You are on page 1of 1

PAGPAPAHAYAG NG PANUNUMPA

SA PANANAGUTAN/ RESPONSIBILIDAD SA PAGGAMIT NG TABLET

Ako si, _____________________________(Pangalan ng


magulang/tagapangalaga), may sapat na gulang at magulang/legal na
tagapangalaga ni ________________________ (Pangalan ng mag-aaral) na
kasalukuyang nag-aaral sa __________________________ (Pangalan ng Paaralan)
na nasa seksyon _______ baitang ______ , sumasang-ayon na sundin ang
mga sumusunod na patakaran at regulasyon:

1. Na nauunawaan/naiintindihan ko na ang portable


computer tablet (mas kilala bilang tablet) ay pahiram
lamang ng paaralan at hindi permanenteng ibinibigay sa
mag-aaral;
2. Na gagamitin LAMANG ng mag-aaral ang tablet para sa
layuning pag-aaral partikular sa sumusunod:
a. Pag-access sa mga mapagkukunang kagamitang
pagkatuto (PIVOT 4A SLMs, ADM Materials, DepEd
Commons); at
b. Pakikipag-ugnayan sa kaniyang mga guro at kamag-
aaral na may kinalaman sa isyung pang-akademiko ;
3. Na HINDI gagamitin ng mag-aaral ang tablet sa:
a. Pagkuha ng hindi naangkop na materyales o
kagamitang pampagkatuto;
b. Pinagbabawal/Iligal na gawain;
c. Iligal na pangongopya (Plagiarism);
d. Mga gawaing walang kaugnayan sa pag-aaral o
paaralan;
e. Paninira/ mapanirang paggamit; o
f. Paglabag sa karapatang-ari (Copyright);
4. Na ako o ang mag-aaral ay mananatiling at palagiang
makikipag-ugnayan sa gurong tagapayo ukol sa kalagayan
ng tablet pagkatapos ng bawat kwarter o kapag tinatanong
ukol dito;
5. Na ako o ang mag-aaral ay kinakailangang ibalik/isauli
ang tablet pagkatapos ng bawat semestre;
6. Na tanggapin ang pananagutan kapag ito ay nawala o
nasira habang nasa pangangalaga ng mag-aaral na
napatunayan dahil sa kanyang kapabayaan;
7. Na ako ay lumagda sa Property Acceptance Form;
8. Na ako ay dumalo sa oryentasyon para sa pangangalaga at
tamang paggamit ng tablet; at
9. Na anumang paglabag sa mga nabanggit sa itaas na
pahayag ay nangangahulugan ng pagkumpiska at agarang
pagbabalik ng tablet sa paaralan at pagpataw ng
karampatang pananagutan alinsunod sa batas.

__________________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang / Tagapangalaga
Petsa ng Paglagda: __________________

You might also like