isa pang bugso ng mga kilosprotesta kung hindi tutuparin ni Pangulong
Duterte ang kanilang kahilingan.

C. Pangulong Tudling na Nagpaparangal o Nagbibigay Puri

Ito ay pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa, nagpapahayag ng


pagpapahalaga sa isang katangi-tanging gawain, at nagpaparangal sa isang taong namayapa na
may nagawang pambihirang kabutihan o sa isang bayani sa araw ng kanyang kapanganakan o
kamatayan.

Edukasyon ang Susi


(KB Mar Bautista)

Para sa akin ang isa sa napakahalaga at importanteng dapat parangalan ay ang pag-
aaral. Sa araw ng pagtatapos ang parangal na matatanggap ng isang estudyante ay parangal rin
para sa kanyang magulang at ito’y kailanman maaalala at hindi mawawala sa ating isipan. Ang
lahat ng iyong nagawa mula sa simula ng iyong pagaaral ay maituturing na pambihira sapagkat
nalampasan mo lahat ng pagsubok na kinakailangang harapin at tapusin ng walang pag-
aalinlangan.

D. Pangulong Tudling na Panlibangan

Hugot line tungkol sa Pag-ibig


(Grail Diwag)

“Mabuti pa ang supermoon minsan lamang magpakita, pero pinapansin mo samantalang ako
lumipas na ang mga araw ,buwan at taon ngunit di mo ako mapasin”.

“Buti pa ang camera nginingitian mo samantalang ako hindi”.

“Ang pag-ibig parang kape..kapag napabayaan nanlalamig”.


“Yung ready na siya na mahalin ka ng totoo pero ikaw, pagod na”.

“Ang pag-ibig na sobrang tamis nakakaumay, kaya mas masaya din yung minsan nagaaway pero
pagkatapos ng away hindi parin naghihiwalay” (Filmanatics, 2016).

Gawain 2

Panuto: Sa pamamagitan ng Decision Chart, ipaliwanag at pagtimbang-timbangin kung nararapat ba na


pag-aralan ang Kursong Pamamahayag. (30 points)

Pagtatalaga ng asignaturang SPEC 109-


Introduksyon Sa Pamamahayag

Sang-ayon Di-sang-ayon
Gawain 3

Panuto: Sa pamamagitan ng Positive-Negative Chart ilagay ang sa palagay niyo na positibo at


negatibong epekto sa pagsulat ng balita. (10 points)

POSITIBO NEGATIBO

________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________

You might also like