You are on page 1of 5

Editoryal

o
Pangulong
Tudling
Josiah Othniel Pulas
EDITORYAL O PANGULONG TUDLING
Ang editoryal ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng kuru-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu.
Ito ang tinig ng pahayagan,nagbibigay ng kaalaman, nagpapakahulugan, humihikayat, at kung
minsay lumilibang sa mambabasa.
Ito ay naglalaman o naglalahad ng mga reaksyon, pananaw, at kuro-kuro ng editor o patnugot ng
pahayagan tungkol sa mainit na isyu o mainit na pangyayari sa bansa
Ito ay maaring ukol sa edukasyon, pulitikal, sining, pamahalaan, at napapanahong paksa
Ito rin ay matuturing paninindigan ng isang pahayagan, organisasyon, grupo, o institusyon tungkol sa
ibat-ibang isyu kaya matuturing itong politikal sapagkat ang lahatay may opinion.

Kahalagahan ng Editoryal
1. Itoy naglalaman ng isang masusing pagbibigay ng kuru-kuro o pala-palagay sa mahahalaga at
napapanahong isyu.

2. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay


ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan.

3. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang
magkaroon ng pagbabago.

4. Nagbibigay ng impormasyon at kaalaman.

5. Hinihiyakat ang mga kinauukulan na kumilos.

6. Minumulat ang mga mata ng mambabasa.

HALIMBAWA NG PANGULONG TUDLING

Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan (Editorial of Interpretation)

Ang Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan ay naghahatid ng balita o isyung batay sa totoong pangyayari na
sinusuportahan ng mga patunay tulad ng interview sa isang dalubahasa sa isyung nabanggit.

Halimbawa:

Teenage Pregnancy sa Bansa (Nathalie Roman)


Labing apat na taog gulang pa lamang ako noong nabuntis ako. Ginawa namin iyon ng aking boyfriend dahil
sa pag-uudyok ng mga kaibigan namin at dahil sa ginusto rin namin. Pero hindi namin inaasahan na may
mabubuo agad. Pareho kaming hindi handa na magkaroon ng responsibilidad dahil dito iniwan ako ng boyfriend
ko. Masakit na takasan niya ang responsibilidad niya sa akin at sa baby namin. Sinabi ko kina mama at papa ang
sitwasyon ko,noong una nagalit sila pero hindi nagtagal ay tinanggap rin nila ang naging kapalaran ko. Naging
mahirap sa akin ang pagbubuntis dahil nasa murang edad pa lamang ako. Sising sisi ako na ginawa pa naming
ng boyfriend ko iyon pero nang nasilayan ko na si baby ay napaiyak na lamang ako dahil sa saya. Ngayon apat
na taong gulang na si baby at ang kasama ko sa pag-aalaga sa kanya ay si mama. Mahirap man dahil hindi ko na
magagawa yung mga dati kong nagagawa pero masaya naman dahil kay baby. Iyan ay isang pahayag mula kay
Mara Maxine Lorenzana na ngayon ay labing walong taong gulang na. Kabilang siya sa kaso ng maagang
pagbubuntis o mas kilala sa Teenage Pregnancy. Ayon sa Department of Health (DOH) nangunguna ang
Cordillera Administrative Region (CAR) sa pinakamataas na bilang ng kaso ng Teenage Pregnancy. Ang
pinakabatang naitala sa kasong ito ay nasa edad na labing tatlong taong gulang.

Pangulong Tudling na Bakasan

Sinulat ng lupon ng mga patnugot sa ibat ibang paaralan at kanilang sabay-sabay na nilathala sa kani-
kanilang pahayagan

Pagtaas ng Matrikula, Wag Pairalin (Sarena Dalere)

HINDI lamang ang Meralco ang nagbabantang magtataas ng kanilang singil, pati na rin ang mga pribadong
eskuwelahan (mapa-elementarya at high school ay magtataas din ng matrikula ngayong school year 2016-
2017). Ngunit binatikos ito ng mga grupo ng mag-aaral ang pag-apruba ng gobyerno sa pagtaas ng matrikula at
iba pang bayarin sa paaralan , kung kayat nagsagawa ng kilos protesta ang mga grupo ng mag-aaral at mga
magulang upang ihayag ang kanilang pagkadismaya sa umanoy lumalalang krisis sa edukasyon sa ibat ibang
sangay ng gobyerno tulad ng Department of Education, Commission on Higher Education at sa Malacaang.

Ayon naman sa pahayag ni Pedro Reyes na kinakailangang magtaas ng bayarin ng mga paaralan batay sa
inflation rate upang matugunan ang lumalaking halaga ng pangangailangan sa pagpapasahod ng mga guro at
pagsasaayos ng mga pasilidad.

Ngunit muling nagbanta naman ang mga estudyante ng isa pang bugso ng mga kilos-protesta kung hindi
tutuparin ni Pangulong Duterte ang kanilang kahilingan.

Pangulong Tudling na Nagpaparangal o Nagbibigay Puri

(Editorial of Appreciation, Commendation or Tribute)


Ito ay pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa, nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang
katangi-tanging gawain, at nagpaparangal sa isang taong namayapa na may nagawang pambihirang kabutihan o
sa isang bayani sa araw ng kanyang kapanganakan o kamatayan.

Halimbawa:

Edukasyon ang Susi. (KB Mar Bautista)

Para sa akin ang isa sa napakahalaga at importanteng dapat parangalan ay ang pag-aaral. Sa araw ng pagtatapos
ang parangal na matatanggap ng isang estudyante ay parangal rin para sa kanyang magulang at itoy kailanman
maaalala at hindi mawawala sa ating isipan. Ang lahat ng iyong nagawa mula sa simula ng iyong pag-aaral ay
maituturing na pambihira sapagkat nalampasan mo lahat ng pagsubok na kinakailangang harapin at tapusin ng
walang pag-aalinlangan.

Pangulong Tudling na Panlibangan (Grail Diwag)

Hugot line tungkol sa Pag-ibig

Mabuti pa ang supermoon minsan lamang magpakita, pero pinapansin mo samantalang ako lumipas na ang
mga araw ,buwan at taon ngunit di mo ako mapasin.

Buti pa ang camera nginingitian mo samantalang ako hindi.

Ang pag-ibig parang kape..kapag napabayaan nanlalamig.

Yung ready na siya na mahalin ka ng totoo pero ikaw, pagod na.

Ang pag-ibig na sobrang tamis nakakaumay, kaya mas masaya din yung minsan nag-aaway pero pagkatapos
ng away hindi parin naghihiwalay.
Pagsakop ng MAUTE : Bungay Batas Militar
HABANG nasa Moscow, Russia, dineklara ni Pres. Rodrigo Duterte ang martial law sa buong Mindanao. Ito ay kasunod ng
pagsalakay ng Maute Group at Abu Sayyaf sa Marawi City, Lanao del Sur noong Martes. Kinubkob ng mga terorista ang isang
ospital at sinunog ang simbahan doon. Nagkaroon ng labanan at mayroong mga napatay. Mayroon din umanong dinukot na
pari, church workers at mga sibilyan.

Pinutol ni Duterte ang pagbisita sa Russia at agad na bumalik sa bansa kahapon dakong alas singko ng hapon. Sa kanyang
talumpati sa NAIA, sinabi niyang dineklara niya ang martial law para mapigilan ang paglawak ng kaguluhan sa Mindanao dulot
ng terorista. Kailangang maprotektahan ang seguridad ng bansa. At maaring umabot pa sa Visaya ang martial law. May
posibilidad din umano na baka ideklara sa buong bansa ang martial law. Sinabi ng Presidente na magiging malupit siya sa
pagkakataong ito. Sinabi rin niya na kailangang ma-preserved ang bansa kaya siya nagdeklara ng martial law.

Maraming beses nang sinabi ni Duterte sa nakaraan na maaari siyang magdeklara ng martial law. Kauupo pa lamang niya
noong Hunyo 2016 ay may himig na ng martial law ang namumutawi sa kanya. May kaugnayan sa paglaban sa illegal na droga
ang dahilan kaya nais niyang magdeklara ng martial law. Kailangang mapreserba ang bansa, paulit-ulit niyang sinabi.

Maraming mambabatas ang sumasang-ayon sa pagdedeklara ni Duterte ng martial law sa Mindanao. Pero bakit naman pati sa
Visayas at sa buong bansa na. Sa Mindanao lang may kaguluhan kaya dapat doon lang magkaroon ng batas military. Una nang
sinabi ng Philippine National Police (PNP) na wala pang nakakapasok na ISIS sa Metro Manila kaya ang pagdedeklara ng
martial law sa buong bansa dahil dito ay hindi pa nararapat. Mag-concentrate lang sa Mindanao sapagkat naroon ang kalaban.
Ibuhos ang pu-wersa para malipol ang mga terorista.

You might also like