You are on page 1of 10

POSISYONG PAPEL HINGGIL SA PAGGAMIT NG AUTOMATED I.D.

SYSTEM SA THE NATIONAL TEACHERS COLLEGE

nina King Caleb J. Gabriel, Ronald Galvez, Sydrick E. Gomez,


Aisha M. Hayudini, Arvin D. Isidro, Abdul Jalal S. Kudarat,
Jacqueline Mae F. Labastilla, Margaux Francesca C. Lucas,
Adaira Jade C. Madrid, Shaira Anne V. Maingat, John Carlo Mesina

Ang Automated Identification System ay isang sistemang mabilis na


nakakapag-proseso ng pagkakilanlan ng isang indibidwal na miyembro ng
isang establisimyento o paaralan. Sa pamamagitan lamang ng pagta-tap o
pag-scan nito sa scanner, malalaman na nito kung ikaw ay lehitimong
studyante o titser. Maipapalit ito sa mga mas lumang ID Cards. Ang
sistemang ito ay binigyang-buhay sa pamamagitan ng teknolohiya. Tulad
lamang ng iba pang mga teknolohiya, ginagamit ito upang mas mapadali
ang pang-araw-araw na buhay ng mga tao. Ang posisyong papel na ito ay
naglalayong magamit ang panibagong teknolohiya sa paaralang National
Teachers College.

Ang seguridad ay matagal nang pinoproblema sa mga paaralan.


Marami ang mga aksidente at trahedya na nagaganap sa loob ng paaralan
dahil sa mga nakapapasok na mga indibidwal na hindi estudyante sa isang
paaralan. Marami na ring mga krimen ang nakalulusot sa loob ng mga
paaralan dahil sa kakulangan sa surveillance camera. Ang mga
pinakamalalang mga insidenteng ito ay naganap sa Estados Unidos noong
nangyari ang mga school shootings. Dahil sa maayos at malinaw na
surveillance camera doon, agad nilang nahuhuli ang mga suspek. Sa
Pilipinas, kaunti lamang ang mga insidente ng mga school shootings, ngunit
may mga iba pang mga aktibidad na hindi mabuti sa mga estudyante.
Kasama dito ang pagpasok ng pinagbabawal na droga, pagnanakaw, bomb
threats at pambubulas. Mas makabago ang pag gamit ng isang ID access
system para mas padali ang pag-secure sa isang paaralan. Ito ay maaring
magbigay ng isang magandang pag papahalaga at mabuting pamamlakad sa
isang paaralan upang ito ay mas maging strikto. Pati narin sa mga ibang
pampublikong campus at dadag pa nito, ito rin ay mas madali matukoy ang
isang estudayante sa araw-araw niyang pag-pasok sa paraalan kung kaya’t
maganda kung ito’y maipatutupad.

Ang isang paaralan ay dapat maging sigurado sa seguridad ng mga


estudyante, at dapat din nitong gamitin ang mga oportunidad na ibinibigay
ng panibagong teknolohiya. May iilang paaralan na ang gumagamit ng
sistemang ito sa Pilipinas, at dapat na maimplementa ito sa lahat ng
eskwelahan. Dahil hindi lamang dagdag na seguridad ang abot nito,
nakapagbibigay rin ito ng karagdagang produktibidad. Mapabibilis nito ang
pagbibilang at pagtukoy ng mga mag-aaral.

Maraming na paaralan ang nagkaroroon ng kaalaman patungkol sa


makabagong sistema ng ID card na maaaring makagawa ng maraming
pagbabago sa kung paano ito suportahan ang kaligtasan at seguridad ng
isang mag-aaral. Sa nagdaang panahon ay mas napagtibay at napagbuti ang
sistemang pangteknolohiya ng ID card na hindi na lamang nagagamit ng
malalaking institusyon kundi ng pagkalahatan, sa pamamagitan nito ay mas
napapadali ang proseso ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal. Hindi na
nga mabilang ang mga suliranin ang kinahaharap ng mga paaralan
patungkol sa mga insidenteng nangyayari sa mga mag-aaral habang suot
ang uniporme na nagsisilbing simbolo ng pagkilala sa institusyon kung kaya't
ang naisip na lunas ay ang pagbabago ng sistema ng paaralan sa
pamamagitan ng smart ID.
Isang benepisyo hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa
mga magulang at sa paaralan ang smart ID sapagkat habang natitigil at
nababawasan ang mga masamang nangyayari sa mga mag-aaral ay
naiiwasan din ang pagnanakaw at pagkakasira ng mga kagamitan na pag-
aari ng paaralan sa kadahilanang nakakayang matukoy ng smart ID ang
lokasyon ng bawat estudyante sa espesipikong oras.

Ang modernong ID na ito ay naglalayong mas pag-igtingin pa ang


seguridad sa loob at labas ng paaralan kung saan namamalagi ang mga
estudyante. Ang smart ID ay maaaring mabago base sa kung ano ang
kakulangan na kailangang mapunan ng isang paaralan. Ang mga krimen na
nangyayari o nagaganap sa labas o maging sa paligid nito ay maaaring
mabawasan gayundin ang paghigpit ng batas sa loob sapagkat kaakibat ng
pagbabago ng sistemang ito ay ang pagkamit sa pamantayan na inilathala
ng mga awtoridad sa paaralan.

Isang malaking tulong ang Automated Identification System sa


paaralan. Hindi lang dahil sa pagpapadali ng pagtatala kung kelan at anong
oras mismong pumasok ang titser at estudyante kundi ito ay mas nagtatatag
ng matinding seguridad sa buong paaralan. Ito ay mahirap madaya o
magaya dahil ito ay smart card. Ang smart card ay gumagamit ng Radio
Frequency Identification (RFID) technology, ito ay kinakailangan lang i-tap
sa scanner at mabilis ka agad na makakapasok sa data ng inyong paaralan.
Ang mga scanner ay maaaring ilagay sa canteen, library, gymnasium, at sa
pasukan ng paaralan, para madaling masundan kung nasaan ang mga
estudyante. Ito ay kayang magsaayos ng mga impormasyon ng isang libong
estudyante ng isang minuto lamang. Ang mga smart card ay mayroong
kakaibang ID number na nakatalaga sa bawat isa. Nasa back-end ng
kompyuter ang lahat ng impormasyon ng isang tao. Dahil dito ay madali
lang magdadag ng mga input sa data. Ito ay mas nakakatulong sa mga
titser na matala ng maayos ng titser kung talagang pumasok ang estudyante
sa klase o kung ito'y hindi pumasok. Malalaman rin nila kung ito ay
nagcutting dahil kapag ito ay nag-tap sa pasukan ng school at hindi nag-tap
sa loob ng klase ay automatikong siyang lumiban at magpapadala ng
mensahe ang paaralan ng isang text sa magulang na ito ay hindi pumapasok
sa klase. Hindi lang sa magulang magkakaroon ng mensahe kundi sa
guidance office at sa opisina ng punungguro rin upang mapagsabihan ang
estudyante.

Ang Automated Identification System ay hindi lang ginawa para


magtala ng mga impormasyon ng tungkol sa isang indibidwal kundi ito rin ay
nagsisimbolong pangdisiplina sa isang tao na dapat maging responsable
tayong tao. Tinuturuan tayong maging responsable sa ating mga aksyon na
ginagawa upang tayo ay matuto, maging isang mabuting indibidwal at
mamamayan.

Ang susi sa epektibong pagpapanatili ng kaligtasan ay dapat maaayos


ang pagkakakilanlan ng bawat pumapasok at lumalabas sa institusyong iyon.
Mula sa mga guro, mga staff, mga bisita na maaring mga magulang na
naghahatid ng kanilang mga anak at lalong-lao na ng mga mag-aaral.
Kinakailangan ang mabisang pagsubaybay sa lahat ng mga taong
pumapasok at lumalabas ng paaralan. At ang pangunahing tanong na
maaaring umusbong sa kanilang mga isip ay kung paano nga ba ito
maisasakatuparan. Mayroong makabagong kagamitang pangteknolohiya na
iminumungkahi ang iba’t ibang mga kompanya sa mga paaralan at ito ang
tinatawag na ID Card System. Dito maaaring masala ang lahat ng mga
pumapasok sa paaralan. Maaari na ring maiwasan ang anumang aksidente
na mangyari sa loob ng eskwelahan. Nakapaloob dito ang mga ID Badges
para sa mga faculty, mga staff, mga bisita at mga estudyante. Sa ganitong
paraan hindi lamang ang kaligtasan ang mapananatili kundi pati na rin ang
mabisang pagganap ng mga mga estudyante, mga guro at iba pang
empleyado sa kanilang mga nakatakdang gawain. Maitatala rin dito ang oras
ng bawat pagpasok at paglabas ng mga tao sa paaralan. Sa pamamagitan
nito mako-kontrol ang lahat ng kilos ng mga estudyante sa pamamagitan ng
tracking chip na mayroon ang bawat ID Badges. Madali nilang
mapupuntahan ang mga estudyante kung sila’y nasa bingit ng
kapahamakan. Kung magkaroon man ng sakuna ay mabilis na
mapupuntahan ang lugar ng pangyayari o pinangyarihan. Makikita rito kung
sila man ay magpunta sa isang lugar ng paaralan na hindi maaring puntahan
o restricted dahil sa ito’y hindi ligtas upang maiwasan ang anumang
disgrasya o kapahamakan ang mangyari sa mag-aaral. Mabilis din
malalaman kung mayroong nawawalang mga estudyante o mayroong mga
lumabas ng paaralan. Masasala din dito ang lahat ng mga dayuhang
pumasok sa eskwelahan. Ang lahat ng mga pagkakakilanlan ng mga guro at
mga estudayante ay nakalagay sa isang cloud based storage kaya’t
madaling makikita’t mahahanap ang bawat profile ng mga ito.

Iilan na sa mga paaralan ngayon ang gumagamit ng ganitong


pamamaraan ng pagpapapasok ng estudyante sa mga paaralan. Isa na rito
ang Nayon sa Ikalawang distrito ng lugar ng Ilocos Norte, ang Paaralang
Elementarya ng Badio. Ginamit nila ang sytemang ito dahil ayon sa kanila ito
ay mas nakapagpapadali at mas ligtas na pamamaraan ng pagmonitor ng
pagpasok ng mga magaaral sa kanilang paaralan.
Ayon sa pagpapaliwanag ng punongguro ng Badio Elemetary School o
BES sa panahon na makapasok ang mga estidyante sa kanilang paaralan at
sa pagpunta ng mga ito sa kanilang kanya kanyang silid aralan, ang gurong
nakatala sa bawat silid ang magta-tap o mag-scan ng kanilang ID at kapag
ito ay nagawa na ng mga guro mayroong maipapadalang mensahe sa mga
magulang ng bata upang ipaalam sa mga magulang na ang kanilang mga
anak ay ligtas na nakarating sa paaralan. Sa paraang ito mas mapapadali
para sa mga guro na malaman kung sino sa mga magaaral ang pumasok sa
bawat araw.

Ang Kagawaran ng Edukasyon sa lugar ng Ilocos Norte na


pinamumunuan ni School Division Superintendent Vilma Eda ay nagpahayag
ng mensaheng nanghihikayat sa iba pang mga paaralan na lumikha o
gumawa ng mga makabagong bagay na mas mapapadali sa pag-aaral ng
mga mag-aaral at upang maisulong ang mga kaisipan sa makabagong
panahon na mayroong pataas ng pataas na antas ng teknolohiya.

Ang Paaralang elementarya ng Badio ang pinaka kauna-unahang


pampublikong paaralan na gumamit ng mga makabaging teknolohiya para
sa kanilang paaralan, maliban sa paggamit ng electronic ID system sila rin
ay nagpaplano ng paraan upang mabigyan ng mas mabilis na internet
connection ang mga magaaral at guro ng BES ayon kay Rambaud.

Ang Lyceum of the Philippines (LPU) Batangas ay isa pa sa mga


paaralang gumagamit ng Advanced ID sa bansa. Naglalayon ito na higit na
maging ligtas at madali ang transaksyon ng mga estudyante sa loob at labas
man ng kanilang paaralan. Magkakaroon ang mga estudyante ng Super
ID"na maaaring gamitin sa attendance at bilang pambayad sa mga
establisyemento upang mapadali ang kanilang mga transaksyon sa loob ng
paaralan. Magagamit ito sa mga transaksyong tulad ng pagbabayad sa
transportasyon, progresibong edukasyon at pamimili sa loob at labas ng
institusyon, ito ay tulad din ng isang debit card na karaniwang ginagamit sa
pamimili o pagbabayad kung saan isang swipe lang ay bayad na ang iyong
pinamili. Ito ay loloadan lamang o lalagyan ng deposito sa mga bangko.
Hindi na kakailanganing magdala pa ng pera o salapi ng mga estudyante
sapagkat ito ay maipambabayad na sa paaralan. Maaari ring mag-withdraw
o maglabas ng pera ang mga estudyante gamit ang ID sa mga Bancnet
ATMs. Sa pamamagitan din ng paggamit nito, madaling nalalaman ng
magulang kung ang kanilang anak ay pumasok o lumabas sa paaralan
sapagkat ito ay automatikong nagpapadala ng mensahe sa kanilang mga
telepono sa oras na mai-tap.

Malaking tulong ito sapagkat makasisiguro ang nga magulang sa


kaligtasan ng kanilang mga anak. Hindi na sila mag aalala kung ang mga ito
ay pumasok ba sa paaralan o hindi. Malaking tulong ito sa hindi lamang sa
mga estudyante at guro ngunit maging sa mga kawani ng paaralan sapagkat
higit na mapapadali ang kanilang trabaho. Hindi lamang ito ginawa upang
ilakita ang iyong impormasyon ng tungkol sa isang indibidwal kundi ito rin
ay nagsisimbolong pangdisiplina sa isang tao na dapat maging responsable
tayong tao. Isang rin itong proseso na pinakamabisa dahil ang paggamit nito
ay ginagarantiyahan ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
pag-swipe ng kanilang ID system. Tinuturuan tayo nito para maging
responsible sa ating mga kilos. Mabilis lamang ang proseso ng pag-store ng
data sa system. Maaari natin masubaybayan ang galaw ng isang tao dahil
nalilista ang kanilang pangalan sa system kung sila ba ay pumasok sa isang
lugar. Kung sakaling sila’y mawala, madali natin itong malalaman dahil itong
ID na ito ay nagpapadala ng lokasyon ng isang tao o sa madaling salita GPS.
Mabisa rin to’ kung ang system ay magpapadala ng mensahe sa ating mga
magulang/tagapag-alaga kung saan nila ginamit ang ID. Napadadali nito ang
buhay ng isang indibidwal dahil hindi na nila kailangang magdala ng mga
papeles upang makapasok sa paaralan. Hindi lamang ang mga estudyante
makikinabang sa ID na ito kundi pati narin alahat ng kinauukulan.

Ang makabagong teknolohiya tulad ng mga RFID o radio frequency


identification ay karaniwang makikita na ginagamit ng mga motorista sa
mga toll booth. Ginagamit ito upang magbayad at makadaan sa mga toll
booth nang hindi nagaabot ng pera. Ito ay dahil naka-load ang pera sa card
para mapabilis ang transaksyon ng mga motorista lalo na kung madals sila
dumaan sa mga tollbooth. Ngunit hindi lang iyon ang kaya ng RFID, kaya
niya rin mag-store ng impormasyon tungkol sa may ari upang ma-identify
ng isang lugar na gumagamit nito tulad ng mga kumpanya yung identity
niya para sa seguridad ng lugar at ang mga tauhan nito.

Naisipan ng University of the Philippines o ang UP na gawin RFID ang


mga identification card ng mga estudyante at empleyado nila. Ang bagong
ID ay magsisilbing gatepass at E-wallet nila sa lahat ng transaksyon sa mga
library, cafeteria, offices at iba pa sa loob ng UP. Binago nila ang
identification system nila dahil ang barcode na nakagawian nila ay maaaring
mabura sa paglipas ng panahon. Sa bagong sistema, chip na naka built-in sa
ID ang kailangan lamang upang maidentify ang identity ng estudynte o
empleyado. Ito ay dahil sa radio frequency transmission kapag tinap ang ID
sa mga designated scanner at automatic na mababasa ng sistema ang
impormasyon na nakalagay sa ID sa gayon mapadali ang anumang
transaksiyon na kailangan ng estudyante o empleyado.
Bagama't panibagong sistema ito na layunin ay maimprove ang buhay
ng mga tao sa UP, mayroon paring patibong sa paggamit nito. Kapag nawala
ang ID sa labas ng UP, lahat ng impormasyon na nasa loob ng ID tulad ng
personal na impormasyon ng may ari, pera at iba pa ay maaaring gamitin ng
mga kriminal upang gumawa ng mga krimen gamit ang ID,
mapapagbintangan pa ang may ari na wala naman kinalaman sa krimen. Isa
itong sistema na bukas sa maaari pang porbutihin

Naglunsad ng Automated ID System sa Tanzang Luma Elementary


School sa Imus, Cavite upang mabawasan ang pag aalala ng magulang sa
mga estudyante. Sa Automated ID system na ito, ita-tap lamang ng mag-
aaral ang sensor at kaagad na maipapaalam sa magulang kung nakarating
na siya sa paaralan, sa pamamagitan ng text message. Makikita rin dito
kung ilang bata ang hindi pumasok at lumabas ng paaralan ganun din sa
guro. Maraming magulang ang natuwa sa sistemang ito dahil magiging mas
responsable ang kanilang anak sa kanyang oras ng pagpasok dahil kapag
nahuli ay tiyak na liban na agad. Mas mapapaaga ang kanilang pagpasok at
madidisplina ang sarili sa pagtulog ng maaga. Gaganahan din ang mga
kabataan na magaral dahil sa magandang sistemang naimplement at mas
matuto agad silang gumamit ng teknolohiya. Mas mahuhubog ang kanilang
kaalaman sa paggamit ng teknolohiya at maaaring maimprove ang paggamit
ng mas high-tech na kagamitan. Ang sistemang ito ay naglalayon na
mapabuti ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpahihigpit ng
patakaran.

Katulad lamang ng pagsakatuparan ng National I.D. sa ating bansa ay


malaking tulong sa iba't ibang aspekto. Nais ng proyektong ito na pag isahin
ang iba't ibang ahensya ng gobyerno upang mas mapabilis ang proseso hindi
na kailangan pa ng maraming I.D.. Sinuportahan din ng chairman ng
Metropolitan Manila Development Authority o (MMDA) na si Bayani Fernando
para sa kanya mas makakatulong ang National I.D. sa mahihirap dahil mas
mapapadaling matugunan ang serbisyo sa mga tao sapagkat gagamit ng
mga modernong teknolohiya imbes na mga logbook na maaring mawala,
masira o madaya at ayon pa sa kanya ang National Bureau of Investigation
at ang Commission on Elections ay ang mga pinaka-akmang ahensya na
hahawak ay magpapatupad ng panukalang sistema.

Bukod sa mas madaling pagkuha ng serbisyo ng gobyerno,


makakatulong din ang national ID sa bansa lalo na kapag may kalamidad
sapagkat ang magagamit ito para hindi mabigyan ng doble o sobra-sobra
ang isang pamilya ng relief goods, ayon kay Del Prado.

Samakatuwid, hinggil sa mga impormasyon, mga punang nabanggit,


at mga mungkahi, inererekomenda ng aming grupo ang pagsasagawa at
paggamit ng mga Modernized I.D. at Automated Identification System.

Mas makabago ang pag gamit ng isang ID access system para mas
padali ang pa-secure sa isang paaralan. Ito ay maaring magbigay ng isang
magandang pag papahalaga at mabuting pamamalakad sa isang paaralan
upang ito ay mas maging strikto. Pati narin sa mga ibang pampublikong
campus at dadag pa nito ito rin ay mas madali matukoy ang isang
stundyante sa araw araw niyang pag pasok sa paraalan kung kaya’t
maganda kung ito’y maipapatupad.

You might also like