You are on page 1of 2

KASUNDUAN SA PAGPAPATULOY NA PAGGAMIT NG TABLET

SY 2022-2023

Ako si _________________________________________________________ nasa hustong gulang, may asawa


(Pangalan ng Magulang/Guardian)
dalaga/binata kasalukuyang naninirahan sa _______________________________________________________
(Address)
bilang magulang / guardian ni _______________________________________________, na nag-aaral ngayong
(Pangalan ng mag-aaral)
SY 2021-2022 sa __________________________________________________________________, matapos
(Pangalan ng Paaralan)
makapanumpang sang-ayon sa batas ay nagpapatunay at nagpapatibay na:

1. Ang pagpupuno at paglagda ko sa dokumentong ito ay nagpapakita ng aking intensyon na i-enrol ang aking
anak/ward sa paaralang nakasaad sa itaas para sa SY 2022-2023.

2. Ako ay nakatanggap ng tablet mula sa lokal na pamahalaan ng Quezon City para magamit sa distance
learning ng aking anak. Base sa aking pagsusuri, ito ay natanggap ko nang maayos at may kasamang
accessories na Quick Start Guide, Ejector Tool, Micro USB Cable at Charger. Kasama rin nito ay ang SIM Card
na nakatatanggap ng monthly data allowance.

SIM no.: ___________________________ at TABLET IMEI no.: ____________________________________

3. Ang tablet ay kasalukuyang gumagana at nasa maayus na kondisyun, mayroong kumpleto at gumaganang
accessories, at umayon sa mga alintuntuning nakasaad sa dokumentong ito.

4. Ang tablet na ito ay patuloy na gagamitin ng aking anak/ward mula taong panuruang 2022-2023 hanggang
sa siya ay makatapos sa paaralan kung saan siya ay naka enroll ngayon. Sa kanyang pagtatapos ay
kinakailangang isauli ang tablet at accessories nito bilang isang requirement upang makuha niya ang kanyang
clearance, diploma, at iba pang credentials.

5. Kung sakaling lilipat ng paaralan ang aing anak/ward dahil sa ano mang kadahilanan, kinakailangan din na
isauli ang tablet at accessories para makuha niya ang kanyang credentials na kakailanganin sa paglipat sa ibang
paaralan.

6. Kung sakaling tumigil sa pag-aaral ang aking anak/ward dahil sa ano mang kadahilanan, kinakailangan din
na isauli ang tablet at accessories sa lalong medaling panahon.

7. Ang tablet at internet connectivity allowance ay gagamitin lamang ng aking anak para sa mga gawain na
may kaugnayan sa kanyang pag-aaral.

8. Hindi maaaring imodify, uninstall, o idisable ng mga software applications na nasa tablet nang walang
pahintulot mula sa Schools Division Office at lokal na pamahalaan ng Quezon City. Mahigpit din na
ipinagbabawal ang pagdownload ng mga anumang files, games o applications na walang kaugnayan sa pag-
aaral at hindio inirekomenda ng paaralan.

9. Ang tablet at internet connectivity ay hindi maaring gamitin sa cyberbullying, Online betting, gambling
mobile games o pag-access sa pornographic at virus o malware-laden sites o anumang gawain na lumalabag sa
Republic Act 10929 (Free Internet Access in Public Place Act) at Republic Act 10627 (Anti-Bullying Act of
2013).

10. Responsibilidad ko at ng aking anak na panatilihing maayos at gumagana ang tablet. Kaugnay nito, hindi
maaaring ilabas ng bahay ang tablet maliban na lang kung ito ay ipinayo ng guro o ng kainauukulan.
11. Ang tablet ay mananatiling pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Quezon City. Ito ay hindi maaaring isangla
o ipagbili. Hindi rin maaaring maguhin, alisin osirain ang property stickers ng tablet. Ang paglabag ditto ay
may kaakibat na multang limang libong piso (Php 5,000) at ang mag-aaral ay hindi na muling mabibigyan ng
tablet. Ito ay naaayon sa City Ordinance SP – 2954, S.2020.

12. Sa oras na makaranas ng malfunction sa paggamit ng tablet, responsibilidad ko at ng aking anak na ipaalam
ito sa guro o sinumang kinauukulan sa paaralan nang hindi lalagpas sa dalawang araw.

13. Kaakibat ng standard, limited warranty ng tablet, ang anumang pagkasira sa tablet ay maaari lamang
ipagawa o papalitan sa mga authorized service centers sa Quezon City na nakalagay sa tablet para sa madaling
pag-access/pagkontact sa mga ito. Ang anumang pagkasira sa tablet o pagkawala nito na hindi sakop ng
warranty ay aking babayaran.

14. Kung sakaling mawala o manakaw ang Tablet, responsibilidad ko at ng aking anak na ipaalam ito sa guro o
sa kinauukkulan sa lalong madaling panahon. Kaakibat nito ang pagkuha at pagsumite ang mga dokumentong
magpapatunay sa pagkawala tulad ng police blotter o Certificate and Sworn Affidavit. Sa pagkakataong hindi
ako makapagsumite ng mga nasabing dokumento, babayaran ko ang halaga ng nawalang tablet sa halagang
Anim na Libong Piso (Php 6,000).

15. Tungkulin ko din at ng aking anak ang paglahok sa regular na monitoring at evaluation na isasagawa ng
Schools Division Office at lokal na pamahalaan ng Quezon City upang mapanatili ang kaayusan ng tablet. At
base sa resulta ng isinagawang Monitoring and Evaluation, maaaring matigil o maputol ang pagpapadala ng
internet allowance kung sakaling maobserbahan na hindi ito ginagamit nang mahigit sa isang buwan.

16. Kung sakaling kami ay lilipat ng bahay at magbabago ng address, agad namin itong papaalam sa
paaralan/kinauukulan.

“Na sa anumang paglabag sa kasulatang ito ay nauunawaan ko ang aking pananagutan sa ilalim ng
SP-2954,s 2020.

Student
Name: LRN:
Grade
Level: Section Mobile No.: Email:

Name of Parent: Mobile No.

Address: Email:

Ang paglagda ko sa dokumentong ito ay nangangahulugang nabasa, naintindihan at sumasang-ayon ako sa


nakasaad dito.

______________________________
(Pangalan at Lagda/Petsa)

Saksi: ______________________________
(Pangalan ng Guro/Adviser/Petsa)

You might also like