You are on page 1of 1

DELA PAZ NATIONAL HIGH SCHOOL

Almeda Subd. Brgy. Dela Paz, Binan City, Laguna

KASUNDUAN
Ako po si ___________________________ magulang ni ___________________________ ng
section _________________ ay nabasa at sumang ayon sa kasunduan ito sa pagitan ko at ng
kanyang gurong tagapayo na iintindihin, tuturuan, at magkakaroon ng bukas na komunikasyon sa
paaralan tungkol sa mga sumusunod na bagay na may kinalaman sa ikauunlad ng aking anak tungo
sa kanyang pagkatuto nakalagay dito at batid ko na kinakailangan kong gawin ang mga sumusunod:

1. Magpasa ng PSA (birth certificate) ang aking anak dahil ito ay isa sa pinaka-importanteng
papeles. Responsibilidad kong ito ay ibigay sa guro sa lalong madaling panahon, binibigyan
ako ng guro ng 3 buwan para ito ay makuha. Kung ito ay hindi ko maisusumite sa lalong
madaling panahon ay makapagdudulot ito ng pagkabinbin sa pag aaral ng aking anak.
2. Magpasa ng SF10/ F137 (sa transferee lamang). Asikasuhin agad ang isa pang napaka
importanteng papeles mula sa pinanggalingan niyang school papunta sa bago niyang school
sa loob ng 3 buwan ay kinakailangan ko itong maisubmit sa kanyang gurong tagapayo.
Malinaw sa akin na ang aking anak ay temporary enrol lamang hangga't hindi ko naisusumite
ang dokumentong ito. Kung ito ay hindi ko maisusumite sa lalong madaling panahon ay
makapagdudulot ito ng pagkabinbin sa pag aaral ng aking anak.
3. Pagsunod sa lahat ng school rules and regulation. Kalakip nito ang rules sa paaralan na
aking ipaiintindi sa aking anak upang magabayan sila sa tamang asal. Maliwanag sa akin ang
lahat ng nakalagay sa papel na ito ay tungo lamang sa ikabubuti ng aking anak.
4. Pagkuha ng module, WHLP at iba pa, at Pagpasa ng answer sheet na may sagot ng aking
anak tuwing schedule ng distribution at retrieval sa paaralan. Ipagbibigay alam ko at
tatawagan or ime-message ang guro kapag hindi ko ito magagawa ng sa gayon ay alam nila
ang possibleng maging problema at dahilan ng hindi pagkakasumite. Mangyari at ito ay di ko
naipasa ang answer sheet ng 4 na sunod sunod na linggo na walang pasabi ay pwedeng
magdulot ng hindi magandang grado at pagkakabinbin ng pagkatuto ng aking anak at
pwedeng isipin na sila ay akin ng pinahihinto sa pag aaral.
5. Maliwanag sa akin na kapag hindi naipapasa ang mga answer sheet ng aking anak ay
nangangahulugan na siya ay absent sa buong linggo. Kapag ito ay nangyari, magkakaroon
ako ng bukas na komunikasyon para maipaalam sa gurong tagapayo ang dahilan. Kapag ito
ay nagtagal ng isang buong grading ay nangangahulugan na akin ng pinahihinto ang aking
anak sa pag aaral.

Pinirmahan sa ________________ noong ika _______________ sa pagitan ko,


____________________ (magulang/guardian) at ng kanyang gurong tagapayo na si
______________________.

Pinagtitibay ito ng lagda naming pareho.

__________________ ______________________
Lagda ng Magulang Lagda ng Gurong Tagapayo

You might also like