You are on page 1of 1

PAALALA, PAGBIBIGAY NG PAHINTULOT

(CONSENT/WAIVER)

Ako __________________________________________________, nasa hustong gulang,


Pilipino, ay malaya at kusang loob na nagsasabi ng mga sumusunod;

Na ako ang magulang/ legal na tagapangalaga ni


______________________________________________________ na isang estudyante sa
MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION, INC. ay nagbibigay ng pahintulot sa batang
nabanggit na lumahok sa face to face classes na gagawin ng Unibersidad.

Na ipinaalam sa akin ang mga detalye ng pagsasagawa ng paunang implementasyon ng face to


face classes at naunawaan at alam kong ipatutupad ng Unibersidad ang mga pampublikong
pamantayang pangkalusugan na itinakda ng pamahalaan. Na alam kong sa kabila ng mahigpit na
panuntunan ng paaralan ay hindi nito matitiyak na hindi mahahawahan ng COVID-19 ang aking
anak dahilan sa hindi lamang naman ang mga taong nasa paaralan ang nakakasalamuha ng
aking anak.

Na alam ko rin at sumasang-ayon ako na may karapatan ang paaralan na ibukod o hindi
payagang lumahok sa klase kung siya ay lalabag sa mga panuntunan ng paaralan laban sa Covid
19 at ipinaalam din sa amin ang mga kahihinatnan ng paglabag na ito. Na ang nasabing
panuntunan ay ipinaalam sa amin at sa estudyante bago pa man magsimula ang face to face
classes.

Nauunawaan kong ganap na boluntaryo ang paglahok ng aking anak/mga anak sa gawaing ito.
Bagamat nananatili ang posibilidad ng pagkahawa sa COVID-19 ng aking anak/mga anak, at ng
aming mga kasama sa bahay, tinatanggap ko ang mga kaakibat nitong panganib at
pinahihintulutan kong lumahok ang aking anak/mga anak sa gawaing ito.

Batid ko ang mga sintomas ng COVID-19 at kung sakaling maranasan namin sinuman sa aming
pamilya o kasama sa bahay ang mga nasabing sintomas ay ipapabatid ko sa paaralan ang
nasabing sitwasyon at hindi papayagan ang aking anak na pumasok sa Pamantasan.

Bilang isang magulang, naniniwala ako na pangangalagaan ng paaralan ang kaligtasan ng aking
anak at sumasang- ayon ako na ang anumang hindi inaasahang pangyayari o aksidenteng
maganap ay hindi magiging pananagutan ng paaralan at ng Kagawaran ng Edukasyon/Komisyon
ng Higit na Mataas na Edukasyon (CHED).

Dahil naunawaan ko ang lahat ng mga nabanggit, ipinapahayag ko - sa ngalan ng aking sarili,
mga kasama sa aking bahay, at ng aking anak - ang aking malaya at boluntaryong
pagpapahintulot sa paglahok ng aking anak sa gawaing ito. Pinatototohanan kong sumangguni
ako sa opinyon ng aking anak at nagpahayag siya ng kanyang pagsang-ayon sa paglahok sa
gawaing ito.

Lagda ng Magulang/ Tagapangalaga sa Mga Detalyeng maaaring


ibabaw ng Pangalan: Matawagan/Makontak:

Pangalan ng Anak: Petsa:

You might also like