You are on page 1of 2

SCHOOL OFFICIAL LETTERHEAD

MGA PATNUBAY SA PATAKARAN NG SDO CALOOCAN PARA SA PAGPAPALABAS


NG DIGITAL DEVICES SA MGA MAG-AARAL

1. Ang bawat mag-aaral ay may nakatalagang digital device bilang suporta sa distance
learning na ipinatutupad ng DepEd-SDO Lungsod ng Caloocan, sa
pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Caloocan (LGU), bilang
paraan ng paghahatid ng pagkatuto. Ang device ay hindi gagamitin ng sinomang tao
maliban sa awtorisadong gumamit nito at sa mga gawaing nauukol sa layon ng
DepEd.

2. Ang pagpapalabas ng devices ay ayon sa bilang ng mga mag-aaral na nagpatala sa


pampublikong paaralan ng Lungsod ng Caloocan. Kaya’t, sa katapusan ng taong
panuruan, o kung ang mag-aaral ay hindi na naka-enrol, ang mga devices na ito
ay dapat na maibalik sa Punongguro o sa School Property Custodian.
3. Ang paggamit ng devices ay kinakailangang mahigpit na alinsunod DepEd Order No.
95, s. 2010 (Guidelines on the Proper Use of Computer and Network Facilities in All
DepEd Administrative Offices and Schools), kung kaya’t, ang mag-aaral at
magulang/tagapag-alaga ay tutuparin din ang mga nakasaad sa “KASUNDUAN NG
PARAAN SA PAGGAMIT NG COMPUTER” bago pa man ipagamit ang devices.
4. Ang mag-aaral at ang kanilang mga magulang/tagapag-alaga ay parehong may
pananagutan sa lahat ng data na nakapaloob sa devices na may kinalaman sa
seguridad at back up nito.
5. Ang devices ay kinapapalooban o nalagyan ng DepEd ICT personnel ng aprobadong
standard na software at security applications. Hindi dapat baguhin o i-disable ng
mag-aaral o magulang/tagapag-alaga ang mga software o mga security applications
na ito.
6. Ang devices ay sinasakluban ng standard, limitadong warranty, na maaaring
kinabibilangan ng pagpalit sa depektibong hardware parts. Hindi sakop ng warranty
ang pagkahulog , electrical surges, mga natapong likido sa unit, pagkasira dahil sa
sunog , sinadyang pagsira, o ang di maiiwasang pagkasira dala ng normal na
paggamit ng devices, pagkawala ng mga parte (power unit) o consumable (mga
baterya). Sa oras na masira o mag-malfunction ang devices, responsibilidad ng mag-
aaral o ng magulang/tagapag-alaga na ipaalam ito sa guro sa loob ng dalawang (2)
araw na may pasok, at ibalik kaagad ito sa paaralan para i-repair.
7. Sa kaso ng pagnanakaw nito, kailangan ang agarang pagre-report nito sa
pinakamalapit na presinto ng komunidad o istasyon ng pulis ng lungsod.
Pagkatapos, ang kopya ng police blotter at ang isinulat na paliwanag ay kailangang
agarang ipasa sa guro ng mag-aaral. Gayundin, ipinapaalla sa patakarang ito na ang
tao na bumibili ng kagamitan na nakaw o ninakaw ay mayroong parusa na kulong sa
ilalim ng Presidential Decree No. 1612 o Anti-Fencing Law.

SCHOOL OFFICIAL FOOTER


SCHOOL OFFICIAL LETTERHEAD

8. Para sa kaligtasan, ang devices ay hindi maaaring ilabas ng bahay. Natutukoy ang
eksaktong lugar at oras kung ito ay ilalabas ng bahay dahil may security at location
features ito, na makapagbibigay-hudyat sa mga awtoridad ang hindi naipaalam na
pagkilos nito.
9. Hindi maaaring gamitin ang devices sa paglahok sa cyberbullying, pag-access sa
pornographic sites, at malware-laden sites, o anomang malpractice na lumalabag sa
Republic Act 10929 (An Act Establishing the Free Internet Access Program in Public
Places in the Country and Appropriate Funds Therefor) at Republic Act 10627 (An Act
Requiring All Elementary and Secondary Schools to Adopt Policies to Prevent and
Address the Acts of Bullying in their Institutions)
10. Ang mga mag-aaral at mga magulang/tagapag-alaga ay lalahok sa regular na
monitoring and evaluation activities na pangangasiwaan ng DepED at ng LGU ukol
sa kalagayan ng devices.
11. Ang mag-aaral at ang kanilang magulang/tagapag-alaga ay parehong may
pananagutan sa pag-aasikaso upang maprotektahan at patuloy na mapangalagaan
ang devices. Ang ebidensiya ng maling paggamit o pag-abuso sa mga ito ay magiging
dahilan ng pagbawi nito. Karagdagan pa, ang mag-aaral at magulang/tagapag-alaga
ay may pananagutan sa nawalang halaga ng devices kaugnay ng sinadyang maling
paggamit nito o pag-abuso dito.
12. Ang lagda ng magulang/tagapag-alaga ng mag-aaral sa dokumento na ito ay
nagpapatunay ng pagsang-ayon sa lahat ng pananagutan upang matiyak na
makamit ng mag-aaral ang buong benipisyo ng paggamit ng devices sa layuning
pang-edukasyon. Sumasang-ayon din siya na maging responsible sa pagtitiyak na
hindi maipagbibili, hindi magagamit ng mali at hindi maaabuso ang devices, at
mapalitan agad ng katulad din ng unit na ibinigay sa mag-aaral kung ito ay naipagbili,
may maling paggamit at pag-abuso.

PAGSANG-AYON:
Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapag-alaga Petsa

Buong Tirahan Email Address Cellphone/Mobile


Number
Copy 1 – Parent/Guardian Copy 2 - School Property Custodian
Copy 3 – SDO Property Custodian

SCHOOL OFFICIAL FOOTER

You might also like