Professional Documents
Culture Documents
MGA BENEPISYO
Tutugunan ng gawaing ito ang mga suliranin ng mga mag-aaral sa sariling pagkatuto at
kakulangan sa magagamit na teknolohiya at mga kagamitan sa bahay. Dagdag pa rito,
makikinabang sa hinaharap ang ating mga mag-aaral mula sa impormasyong makakalap sa
gawaing ito.
PAGKAKUMPIDENSIYAL
Anumang impormasyong ibibigay habang isinasagawa ang gawaing ito ay pananatilihing
kumpidensiyal, at ang personal na impormasyon ay gagamitin nang naayon sa Data Privacy
Act of 2012. Makatitiyak na ang mga impormasyon tungkol sa iyo at sa iyong anak ay hindi
ilalabas ng Department of Industrial Technology. Ang pangalan ng kalahok ay hindi
gagamitin sa pagsusuri ng mga datos sa gawaing ito.
BOLUNTARYONG PAGLAHOK
Boluntaryo ang paglahok sa gawaing ito. Ikaw at ang iyong anak ay maaaring tumanggi o
umatras sa paglahok sa anumang oras sa anumang dahilan. Ang pagtanggi o pag-atras sa
gawaing ito ay hindi magkakaroon ng anumang parusa, o hindi mawawala ang anumang
benepisyong nararapat para sa iyong anak.
Bago pahintulutan ang paglahok sa limitadong harapang pagkaklase, sasagot ng health form
bago magsimula ang harapang pagkaklase, na magpapatunay na ang kanyang anak at ang
kanilang mga kasama sa bahay ay hindi close contact, suspect, probable o confirmed
1 | Page
COVID-19 case sa nakaraang labing-apat (14) na araw, at hindi nakararanas ng sintomas na
kaugnay ng COVID-19 kabilang na ang, ngunit hindi limitado sa, lagnat, pag-ubo,
pangangapos ng hininga, pagkapagod, pananakit at pagkirot ng katawaan o kalamnan,
pagkawala ng panlasa o pang-amoy, pananakit ng lalamunan (sore throat), sipon o baradong
ilong, pagduduwal, pagsusuka, at pagtatae.
Nauunawaan kong kabilang sa harapang pagdalo sa mga klase ng aking anak ang
pakikihalubilo sa mga guro, kamag-aral at mga empleyado ng paaralan, at iba pang tao sa
loob at labas ng paaralan na maaaring magdulot ng pagkahawa ng aking anak sa COVID-19,
sa kabila ng mga pag-iingat na isinasagawa ng paaralan.
Nauunawaan kong ganap na boluntaryo ang paglahok ng aking anak sa gawaing ito. Bagamat
nananatili ang posibilidad ng pagkahawa sa COVID-19 ng aking anak, at ng aming mga
kasama sa bahay, tinatanggap ko ang mga kaakibat nitong panganib (freely assume the risk)
at pinahihintulutan kong lumahok ang aking anak sa gawaing ito.
Batid ko ang mga sintomas ng COVID-19 kung saan kabilang ang, ngunit hindi limitado sa,
lagnat, pag-ubo, pangangapos ng hininga, pagkapagod, pananakit at pagkirot ng katawaan o
kalamnan, pagkawala ng panlasa o pang-amoy, pananakit ng lalamunan (sore throat), sipon o
baradong ilong, pagduduwal, pagsusuka, at pagtatae.
2 | Page
Marinduque State College, mga empleyado at opisyal nito, at sa mga tanggapang kaugnay sa
pagpapatupad ng gawaing ito, lalo na kung ang pangyayaring magdudulot ng kapahamakan
sa aking anak ay dahilan sa kanyang sariling pagpapabaya, lagpas sa panuntunan ng paaralan
o mga pangyayaring hindi maiiwasan at Diyos ang nagtatakda.
Dahil naunawaan ko ang lahat ng mga nabanggit, ipinapahayag ko – sa ngalan ng aking sarili,
mga kasama sa aking bahay, at ng aking anak – ang aking malaya at boluntaryong
pagpapahintulot sa paglahok ng aking anak/mga anak sa gawaing ito. Pinatototohanan kong
sumangguni ako sa opinyon ng aking anak at nagpahayag siya ng kanyang pagsang-ayon sa
paglahok sa gawaing ito.
Bilang katunayan, kami ay lumalagda sa kasulatang ito ng buong laya ngayung ika- 14 ng
Pebrero 2022 sa Santa Cruz, Marinduque.
BSIT-ELECTRICAL 4 ANAK
Kurso/Taon/Seksyon Relasyon sa Mag-aaral
______________________________ ______________________________
Iprenesentang ID/Numero Iprenesentang ID/Numero
MGA SAKSI:
3 | Page
MGA DETALYENG MAAARING MAKONTAK PARA SA MGA TANONG O
SULIRANIN
REPUBLIKA NG PILIPINAS)
LALAWIGAN NG MARINDUQUE) S.S.
NOTARYO PUBLIKO
4 | Page