You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
PAMPAARALANG SANGAY NG PARAÑAQUE

  

MGA GABAY AT PANUNTUNAN SA PAMAMAHAGI NG TABLET


SA KINDERGARTEN AT UNANG BAITANG

1. Ang mga TABLETS ay ipamamahagi sa mga mag-aaral ng KINDERGARTEN at


GRADE 1 na nakapagpatala sa mga paaralang elementarya ng Parañaque.

2. Sa unang batch ng pamimigay ng TABLETS, bibigyan ng prayoridad ang mga mag-


aaral ng KINDERGARTEN AT GRADE 1 na walang kakayahang bumili. Ang mga hindi
makatatanggap sa unang batch ng pamimigay ang siyang susunod na makatatanggap
sa ikalawang batch ng pamimigay.

3. Ang mga TABLETS na ito ay siyang magiging gabay ng mga batang KINDER at
GRADE 1 sa kanilang pag-aaral. Ang mga ito ay manananatiling pag-aari ng
pamahalaan kung kaya ang pagsasanla at pagbebenta ng kagamitang ito ay mahigpit
na ipinagbabawal. (Government property is not for sale)

4. Kalakip ng alituntunin na ito ang TATLONG KOPYA ng KASUNDUAN SA PAGGAMIT


NG MGA TABLETS. Mangyari lamang pong sagutan ang kasunduan:

 Isang kopya para sa gurong tagapayo


 Ikalawang kopya para sa magulang
 Ikatlong kopya para sa SCHOOL PROPERTY CUSTODIAN 

5. Ang maaari lamang pong kumuha at tumanggap ng TABLET ay ang magulang o


guardian ng mag-aaral.

6. Icheck pong mabuti ang TABLET na matatanggap. Siguraduhin na ito ay gumagana at


nasa tamang kundisyon. Gayundin, ang pag-iingat sa TABLET ay responsibilidad ng
magulang.

5. Ang TABLET ay maaari lamang gamitin sa pag-aaral ng mga bata at hindi sa ano pa
mang layunin.

5. Sa pakikipag-ugnayan sa mga magulang, ang adviser ng mga mag-aaral ay


magsasagawa ng regular na pagmomonitor sa tablets at sisiguraduhin kung nagagamit
ng maayos ang mga ito at kung ito ay gumagana ng maayos.  

5. Kung sakaling masira ang tablet, mangyaring ipagbigay alam agad sa adviser ng bata
upang ito ay magawan agad ng paraan at upang mapagbigay alam din ng adviser sa
school property custodian.

5. Kung ang tablet naman ay nawala dahil sa mga di inaasahang pangyayari katulad ng
baha, sunog at lindol, makipag-ugnayan kaagad sa adviser. Mangyari lamang din na
gumawa ng maikling salaysay ukol sa pagkawala ng tablet na me pagsang-ayon ng
adviser o sertipikasyon galing sa Barangay na kayo ay nabaha o nasunugan.

5. Bago matapos ang taunang pag-aaral ang tablet ay kailangang maisauli sa adviser na
kanya din namang ibabalik sa school property custodian para sa imbentaryo. (annual
inventory)

5. Mahigpit na ipinapakiusap sa mga magulang na lubos na subaybayan ang mga bata sa


paggamit ng tablet. Pangalagaan at pag-ingatan natin ang mga tablets na ito sapagkat
ito ay gagabay sa mga bata sa kanilang pag-aaral.

MARAMING SALAMAT PO.

You might also like