You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III- Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN
6
Edukasyon sa Pagpapakatao
ACTIVITY SHEET

Quarter: 2 Week: 1.1


MELC: -Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa
kapwa sa pamamagitan ng pangako o pinagkasunduan
Code EsP6P- IIa- 30

Pangalan:
Paaralan: Seksyon:
Activity Title: Pagmasdan Natin

Source:
https://www.google.com/search?q=inside+jeepney+passenger&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved=2a
hUKEwjhrPKXobrrAhVJGKYKHZ9FA-
4QrNwCKAB6BQgBEPYB&biw=1349&bih=657#imgrc=RG8_knN_f0t2yM

Activity Title: Basahin Natin

Tapos na ang klase at pauwi na ang magkaibigang Kristy at Ayah.


Nakasakay na sila sa dyip nang sa pagdukot ni Ayah sa kanyang bulsa
nalaman niyang nawawala ang kanyang pitaka. Binuksan at isinara na niya
ang kanyang bag. Binuksan at isinara rin niya ang kanyang payong ngunit
wala talaga ang kanyang pitaka. Nag-alala siya sapagkat wala siyang
pamasahe. Hindi na siya mapakali sa kanyng pagkakaupo.

“May problema ba?” tanong ni Kristy.


2
“Eh, kasi, Kristy, nawawala ang pamasahe ko,” di mapakaling sagot ni
Ayah.

“Ganoon ba! Huwag kang mag-alala. Pahihiramin kita. Bayaran mo na


lang ako bukas,” sagot ni Kristy sa kaibigan.

“Maraming Salamat. Sige pahiramin mo ako at babayaran kita bukas


na bukas rin,” natutuwang sabi ni Ayah.

Kinabukasan, nang magkita ang magkaibigan, agad na binayaran ni


Ayah ang kanyang utang katulad ng napagkasunduan nila ni Kristy.

Activity Title 1: Pag- usapan Natin


Panuto: Sagutin ang mga tanong.
1. Saan pupunta ang magkaibigang Kristy at Ayah?
_________________________________________________
________________________________________________________
2. Paano nalaman ni Ayah na nawawala ang kanyang pitaka?
________________________________________________
________________________________________________________
3. Bakit hindi mapakali sa kanyang upuan si Ayah? _________
________________________________________________________
4. Sino ang nagpahiram sa kanya ng pamasahe? _________
________________________________________________________
5. Ano ang kasunduan nila tungkol sa pagpapahiram ni Kristy ng pera?
_________________________________________
________________________________________________________

3
Activity Title 2: Pagpasiyahan Natin
Panuto: Sagutin ang mga tanong.
1. Kung ikaw si Kristy pahihiramin mo rin ba ng pera si Ayah? Bakit?
_________________________________________________
________________________________________________________
2. Kung ikaw si Ayah, babayaran mo rin ba si Kristy ayon sa inyong
napagkasunduan? Bakit? Ipaliwanag mo.
________________________________________________________
________________________________________________________
3. Bakit kaya dapat nating tuparin ang anumang ating
ipinangako?____________________________________________
________________________________________________________

Activity Title 3: Subukin Ang Sarili


Panuto: Sagutin ng Tama o Mali.
_____1. Huwag na huwag mangangako kung hindi mo
ito kayang tuparin.
_____2. Ang pagtupad sa kasunduan ay nagpapamalas
ng pagpapahalaga sa binitiwang salita.
_____3. Ang taong tumutupad sa komitment ay
taong mapagkakatiwalaan.
_____4. Maaaring hindi tuparin ang pangako sa
mga bata sapagkat maliliit pa sila.

4
_____5. Nakasisira ng pagkakaibigan ang hindi pagtupad sa pangako at
kasunduan.
_____6. Humingi ng paumanhin at palugit kung sakaling hindi ka
makatupad sa pangako sa takdang oras.
_____7. Bayaran ang utang sa araw na inyong napagkasunduan.
_____8. Tuparin ang komitment na ibinigay sa kapwa.
_____9. Bigyang halaga ang anumang kasunduang pinasok.
____10. Hindi mo binayaran ang iyong kaibigan sapagkat naniniwala
kang nauunawaan ka niya.

Activity Title 4: Tiyakin Natin


Panuto: Magtala ng limang gawain na maaari mong gawin upang hindi
masira ang pangako momh pagbabayad ng utang.
1. _______________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. _______________________________________________________
4. _______________________________________________________
5. _______________________________________________________

5
SANGGUNIAN:
“ESP Grade 6 Teacher’s Guide”. Department of Education, 2017, pages
3 to 10.
“K to 12 Most Essential Learning Competencies”, Department of
Education, June, 2020, page 86.
Source:
https://www.google.com/search?q=inside+jeepney+passenger&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved=2a
hUKEwjhrPKXobrrAhVJGKYKHZ9FA-
4QrNwCKAB6BQgBEPYB&biw=1349&bih=657#imgrc=RG8_knN_f0t2yM

6
All Right Reserved
2020

ACKNOWLEDGEMENT
CAROLINA S. VIOLETA, EdD
Schools Division Superintendent

CECILIA E. VALDERAMA, PhD


Asst. Schools Division Superintendent

DOMINADOR M. CABRERA, PhD


Chief, Curriculum Implementation Division

VIVIAN R. DUMALAY
Education Program Supervisor, EsP/ALS

MINERVA L. SIONGCO
Developer / Writer- Liputan E/S

You might also like