You are on page 1of 3

KASUNDUAN SA PAGGAMIT NG TABLET

SY 2022-2023

Ako, si ____________________________________________ nasa hustong gulang, may


(Pangalan ng Magulang),
asawa / dalaga / binata at kasalukuyang naninirahan sa__________________________________
______________________________________________________________________________
(Address)
bilang magulang / guardian ni _____________________________________________________,
(Pangalan)
nag-aaral sa MANUEL LUIS QUEZON ELEMENTARY SCHOOL
(Pangalan ng Paralan)
matapos makapanumpa ng sang-ayon sa batas ay nagpapatunay at nagpapatibay na:

1. Ako ay nakatanggap ng tablet mula sa lokal na pamahalaan ng Quezon City para magamit
sa distance learning ng aking anak. Base sa aking pagsusuri, ito ay natanggap ko nang
maayos at may kumpletong accessories.
MODELO NG TABLET AT LISTAHAN NG ACCESSORIES:
2. Ang tablet at internet connectivity allowance ay gagamitin lamang ng aking anak para sa
mga gawain na may kaugnayan sa kanyang pag-aaral.
3. Hindi maaaring imodify, uninstall, o idisable ng mga software applications na nasa tablet
nang walang pahintulot mula sa Schools Division Office at lokal na pamahalaan ng
Quezon City. Mahigpit din na ipinagbabawal ang pagdownload ng mga anumang files,
games o applications na walang kaugnayan sa pag-aaral at hindi nirekomenda ng paaralan.
4. Ang tablet at internet connectivity ay hindi maaaring gamitin sa cyberbullying, pag-access
sa pornographic at malware-laden sites o anumang gawain na lumalabag sa Republic Act
10929 (Free Internet Access in Public Places Act) at Republic Act 10627 (Anti-Bullying
Act of 2013).
5. Ang tablet at internet connectivity ay hindi maaaring gamitin sa personal na gawain,
paglalaro ng mobile games o anumang ipinagbabawal na gawain.
6. Responsibilidad ko at ng aking anak na panatilihing maayos at gumagana ang tablet.
Kaugnay nito, hindi maaaring ilabas ng bahay ang tablet maliban na lang kung ito ay
ipinayo ng guro o ng kinauukulan.
7. Ang tablet ay mananatiling pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Quezon City. Ito ay hindi
maaaring isangla o ipagbili. Hindi rin maaaring baguhin, alisin, o sirain ang property
stickers ng tablet. Ang paglabag dito ay may kaaikbat na multang limang libong piso (Php
5,000) at ang mag-aaral ay hindi na muling mabibigyan ng tablet.
8. Sa oras na makaranas ng malfunction sa paggamit ng tablet, responsibilidad ko at ng aking
anak na ipaalam ito sa guro o sinumang kinauukulan sa paaralan nang hindi lalagpas sa
dalawang araw.
9. Kaakibat ng standard, limited warranty ng tablet, ang anumang pagkasira sa tablet ay
maaari lamang ipagawa o papalitan sa mga authorized service centers sa Quezon City na
nakalagay sa tablet para sa madaling pag-access/pagkontact sa mga ito. Ang anumang
pagkasira sa tablet o pagkawala nito na hindi sakop ng warranty ay aking babayaran.
10. Kung sakaling mawala o manakaw ang Tablet, responsibilidad ko at ng aking anak na
ipaalam ito sa guro o sa kinauukulan sa lalong madaling panahon. Kaakibat nito ang
pagkuha at pagsumite ang mga dokumentong magpapatunay sa pagkawala tulad ng police
blotter o Certification and Sworn Affidavit. Sa pagkakataong hindi ako makapagsumite ng
mga nasabing dokumento, babayaran ko ang halaga ng nawalang tablet sa halagang
Php__________.
11. Tungkulin ko din at ng aking anak ang paglahok sa regular na monitoring at evaluation na
isasagawa ng Schools Division Office at lokal na pamahalaan ng Quezon City upang
mapanatili ang kaayusan ng tablet.
12. Ang paggamit ng tablet at internet connectivity ay depende sa enrollment status ng aking
anak. Kaugnay nito, sa pagtatapos ng school year o sa oras na ang anak ko ay lumipat ng
paaralan, kailangan kong ibalik ang tablet kasama ang mga accessories nito sa paaralan.
13. Sa pagtatapos ng taong panuruan, pagtatapos ng aking anak, o paghinto sa pag-aaral o
paglipat ng paaralan, kailangan kong ibalik ang Tablet kasama ang lahat ng accessories
nito sa paaralan isang linggo bago ang itinakdang pagtatapos, pagtatapos ng taong
panuruan, paghinto sa pag-aaral o paglipat ng paaralan.
Sa pagkakataong hindi maibalik ang tablet, ang paaralan ay magbibigay ng isang buwan
palugit bago nito ibigay ang mga dokumento ng mag-aaral tulad ng report card, good
moral character certificate at Form 137.

Alinsunod sa SP-2954, S – 2020 (Free use of tablet for public school students ordinance of
Quezon City), ang paggawa ng mga sumusunod ay may kaakibat na parusa:
 Pagdownload sa tablet ng anumang files, games o applications na walang kaugnayan sa
pag-aaral
 Pagkabigong masiguro ang kaligtasan at karapatan ng bata sa ilalim ng Cybercrime Law at
anumang batas na may kinalaman dito
First Offense: Pagkumpiska ng tablet nang isang (1) linggo.
Second Offense: Pagkumpiska ng tablet nang isang (1) buwan at pagbayad ng multang isang
libong piso (Php1,000.00);
Third Offense: Pagkumpiska ng tablet para sa natitirang mga araw o buwan sa school year
at pagbayad ng multang tatlong libong piso (Php3,000.00).
Kumpletong pangalan at lagda:
Mag-aaral: ________________________________________LRN: _______________________
Grade Level at Section: ______________________________Petsa: _______________________
Address: ______________________________________________________________________
Mobile Number: ______________________ Email Address: ____________________________
Parent o Guardian: ____________________________ Petsa: _______________________
Address:
_____________________________________________________________________________
Mobile Number: ______________________ Email Address: ____________________________

Pangalan ng Adviser: __________________________ Petsa: ___________________


Address: ________________________________________
Mobile Number: ______________ Email Address: _________________________

Ang paglagda ko sa dokumentong ito ay nangangahulugang nabasa,


naintindihan at sumasang-ayon ako sa nakasaad dito.

____________________________
(Pangalan at Lagda/ Petsa)

Saksi:

____RACQUEL V. BUENAVENTURA_______OCTOBER 14, 2021_


(Pangalan at Lagda ng Guro/Adviser/Petsa) Grade __

Pinagtibay ni:

MERCEDES M. FLORES
(Pangalan at Lagda ng Punong-guro/Petsa)

You might also like