You are on page 1of 10

a.A.

Natutukoy ang mga elemento ng


kabutihang panlahat.
b.B.Nakabubuo ng isang recipe para sa
isang matiwasay na lipunan.
c.Nakapagpapahayag ng damdamin ukol
sa isang matiwasay na lipunan sa
pamamagitan ng pagguhit.
Tingnan ang bawat larawan at tukuyin ang ipinakikitang sitwasyon ng
lipunan sa kasalukuyan. Ipalarawan ang opinyon ng mga mag-aaral ukol
dito. Tumawag ng dalawa hanggang tatlong mag-aaral na magbabahagi
1. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng
isang responsableng mamamayan?
2. Ano-ano ang mga pananagutan ng isang indibidwal
sa ating lipunan?
3. Paano ito nakatutulong sa pagkamit ng kabutihang
panlahat o common good?
Gamit ang Powerpoint Presentation, talakayin ng guro ang mga
sitwasyon sa bansa kung saan kapansin-pansin ang hindi
pagkakasundo o pag-aalitan ng mga tao, kaguluhan sa pulitika at
opisyal ng gobyerno, negosyo, kahirapan, gutom, sakuna at mga isyung
nagpapakita sa kalagayan ng kasalukuyang lipunan at sagutin ang
sumusunod na tanong.
1. Mulat ka ba sa mga nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan?
Pangatuwiranan.
2. Hindi man tuwirang nabibigkas ng maraming tao ay marami rin ang
nangangarap ng matiwasay na lipunan at marahil ay isa ka sa mga ito.
Paano nga kaya magkakaroon ng katiwasayan sa lipunan? Magbigay ng
halimbawa.
Ano kaya ang maipapayo mo? Bakit?
Pangkatin ang klase sa limang pangkat. Bigyan
ng Manila paper at marker ang bawat isang
grupo. Gumawa ng isang recipe para sa
Matiwasay na Lipunan. Sundin ang gabay na
direksyon sa ibaba. Pumili ng isang miyembrong
magbabahagi ng natapos na gawain.

Sigurado akong nakakita ka na ng recipe para sa


pagluluto ng isang pagkain. Malinaw na
nakasulat dito ang mga sangkap at ang sukat ng
mga ito. Nakasulat din ang malinaw na detalye ng
paraan ng pagluluto nito. Kung isusulat natin ang
recipe para sa matiwasay na lipunan, ano kaya ang
sangkap nito at paano kaya ito makakamit? Gagawin
mo iyan sa gawaing ito: Recipe para sa Matiwasay
na Lipunan. Ang magiging nilalaman nito ay ang
sumusunod:
 Sangkap na kinakailangan upang matiyak ang katiwasayan ng lipunan
 Mga tiyak na sukat nito, katulad ng tasa, kutsara o kutsarita, kilo,
gramo, at iba pa.
Pamamaraan kung paano magagamit ang mga sangkap na inilagay (hal.
Ilagay ang katarungan sa isang malaking lalagyan at haluan ito ng
pagmamahal. Matapos itong mapagsama-sama ay budburan ito ng bukas
na komunikasyon)
Sagutin ang sumusunod na tanong sa
notbuk. Ibahagi ang kasagutan sa klase:
1.Ano ang iyong naging realisasyon
matapos maisagawa ang gawain?
2.Ano ang pinakamahalagang
sangkap sa pagkakaroon ng
matiwasay na lipunan? Ipaliwanag.

Ano ang pinakamahalagang


pamamaraan sa pagkakaroon ng
matiwasay na lipunan? Ipaliwanag.

You might also like