You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF ILAGAN
ISABELA NATIONAL HIGH SCHOOL
Senior High School Department
City of Ilagan, Isabela

KAUTUSAN AT ALITUNTUNIN NG SENIOR HIGH SCHOOL


Bilang isang responsableng mag-aaral ng Isabela National High School, ako ay nangangakong
tutupad sa bawat Kautusan at Alituntunin na itinakda ng pamunuan ng Senior High School upang
mapanatili ang kaayusan ng paaralan.
Ang mga Kautusan at Alituntuning mahigpit na ipinagbabawal ng pamunuan ng Senior High School ay
ang mga sumusunod:
1. Pagsapi sa mga samahang walang kapahintulutan ng pamunuan ng paaralan tulad ng fraternity o
sorority. (DECS Order No. 20 s. 1991)
2. Pagdadala ng mga ipinagbabawal na gamot, alak, pagkain, at sigarilyo sa loob ng silid aralan;
gayundin ang mga sandatang nakapipinsala tulad ng patalim, pana, ice pick, paputok at iba pa.
3. Paninira ng mga gamit na pag-aari ng paaralan tulad ng upuan, mesa, kabinet, aklat, pader,
palikuran, susian, hagdanan, ilaw at iba pa.
4. Paglapastangan sa mga kinauukulan sa loob at labas ng paaralan.
5. Pagliban sa klase ng walang makatwirang kadahilanan.
6. Makipagbasag-ulo, manghamon, manakot, mangikil, sobrang pakikipagbiro at pakikialam sa gulo
ng iba. (Anti-Bullying Act of 2013)
7. Pagpapadala ng masasakit na text messages o e-mails at pagpaskil nito sa social networking sites,
gayundin ang malalaswang larawan at videos.
8. Pagdala ng mga malalaswang babasahin.
9. Pagsuot ng hikaw at pagpapahaba ng buhok sa mga kalalakihan.
10. Pagpapakulay ng buhok.
11. Di tamang paggamit at panghihiram ng I.D. Card sa lahat ng sandali habang nasa loob ng paaralan.
12. Panghihikayat na maglaro ng anumang uri ng sugal.
13. Pagsuway sa mga alituntunin ng kalinisan, kaayusan at katahimikan ng kapaligiran.
14. Di pagsuot ng tamang uniporme.
15. Paggamit ng Cellular phones at iba pang mga electronic gadgets habang nagkaklase at pag-charge
ng mga ito. (DepEd Order no. 83, s.2003)

 Ang sinumang mag-aaral na lumabag at mapatunayang sumuway sa mga alituntunin na


nakasaad sa itaas ay maaaring masuspinde o mapatalsik sa paaralan.
Nabasa at naunawaan ko ang bawat bahagi ng Kautusan at Alitutuning itinakda ng pamunuan
kaakibat ang karampatang sanction na nakasaad sa itaas. Maluwag ko itong tinatanggap kung sakaling ako
ay mapatunayang lumabag sa mga panuntunang ito.

_______________________
Mag-aaral
Petsa ng Pagpirma: ____________________

Bilang magulang ni _______________________ kami ay nakikiisa at naniniwala sa mga


panuntunang itinakda ng paaralang ito. Ang mga ito ay para sa kabutihan ng aming mga anak. Buong puso
naming sinusuportahan at tinatanggap ang mga panuntunang itinakda sapagkat ang mga ito ay
makatarungan at nararapat lamang.

Nabasa at naunawaan ko ang bawat bahagi ng Kautusan at Alitutuning itinakda ng pamunuan


kaakibat ang sanction na maaaring ipataw sa aking anak. Maluwag ko itong tinatanggap kung sakaling siya
ay mapatunayang lumabag sa mga panuntunang ito.

Ako ay lumagda ng kusang loob bilang suporta sa adhikain ng paaralan.

_______________________
Magulang
Petsa ng Pagpirma: ____________________

Pinagtibay Ni: _______________________


Class Adviser
Petsa ng Pagpirma: ____________________

You might also like